BOARD MEMBER Ryan Dagsa Maminta

BOARD MEMBER Ryan Dagsa Maminta Provincial Board Member - Province of Palawan

NATIONAL FISHERFOLKS DAY | Ang May 31 ay ang Pambansang Araw ng mg Mangingisda sa ating bansa. Ito ay bilang pagkilala s...
31/05/2026

NATIONAL FISHERFOLKS DAY | Ang May 31 ay ang Pambansang Araw ng mg Mangingisda sa ating bansa. Ito ay bilang pagkilala sa mga mangingisda bilang mga "rightful stewards and beneficiaries of our oceans". Isang pagsaludo sa mga bayani ng ating karagatan! 🌊🐟

​Ngayong National Fisherfolk Day, binibigyang-pugay natin ang sipag, tiyaga, at sakripisyo ng ating mga mangingisdang Pilipino. Kayo ang nagtitiyak na may masustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino.

​Maraming salamat sa inyong walang-sawang pagpapakain sa nasyon at sa pag-aalaga sa ating yamang-dagat. Karapat-dapat lamang na protektahan at suportahan ang inyong kabuhayan.

Sa Lalawigan ng Palawan ay tuloy-tuloy tayo sa pagtindig para sa mga maliliit na mangingisda bilang isang lingkod-mambabatas sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan. Ang paninindigan para sa pagbabawal ng lubhang malalaking komersyal na pangisdaan ay ating isinulong at isinabatas bilang isang lokal na batas. Pero patuloy itong hinahamon, hindi naman tayo patitinag.

Ukol dito, nagpadala rin ng pagbati ang Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o DA - BFAR. Salamat naman po. Pero kailangan ng ating mga maliliit na mangingisda ang inyong aksyon laban sa pagpasok ng malalaking commercial fishing vessels sa Municipal Waters.

Habang wala kayong ginagawa at tila kampi pa kayo sa mga dambuhalang pumapasok sa pangisdaan ng mga maliliit ay lalo ninyong inilalagay sa alanganin ang kabuhayan ng ating mga kababayan sa baybayin. Sana matauhan kayo at gumawa ng tamang hakbang. Inaasahan din ang iba pa ninyong tulong sa mga maliliit nating mga mangingisda na mga tunay na bahagi sa pagpapatakbo ng mga lokal na ekonomiya.

Hamon natin sa DA - BFAR ay hindi lang pakikiisa sa National Fisherfolks Day kundi pagbibigay ng konkreting tulong sa polisiya at mga programa para sa mga mangingisda.

Muli, ​isang Maligayang Araw ng mga Mangingisda sa inyong lahat! 🇵🇭⚓



IN PHOTOS: BHW Annual Convention 2026 | Maraming-maraming po sa karangalan na makapiling ang ating mga BARANGAY HEALTH W...
21/05/2026

IN PHOTOS: BHW Annual Convention 2026 | Maraming-maraming po sa karangalan na makapiling ang ating mga BARANGAY HEALTH WORKERS -- ang mga dakilang lingkod-bayan ng mga komunidad sa ating Lalawigan ng Palawan.✨️💯✅️

Narito ang ilang bahagi ng ating mensahe:

Ang mga Palaweñong CVHWs o BHWs ay napatunayan na mahalaga at malaki bahagi ng tunay na paglilingkod sa ating mga komunidad partikular sa larangan ng pangunahing pangkalusugan. Ang kanilang serbisyo ay wagas, may malasakit at totoo. Sa katunayan ay sila ay mukha ng malasakit.

Patuloy tayong nagpapasalamat sa walang pagod na paglilingkod. Ngunit dapat nating bigyan sila ng pagkilala, laban at proteksyon, pagkakataon at pag-asa sa pamamagitan ng lokal na batas upang magawa pa nila ang kanilang tungkulin sa lipunan. Bagama't kulang pa ang ilang mga polisiyang nasyunal pero dito sa Lalawigan ng Palawan ay gumawa na tayo ng paraan sa pagsasabatas ng pagpapalakas sa kanilang sektor sa pagkilala sa kanilang halaga bilang mga lingkod bayan.

