City Health Office - Puerto Princesa

City Health Office - Puerto Princesa Welcome to the Official page of the City Health Office, Puerto Princesa.

07/05/2026

‼️DOH: MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD NG BATAS NA NAGTATANGGAL SA V**E FLAVORS, DAPAT UNAHIN HABANG HINIHINTAY ANG TOTAL BAN NG V**E SA BANSA‼️

Detalye sa comment section.

07/05/2026
☀️ HOT GIRL SUMMER? More like HOT AND MISERABLE SUMMER. 🥵The heat index is up, your water intake should be too. Your bod...
27/04/2026

☀️ HOT GIRL SUMMER? More like HOT AND MISERABLE SUMMER. 🥵

The heat index is up, your water intake should be too. Your body is literally 60% water — don't let summer turn you into a raisin. 🍇➡️☀️

🌡️ Beat the heat — before it beats you:

💧 Drink at least 8 glasses of water a day (yes, iced coffee doesn't count)
🧢 Wear light-colored, loose-fitting clothing
🏠 Stay indoors during peak heat hours (10AM–4PM)
🚨 Watch out for signs of heat stroke: dizziness, confusion, no sweating

Your health is our priority. Stay cool, stay hydrated, and check on your neighbors — especially the elderly and children! 🤝

Be wise. Drink water. Don't be a raisin.

PUERTO PRINCESA CITY HEAT INDEX ADVISORY AND SAFETY TIPS
Issued on 27 April 2026 as of 1:00PM
Automated Weather Station Instrument: Davis Vantage Pro 2
Stay safe and Stay hydrated!

27/04/2026
27/04/2026

#𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝐏𝐔𝐄𝐑𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐀𝐍𝐃 𝐖𝐄𝐋𝐋𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐂𝐋𝐈𝐍𝐈𝐂, 𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝐌𝐀𝐘𝐀 𝐃𝐔𝐄Ñ𝐀𝐒-𝐄𝐒𝐓𝐈𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐎 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚
𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Pormal nang nagbukas ang Puerto Princesa City Mental Health and Wellness Clinic ng City Health Office (CHO) sa Puerto Princesa City Health Medical Complex, kasunod ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng CHO at Philippine Mental Health Association – Palawan Chapter.

Layunin ng klinika na palakasin at palawakin ang serbisyong pangkalusugang pangkaisipan sa Puerto Princesa, sa gitna ng tumataas na pangangailangan para sa mental health support. Ayon kay Dr. Ricardo B. Panganiban, bagaman mayroon nang umiiral na mental health program ang CHO, limitado ito noon dahil sa kakulangan ng mga espesyalista—isang hamon na ngayon ay tinutugunan sa pakikipagtulungan sa PMHA.

Sa pamamagitan ng klinika, mas napapalapit sa mamamayan ang komprehensibong serbisyo tulad ng mental health consultation, psychiatric at psychological testing, drug dependency examination, behavioral health support, counseling, at psychosocial support para sa mga nasa crisis situations. May nakatalagang doktor mula sa CHO tuwing Huwebes para sa regular na konsultasyon, habang may mga visiting specialists at katuwang na psychologists at psychiatrists mula sa PMHA na tumatanggap ng referrals sa pamamagitan ng appointment, kabilang ang teleconsultation services.

Libre ang konsultasyon at ilang piling laboratory services sa medical complex, gayundin ang limitadong suplay ng mga gamot—isang malaking tulong lalo na sa mga kliyenteng nahahadlangan ng gastusin sa pagpapagamot. Tinitiyak din ng klinika ang mahigpit na pagpapanatili ng privacy ng bawat kliyente sa pamamagitan ng hiwalay at confidential na lugar para sa konsultasyon.
Ilang araw pa lamang mula nang magbukas ay kapansin-pansin na ang pagdami ng mga lumalapit upang magpakonsulta, patunay sa kritikal na pangangailangan ng ganitong uri ng serbisyo sa komunidad.

Ang pagtatatag ng Mental Health and Wellness Clinic ay bahagi ng adbokasiya ng administrasyon ni Lucilo Rodriguez Bayron na isulong ang preventive at accessible healthcare, hindi lamang para sa pisikal kundi pati sa kalusugang pangkaisipan ng mga mamamayan.

Kasabay nito, isinagawa rin ang kauna-unahang pulong ng City Mental Health Board bilang hakbang tungo sa mas organisado at mas pinalakas na implementasyon ng mga programang pangkalusugang pangkaisipan sa lungsod.


  || 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟎 𝐒𝐈𝐊𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐈𝐊𝐄 𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄Maya Estandian, CIO BalitaMatagumpay na naisaga...
27/04/2026

|| 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟎 𝐒𝐈𝐊𝐋𝐈𝐒𝐓𝐀, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐅𝐔𝐍 𝐁𝐈𝐊𝐄 𝐍𝐆 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄
Maya Estandian, CIO Balita

Matagumpay na naisagawa ang 2026 Fun Bike na pinangunahan ng City Health Office (CHO) sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) program noong Marso 28 sa Balayong Park Amphitheater.

