Jimbo Maristela

Jimbo Maristela Ang Kakampi ng Bayan, Atty. Jimbo Maristela!

PUERTO PRINCESA CITY- Pambato ng Lungsod ng Puerto Princesa ang Brgy. Babuyan para sa pagpipilian bilang Outstanding Bar...
03/06/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Pambato ng Lungsod ng Puerto Princesa ang Brgy. Babuyan para sa pagpipilian bilang Outstanding Barangay Nutrition Council (BNC) at Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa regional competition ng National Nutrition Council ng Department of Health (DOH).

Ito ang masayang ipinarating kay Vice Mayor Jimbo Maristela ng Regional Nutrition and Evaluation Team ng DOH ng mag-courtesy call ang mga ito sa Tanggapan ng Bise Alkalde, para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro).

Kabilang sa mga miyembro ng Regional Nutrition Evaluation Team sina Karen Faye Gaya, Nutrition Officer III, NNC-MIMAROPA, Justine Fernandez, Nutritionist-Dietician II at Armando Golifardo Jr., LGOO II, DILG-MIMAROPA.

Bukod sa Barangay Nutrition Council ng Brgy. Babuyan, pambato rin para sa Outstanding Barangay Nutrition Scholar si Aldwin Manalon ng Brgy. Babuyan pa rin.

Samantala, kasama rin ng grupo ang mga kinatawan mula sa Puerto Princesa City Nutrition Office na sina Maria Concepcion Solidum, Grace Palarca at Rinslyn Belleza, na mainit na tinanggap at pinasalamatan ni Vice Mayor Maristela.

PUERTO PRINCESA CITY- Tinanggap ni Vice Mayor Jimbo Maristela bilang kinatawan ni Mayor Lucilo Bayron ang isang plake ng...
02/06/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Tinanggap ni Vice Mayor Jimbo Maristela bilang kinatawan ni Mayor Lucilo Bayron ang isang plake ng pagkilala mula sa National Association of Pre-School Educators Inc (NAPSEI) bilang Outstanding Local Government Unit (LGU) for Providing Excellent ECD Program.

Ang naturang parangal ay ipinag-kaloob sa Lungsod ng Puerto Princesa noong May 27, 2026, sa ginanap na International Seminar Workshop in Early Childhood Care and Development sa Middletown sa Bacolod City.

Pirmado ito ni Dr. Nancy Berame NAPSEI Board Director.

Kasamang tumanggap ni Vice Mayor Maristela sina City Administrator Atty. Arnel Pedrosa, ECDD Focal Sharon Charota, City Social Welfare and Development Officer Remy Beltran at Daycare Center Program-in-Charge Rosevilla Moises.

PUERTO PRINCESA CITY- Namahagi kahapon (May 29, 2026) ng jetmatic  pumps (poso) si Vice Mayor Jimbo Maristela sa ilang i...
30/05/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Namahagi kahapon (May 29, 2026) ng jetmatic pumps (poso) si Vice Mayor Jimbo Maristela sa ilang indibidwal mula sa Brgy. Babuyan na humiling sa kanyang tanggapan na mapag-kalooban sila ng mga nabanggit na gamit para mapagkunan ng malinis na tubig.

Nilinaw ni Vice Mayor Maristela na ang mga ipinag-kaloob na water pump ng kanyang tanggapan ay hindi lamang para sa mga indibidwal na humiling nito, subalit maaari ring magamit ng kanilang mga kapitbahay.

Bukod dito nagkaloob din ng tulong pinansiyal si Vice Mayor Maristela sa Brgy. Babuyan sa pamamagitan ni Punong Barangay Edmund Servando upang ipambili ng electric water pump para sa kanilang barangay hall.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Punong Barangay Servando at ng iba pang opisyales ng barangay, ganon din ang mga naging benepisyaryo sa naiparating na tulong ni Vice Mayor Maristela.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo rin ay namahagi naman ng electric water pump si Maristela sa mga nag-aalaga at nabebenta ng mga halamang namumulaklak sa Brgy. Concepcion na napaka-laking tulong umano sa kanilang hanapbuhay.

PUERTO PRINCESA CITY- Nagsagawa ng consultative meeting ngayong araw (May 29, 2026) si Vice Mayor Jimbo Maristela sa mga...
29/05/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Nagsagawa ng consultative meeting ngayong araw (May 29, 2026) si Vice Mayor Jimbo Maristela sa mga opisyal ng Brgy. Babuyan sa pamumuno ni Punong Barangay Edmund B. Servando.

Nagpaabot ng kanilang mga kahilingan kay Vice Mayor Maristela ang mga opisyal ng barangay at mga purok president kabilang ang tulong para makahingi ng magandang binhi ng palay, ganon din ang mapagkukunan ng tubig para sa mga magsasaka.

