24/08/2026
Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA) | Barangay Sapa, Bataraza, Palawan
August 15β16, 2026
Matagumpay na naisagawa ang Participatory Risk and Vulnerability Assessment (PRVA) sa Barangay Sapa, Bataraza, Palawan noong Agosto 15β16, 2026, sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng komunidad.
Nakiisa sa gawaing ito ang Community Volunteers, Barangay Local Government Unit (BLGU), Municipal Resilience Team (MResT), KALAHI-CIDSS staff, kinatawan ng Regional Program Management Office (RPMO), mga bata at kabataan, at iba pang mga katuwang.
Isinagawa ang ibaβt ibang participatory activities tulad ng Community Profile Validation, Community Walkthrough, Community Mapping, Focus Group Discussions (FGDs), at PRVA Workshop upang sama-samang matukoy ang mga hazard, risk, sanhi, epekto, at coping capacities ng komunidad.
Bilang bahagi ng Child Participation pilot initiative, naging mahalaga rin ang pakikilahok ng mga bata at kabataan sa pagbabahagi ng kanilang mga obserbasyon, karanasan, at pananawβdahil ang isang resilient na komunidad ay mas nagiging makabuluhan kapag bawat boses ay naririnig.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng gawaing itoβmula sa mga Community Volunteers, BLGU, MResT, RPMO, KALAHI-CIDSS staff, mga bata at kabataan, hanggang sa iba pang katuwang sa komunidad.
Sama-sama sa pagkilos tungo sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na Barangay Sapa. π€π±