23/06/2023
Tinganll Ang Barangay Council ng Barangay Bacungan ay dumalo sa 2 araw na pagsasanay na programang Project Lingkod; "Empowering and Capacitating Local Officials to Improve Public Service Delivery" na ginanap sa Citystate Asturias Hotel, ngayong ika-22 at 23 ng Hunyo taong 2023, isa sa mga tinatalakay ay ang tungkol sa "Social Media and Public Relations" na ibinahagi ng isa sa mga professor ng Palawan State University sa katauhan ni Prof. Ralph Pulanco. Ang programang ito ay naisagawa sa pamamgitan ng pagtutulungan ng Liga ng mga Barangay sa Puerto Princesa sa pangunguna ni Liga President Francisco R. Gabuco, DILG, at ng College of Arts and Humanities ng Palawan State University. Ang paglalathala ng balitang ito ay isa sa mga actual workshop na isinagawa kasama ng ibat-ibang Barangay sa lungsod ng Puerto Princesa.