Nagpatulong din ang isang purok ng barangay na muling maitayo ang kanilang purok center na matagal ng nasira dahil sa bagyong Oddette at paglalagay ng mga solar streetlights para sa mga liblib na purok.

Tutulong din si Maristela sa pagsasa-ayos ng day care center ng barangay at pagkakaloob ng kinakailangang mga materyales at mga libro para sa mga batang mag-aaral ng day care center.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong pinansiyal si Maristela sa pamunuan ng Brgy. Babuyan sa pamamagitan ni Punong Barangay Servando para sa pambili ng electric water pump ng barangay matapos masira ang dating electric water pump na ginagamit ng barangay.

Labis naman ang pasasalamat ng mga opisyal ng barangay sa ipinaabot, at ipaaabot pang tulong ng Bise Alkalde.

Kasama ni Punong Barangay Servando sa consultative meeting ang mga kagawad ng barangay na sina Robin Rectar, Rex Mamaril, Elegia Dusong, Analiza Favila, Pedro Martinez, Nancy Nollan, Novy Favila, Angelo Aniarna na siyang Sangguniang Kabataan President at Regalado Romualdo bilang Indigenous People's Mandatory Representative (IPMR), ganon din sina Brgy. Secretary Gemelyn Favila at Brgy. Treasurer Maribeth Decierto at mga presidente ng bawat purok sa Brgy. Babuyan.

PUERTO PRINCESA CITY- Bilang pagtupad sa pangako, naipagkaloob na kahapon (May 21, 2026) nina Vice Mayor Jimbo Maristela...
22/05/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Bilang pagtupad sa pangako, naipagkaloob na kahapon (May 21, 2026) nina Vice Mayor Jimbo Maristela at Jimmy Cañete ang pangako nilang tatlong (3) electric water pump sa mga nag-aalaga at
nagtitinda ng mga namumulaklak na halaman sa Brgy. Concepcion.

Electric water pump kase ang hiniling ng naturang grupo ng magsagawa ng consultation meeting sa mga ito si Vice Mayor Maristela kamakailan.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa ipinag-kaloob na mga gamit nina Maristela at Cañete dahil napaka-laking tulong umano ng mga ito sa kanilang hanapbuhay.

Sa ngayon daw kase ay kumukuha lamang sila ng tubig sa balon na limitado raw lalo na sa panahon ng tag-init o El Niño.

MGA KABATAANG MAG-AARAL MULA SA IBA'T-IBANG PAARALAN SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA,  MALUGOD NA TINANGGAP NI VICE MAYOR ...
20/05/2026

MGA KABATAANG MAG-AARAL MULA SA IBA'T-IBANG PAARALAN SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, MALUGOD NA TINANGGAP NI VICE MAYOR JIMBO MARISTELA

PETISYON PARA HATIIN SA DALAWANG BARANGAY ANG BRGY. TINIGUIBAN HINDI KINATIGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD PUERTO PRINCESA...
19/05/2026

PETISYON PARA HATIIN SA DALAWANG BARANGAY ANG BRGY. TINIGUIBAN HINDI KINATIGAN NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

PUERTO PRINCESA CITY- Hindi kinatigan ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang petisyon ng mahigit 300 mga residente ng Brgy. Tiniguiban na humihiling na hatiin sa dalawang barangay ang Brgy. Tiniguiban.

Sa isinagawang pagdinig kahapon ng Committee of the Whole sa pangunguna ni Vice Mayor Jimbo Maristela, napag-alaman na walang sapat na bilang at ligal na basehan ang mga petitioner para isulong ang kanilang panukala.

Sa kasalukuyan ay may humigit-kumulang 22,000 ang populasyon ng Brgy. Tiniguiban at hindi sapat ang 300 katao para maisulong ang paghahati.

Reklamo ng mga petitioner ang umano'y tila pagbale-wala sa kanila ng mga opisyal ng Brgy. Tiniguiban dahil sa umano'y hindi pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapag-salita sa tuwing may general assembly, na mariin namang pinabulaanan ng mga opisyal ng Brgy. Tiniguiban.

Anila, imposible raw ang alegasyon ng mga petitioner dahil mayroon umanong kinatawan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na nagmo-monitor sa isinasagawa nilang general assembly.

Idinagdag pa ng mga opisyal ng barangay ang mga proyektong kanilang isinakatuparan na pinakikinabangan ng mga residente.

Happy Fiesta Purok Bagong Silang, Brgy. San Miguel (May 15, 2026).2nd Ihaw-ihaw sa Dalan. Congratulations Punong Baranga...
15/05/2026

Happy Fiesta Purok Bagong Silang, Brgy. San Miguel (May 15, 2026).