Mahigit 200 siklista ang nakiisa sa 20 kilometrong ruta na naglalayong isulong ang aktibong pamumuhay at pangkalahatang kalusugan ng komunidad. Kabilang sa mga kalahok ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod, mga kinatawan mula sa Philippine Navy, Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), gayundin ang mga estudyante at iba’t ibang cycling groups sa lungsod, kabilang ang mga dumayo pa mula sa bayan ng Narra.

Naging mas makulay ang aktibidad sa pamamahagi ng mga tumbler sa bawat kalahok bilang suporta sa kanilang pagbibisikleta at pagpapanatili ng hydration habang pumapadyak.

Kinilala rin ang mga natatanging kalahok, kabilang si Jazzer Sheldon Nangit, 8 taong gulang at mag-aaral ng Manuel Austria Memorial Elementary School, bilang pinakabatang kalahok. Ayon sa kanya, nagsimula siya sa paggamit ng BMX bike at ngayo’y gumagamit na ng road bike.

Samantala, kinilalang pinakamatandang kalahok si Isidro Beltran, 77 taong gulang mula sa Barangay San Miguel, na nagsimulang magbisikleta noong 1983 sa Tour of Palawan at patuloy pa ring aktibo hanggang sa kasalukuyan. Itinanghal naman bilang may pinakamalaking delegasyon ang grupong “Bike for Health.”

Ayon kay Assistant City Health Officer Dr. Dean Palanca, bahagi ng regular na programa ng CHO-UHC ang pagsasagawa ng fun bike upang hikayatin ang publiko na maging mas aktibo at yakapin ang mga alternatibong paraan ng ehersisyo tulad ng pagbibisikleta.

Aniya, bukod sa benepisyong pangkalusugan, nagiging daan din ito sa pagpapalakas ng samahan ng komunidad at pagbibigay ng pagkakataong makapaglibot sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Nakilahok din ang City Population Management Office sa aktibidad upang ipalaganap ang kamalayan hinggil sa pangangalaga sa kalusugan at ang kahalagahan ng responsableng pagpapamilya, lalo na sa mga kabataan.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na makiisa sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan, pagkakaisa, at masiglang pamumuhay.



 #𝐏𝐚𝐛𝐚𝐭𝐢𝐝𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎Ipinapaalam ng 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱 na magkakaroon ng limitadong kakayaha...
24/02/2026

#𝐏𝐚𝐛𝐚𝐭𝐢𝐝𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 || 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎

Ipinapaalam ng 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐱 na magkakaroon ng limitadong kakayahan sa ilang serbisyo tulad ng konsulta, laboratoryo, at dental services mula February 24–28, 2026.

Ito ay upang bigyang-daan ang gaganaping “𝐔𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲”, kung saan ang ating mga doktor, dentista, at iba pang health workers ay aktibong makikibahagi sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa iba’t ibang barangay ng lungsod. Layunin ng programang ito na mas 𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐩𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐠𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐞𝐧𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚.

Pinapayuhan ang publiko na planuhin ang kanilang pagpunta sa pasilidad alinsunod sa nabanggit na iskedyul. Para sa mga agarang pangangailangan, maaaring makipag-ugnayan muna sa tanggapan ng City Health Medical Complex para sa kaukulang gabay.

𝑴𝒂𝒓𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒑𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈-𝒖𝒏𝒂𝒘𝒂 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒏𝒂 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂𝒑𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚. 💙





Cough, hack, bark, wheeze.Pumunta sa City Health Office - TB DOTS clinic, Bayan Health Center (near Mendoza Park).
21/07/2025

Cough, hack, bark, wheeze.

Pumunta sa City Health Office - TB DOTS clinic, Bayan Health Center (near Mendoza Park).

- or TB - is caused by bacteria Mycobacterium tuberculosis that mainly affects the lungs.

Common symptoms include
❗️ Cough
❗️ Chest pains
❗️ Weight loss
❗️ Fever
❗️ Night sweats

Yes! Tuberculosis is curable and preventable.

21/07/2025

"It's NOT shameful to seek help."
Mental health is just as important as physical health.
Don’t carry the weight alone.
Reach out through these hotlines. Someone is ready to listen. 💛

Narito ang ilan sa mga Mental Health Crisis Hotline na maaaring tawagan upang matugunan ang anumang alalahanin tungkol sa Kalusugan ng Isip:

National Center for Mental Health (NCMH):
📞0917-800-1123
NCMH Crisis Hotline:
📞1553
📞1800-1888-1553
📞0919-057-1553
📞0917-899-8727

21/07/2025

🚨 DOH NAGPAALALA SA KAHALAGAHAN NG PAGHUGAS NG KAMAY SA EVACUATION CENTER 🚨

Umabot na sa 29,814 ang bilang ng mga evacuees sa mga rehiyon ng I, II, III, MIMAROPA, V , VI, VII, IX, at CAR na naapektuhan ng ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System (as of July 19, 2025).

Dahil dito, nagpapaala ang DOH sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa katawan lalo na sa evacuation centers.

Madaling kumalat ang mga sakit sa evacuation centers dahil marami ang tao sa iisang lugar.

Basahin ang larawan para manatiling ligtas laban sa mga sakit, nasaan man kayo ngayong maulan.




Address

City Health Medical Complex, Rafols Road, Bgy. Sta. Monica
Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63484330042

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Office - Puerto Princesa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City Health Office - Puerto Princesa:

Share