Pasado na po ang Panlalawigang Batas ukol sa inyong hanay. Bilang pangunahing nagsulat at umakda ay hamon natin ang mahusay na pagpapatupad ng mga nakasaad sa Provincial Ordinance 3699, Series of 2025 mula sa lebel ng Barangay, Munisipyo hanggang sa Pamahalaang Panlalawigan.

Mabuhay po kayo at pagpalain ng Dakilang Maylikha!🙏❤️💚💙💪







LOOK & READ: APPROVED PROVINCIAL ORDINANCE TO STRENGTHEN THE COMMUNITY VOLUNTEER HEALTH WORKERS OR BARANGAY HEALTH WORKE...
19/05/2026

LOOK & READ: APPROVED PROVINCIAL ORDINANCE TO STRENGTHEN THE COMMUNITY VOLUNTEER HEALTH WORKERS OR BARANGAY HEALTH WORKERS (BHWs) IN THE PROVINCE OF PALAWAN | Nasa larawan po ang kopya ng Provincial Ordinance No. 3699, Series of 2025 o ang 'Barangay Health Workers Ordinance of 2025' ng Lalawigan ng Palawan. Pinirmahan at inaprubahan po ito ni Gobernador Amy Roa Alvarez - Public Servant pagkatapos na pagtibayin ng Sangguniang Panlalawigan. Kasama po natin sa mga pangunahing may akda si Board Member Marivic Herradura Roxas, BM Anton Alvarez at lahat ng miyembro ng Provincial Board.

Ito ay ating ipinaglaban simula sa pagsusulat, pag-aakda hanggang sa pagdepensa sa komite at plenaryo ng 45th Sangguniang Panlalawigan - Palawan, upang palakasin, kilalanin ang ambag ng mga BHWs sa mga kalusugang programa at magbigay ng magandang laban para sa kanilang pakinabang bilang mga kinikilalang mga lingkod bayan sa ating mga komunidad at barangays.

Hiling at panawagan natin na maipatupad ng maayos ang mga probisyon ng kautusang ito upang maging inspirasyon at pag-asa ng mahigit limang libong CVHWs sa buong Lalawigan ng Palawan. Salamat po sa inyong paglilingkod! Mabuhay po kayo!💯💚❤️💙✅️

CALATEGAS SENIOR CITIZENS IN BM RDMs OFFICE | Bagaman hindi po tayo nagkaabutan sa opisina sapagkat may mga kailangang p...
19/05/2026

CALATEGAS SENIOR CITIZENS IN BM RDMs OFFICE | Bagaman hindi po tayo nagkaabutan sa opisina sapagkat may mga kailangang puntahan pagkatapos ng aming session upang katawanin ang ating Gobernador sa isang programa ay malugod po akong nagpapasalamat sa inyong pagbisita sa ating opisina ngayong araw ng Martes. Nawa'y magawa po ninyo ang inyong mga lakad at transaksyon sa Lungsod ng Puerto Princesa.💯✅️

Pagpasensiyahan niyo na rin po ang konting ambag ng inyong anak sa inyong mga gastusin ngayong araw. Maraming salamat po sa pagbisita! Ingat po kayo sa pag-uwi! Mabuhay po kayo!❤️💙💚

HINIHIKAYAT NATIN ANG PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE o PALECO AT ANG ATING MGA POWER GENERATORS SA LALAWIGAN NG PALAWAN NA...
14/05/2026

HINIHIKAYAT NATIN ANG PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE o PALECO AT ANG ATING MGA POWER GENERATORS SA LALAWIGAN NG PALAWAN NA IPATUPAD ANG MGA PROBISYON NG KAUTUSANG ITO MULA SA ERC. SALAMAT PO!

