24/07/2026
𝙀𝙙𝙪𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝘼𝙨𝙨𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 | 𝙅𝙪𝙡𝙮 18, 2026
Noong July 18, 2026, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ang Educational Assistance Distribution na may kabuuang pondo na ₱𝟑𝟕𝟎,𝟎𝟎𝟎, bilang suporta sa pag-aaral ng ating mga kabataan.
𝙎𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙪𝙪𝙖𝙣, 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙚𝙣𝙚𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙧𝙮𝙤 𝙖𝙮:
• 115 𝘾𝙤𝙡𝙡𝙚𝙜𝙚 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 – 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥 𝙣𝙜 ₱2,000 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖
• 60 𝙎𝙚𝙣𝙞𝙤𝙧 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 – 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥 𝙣𝙜 ₱1,200 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖
• 85 𝙅𝙪𝙣𝙞𝙤𝙧 𝙃𝙞𝙜𝙝 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙎𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 – 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙥 𝙣𝙜 ₱800 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙞𝙨𝙖
Nagbigay rin ang SK Council ng 𝟐𝟎𝟎 school supplies at 𝟐𝟎𝟎 school uniforms para sa mga elementary students bilang dagdag na suporta sa kanilang pagpasok sa paaralan.
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮: Para sa mga estudyanteng hindi pa nakaka-claim ng kanilang Educational Assistance, at sa mga elementary students na hindi pa nakakuha ng kanilang school uniforms, bukas ang opisina ng SK Council para sa inyong claiming.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito—sa ating mga estudyante, mga magulang, volunteers, at sa buong komunidad. Maraming salamat din sa inyong patuloy na tiwala at suporta. Asahan ninyo na patuloy kaming magbibigay ng mga programang makakatulong sa ating mga kabataan.