2nd Ihaw-ihaw sa Dalan. Congratulations Punong Barangay Prince Russel Gloriani!

VICE MAYOR JIMBO MARISTELA NAKIPAG-PULONG KAY SENATOR KIKO PANGILINANPUERTO PRINCESA CITY- Nakipag-pulong kahapon (May 1...
15/05/2026

VICE MAYOR JIMBO MARISTELA NAKIPAG-PULONG KAY SENATOR KIKO PANGILINAN

PUERTO PRINCESA CITY- Nakipag-pulong kahapon (May 14, 2026) si Vice Mayor Jimbo Maristela, kasama sina Vice Mayor Mary Jean Feliciano ng Brooke's Point at Atty. Girthie Mayo-Anda ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan, sa VIP Lounge ng Puerto Princesa International Airport.

Personal na ipinaabot ni Vice Mayor Maristela kay Senator Pangilinan ang kahilingang matulungan ang sektor ng mga magsasaka lalo na ang mga farmers cooperative sa lungsod, na positibo namang tinugon ng senador, dahil ang pagpapa-unlad ng agrikultura ang isa sa mga pangunahin nitong isinusulong.

Natalakay din nina Maristela at Pangilinan ang Republic Act No. 11321 o ang Sagip Saka Act, partikular ang Section 11 nito na nag-aatas sa mga national agency at mga Local Government Unit (LGU) na direktang bilhin ang mga ani ng mga magsasaka para masuportahan at mai-angat ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Nagpaabot din ng kani-kanilang environmental concerns sina Brooke's Point Vice Mayor Feliciano at Atty. Anda ng ELAC

Samantala, nauna ng bumisita si Senator Pangilinan sa Pag-asa Island sa Bayan ng Kalayaan kasama ang ilan nitong mga staff bago ang naturang pagpupulong.

Si Pangilinan ang Chairman Emeritus ng Liberal Party na partidong kinaaaniban ni Vice Mayor Maristela.

VICE MAYOR JIMBO MARISTELA NAKIISA SA ISINAGAWANG PUBLIC HEARING SA SITIO TAGBARUNGIS, BRGY. INAGAWAN-SUB KAUGNAY SA PLA...
12/05/2026

VICE MAYOR JIMBO MARISTELA NAKIISA SA ISINAGAWANG PUBLIC HEARING SA SITIO TAGBARUNGIS, BRGY. INAGAWAN-SUB KAUGNAY SA PLANONG PAGTATAYO NG BAGONG BUCOR FACILITY SA LUGAR

PUERTO PRINCESA CITY- Dumalo at nakiisa si Vice Mayor Jimbo Maristela sa isinagawang pampublikong pagdinig ng Committee on Housing and Urban Poor na pinangunahan ni Konsehal Elgin Robert Damasco bilang Chairman, kasama sina Konsehal Epitacio Jie Lao at Local People's Council Representative Maximo Pajarillo, may kinalaman sa hinaing ng mga residente at mga magsasaka ng Sitio Tagbarungis, Brgy. Inagawan-Sub laban sa plano ng Bureau of Corrections ((BuCor) na pagtatayo ng bagong BuCor facility sa lugar.

Dumalo rin sa pagdinig si Atty. Melencio Faustino, ng BuCor Legal Department, Correction Supt. Edgardo F. Mendoza ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), Punong Brgy. Benjie Salazar ng Brgy. Inagawan-Sub, mga kinatawan mula Community Environment and Natural Resources (CENRO) at mga magsasaka mula sa iba't-ibang farmer's association sa Sitio Tagbarungis.

Sa naging pahayag ni Atty. Faustino ng BuCor tiniyak nito na walang residente sa Sitio Tagbarungis ang mapapaalis at walang istraktura ang made-demolish, base na rin umano sa kautusan ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr.

Ang itatayong bagong pasilidad ng BuCor sa Sitio Tagbarungis ay bahagi daw ng kanilang mandato na mabigyan ng maayos at maluwag na kulungan ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa kabila nito, matibay ang paninindigan ng mga residente ng Sitio Tagbarungis na hadlangan ang pagtatayo ng bagong pasilidad ng BuCor sa lugar, sa halip itinuro ng mga ito ang 300 ektaryang lupain ng BuCor sa paligid ng Inagawan-Sub Colony.

Panghuli, naki-usap si Konsehal Damasco sa mga residente na sila na mismo ang magbantay sa lugar at huwag ng hayaan ang sinoman na magtayo ng bagong istraktura sa lugar.

Address

Puerto Princesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jimbo Maristela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share