TINGNAN AT BASAHIN: SUSPENSION OF DISCONNECTION, FLEXIBLE PAYMENT OPTIONS AT EXTENSION OF PAYMENT SCHEMES IN ELECTRICITY BILLS | Nasa larawan ang opsiyal na abiso ng Energy Regulatory Commission o ERC alinsunod sa Executive Order 110, Series of 2026 na nag-uutos sa mga electric power industry stakeholders na magpatupad ng mga sumusunod:

1. SUSPENSION OF DISCONNECTION - Lahat ng Distribution Utilities katulad ng PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE o PALECO ay inuutusan na suspendihin lahat ng pagputol ng koneksiyon sa residential at non-residential na konsyumer sa hindi pagkakabayad ng kanilang mga bill sa kuryente sa buwan ng Mayo hanggang Hulyo 2026.

Ibig sabihin ang mga nakalipas na bills bago sa buwan ng Mayo ay pwede pa ring putulin at ito ay dapat pa ring mabayaran ng tama sa panahon. Ngunit, kung mayroon din lamang sapat na pera pambayad ay magbayad na rin tayo para matulungan ang tuloy-tuloy na serbisyong kuryente sa ating lugar.

2. Gayundin, ang Distribution Utilities, katulad ng PALECO ay inaatasan na magpatupad ng staggered o paunti-unting sistema ng pagbabayad sa mga konsumidores na mayroong buwanang konsumo na hindi lalagpas sa 200 kWh na pinapayagan na mag-defer ng bayad sa loob ng tatlong buwan simula Mayo hanggang Hulyo.

3. Ang mga Distribution Utilities naman ay pinapayang magpalawig ng mga bayarin sa mga Generation Companies sa suplay ng kuryente. Ipinag-uutos din ng ERC na gawin ito ng mga Generation Companies kasama na ang staggered o paunti-unting pagbayad.

Ang mga kautusang ito ay naglalayon na magbigay ng kaluwagan sa mga higit na nangangailangang mga kababayan natin.


TINGNAN AT BASAHIN: SUSPENSION OF DISCONNECTION, FLEXIBLE PAYMENT OPTIONS AT EXTENSION OF PAYMENT SCHEMES IN ELECTRICITY BILLS | Nasa larawan ang opsiyal na abiso ng Energy Regulatory Commission o ERC alinsunod sa Executive Order 110, Series of 2026 na nag-uutos sa mga electric power industry stakeholders na magpatupad ng mga sumusunod:

1. SUSPENSION OF DISCONNECTION - Lahat ng Distribution Utilities katulad ng PALAWAN ELECTRIC COOPERATIVE o PALECO ay inuutusan na suspendihin lahat ng pagputol ng koneksiyon sa residential at non-residential na konsyumer sa hindi pagkakabayad ng kanilang mga bill sa kuryente sa buwan ng Mayo hanggang Hulyo 2026.

Ibig sabihin ang mga nakalipas na bills bago sa buwan ng Mayo ay pwede pa ring putulin at ito ay dapat pa ring mabayaran ng tama sa panahon. Ngunit, kung mayroon din lamang sapat na pera pambayad ay magbayad na rin tayo para matulungan ang tuloy-tuloy na serbisyong kuryente sa ating lugar.

2. Gayundin, ang Distribution Utilities, katulad ng PALECO ay inaatasan na magpatupad ng staggered o paunti-unting sistema ng pagbabayad sa mga konsumidores na mayroong buwanang konsumo na hindi lalagpas sa 200 kWh na pinapayagan na mag-defer ng bayad sa loob ng tatlong buwan simula Mayo hanggang Hulyo.

3. Ang mga Distribution Utilities naman ay pinapayang magpalawig ng mga bayarin sa mga Generation Companies sa suplay ng kuryente. Ipinag-uutos din ng ERC na gawin ito ng mga Generation Companies kasama na ang staggered o paunti-unting pagbayad.

Ang mga kautusang ito ay naglalayon na magbigay ng kaluwagan sa mga higit na nangangailangang mga kababayan natin.

MANAILE COMMUNITY FESTIVAL (MCF) 2026 | Maraming-maraming salamat po sa mga kababayan natin sa Sitio Manaile, Barangay D...
14/05/2026

MANAILE COMMUNITY FESTIVAL (MCF) 2026 | Maraming-maraming salamat po sa mga kababayan natin sa Sitio Manaile, Barangay Dumangueña, Bayan ng Narra sa imbitasyon na makapaglaro ng basketball kasama ang ating mga kabataan at mga kabarangay sa Sitio kagabi bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating community festival.

Kasama natin ang Sangguniang Barangay kagabi sa pangunguna ni Punong Barangay Ams Apolinario, Kagawads Lunasco Patricio, Ricky Francisco, Perla Francisco, Sangguniang Kabataan Chair Reymer Depamaylo at mga opisyal at ang mga opisyal ng MCF sa pamumuno ni Pare Jobert Endrico.

Taon-taon po ay nagdiriwang kayo ng puno ng kasiyahan, pagkakaisa, pagtutulungan at pagmamahal sa komunidad. Isang karangalan po na maging bahagi parati ng MCF. Nawa'y ang mga pagdiriwang ngayong 2026 ay maging mas makulay, masaya at matagumpay.

Kasama niyo po ako sa lahat ng pagkakataon sa MCF! Mabuhay po kayo!

MIMAROPA’s FINEST | Road to Palarong Pambansa 2026. ​The MIMAROPA 3x3 basketball squad is locked in and ready for the na...
07/05/2026

MIMAROPA’s FINEST | Road to Palarong Pambansa 2026. ​The MIMAROPA 3x3 basketball squad is locked in and ready for the national stage.🏀👏🇵🇭

Representing the MIMAROPA Region, Province of Palawan, Municipality of Narra and the Narra Integrated School with pride, these athletes are set to bring their speed, skill, and heart to the courts of Agusan del Sur.

​From the local courts of Palawan to the biggest stage in Philippine youth sports, the journey of teamwork and grit continues.

My honor to be part of your athletic journey to Palarong Pambansa donning RDM - MIMAROPA jerseys. Mabuhay kayo!

God Bless and Goodluck, Coach Idol Herbert Javhetrah Concepcion, Pamangkin Rogell Leo T. Vasquez, Dominique Albert C. Aldaya, Abdullah G. Angintaopan, Marc Denielle F. Cordero!💯🙏✅️


RECOGNITION OF PEOPLES OFFICE | Ginawaran po ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Governor Amy Roa...
06/05/2026

RECOGNITION OF PEOPLES OFFICE | Ginawaran po ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ni Governor Amy Roa Alvarez ang opisina ng inyong lingkod-mambabatas ng 45th Sangguniang Panlalawigan - Palawan bilang 'Outstanding Rating', na may gradong mahigit 95% sa pagtupad sa ating mandatong ipinagkatiwala ng ating mga kababayan sa Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Palawan.

Ang pagsukat ay ayon sa mga alituntunin ng ARTA at PGP sa kabuuang kalidad ng serbisyo sa taong 2025 ayon sa sukat ng kaluguran ng ating mga kliyente sa opisina.

Buong pasasalamat sa ating mga mahuhusay, matino at dedikadong mga kawani sa opisina - Weddy Bundac, Atty. Monikka Delera, Milkah Cuarte Pagobo, Lynde Joy Pasigua, Ate Cherry Peepz Comia, ang aming beteranong si Kuya Edison Diolata at sa lahat ng mga kawani sa labad ng opisina.

Maraming-maraming salamat po sa pagkilala PGP at Gov. Amy! Silbing hamon at inspirasyon po ito sa pagpapatuloy ng ating serbisyo bilang kinatawan at mambabatas ng sambayanan sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan.

To God Be All The Glory!💯❤️💚💙✅️

04/05/2026

“No person has the power to have everything they want, but it is in their power not to want what they don’t have, and to cheerfully put to good use what they do have.”

– Seneca

01/01/2026

Happy New Year!💯2️⃣0️⃣2️⃣6️⃣✅️

Address

Puerta Princesa
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BOARD MEMBER Ryan Dagsa Maminta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BOARD MEMBER Ryan Dagsa Maminta:

Share