02/06/2026
HULI SA AKTO: 'JUN JUN' AT KASAMA NITO, ARESTADO MATAPOS MAGBENTA NG SHABU SA OPERATIBA NG PULISYA
PUERTO PRINCESA CITY β Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Police Station 2 (PS2-SDET) sa Pangunguna ni PCPT JUSTINE KENNETH A DALION, Station Commander, ang dalawang lalaking suspek matapos makuhaan ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit PHP 99,000 na anti-narcotics sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Visapa, Brgy. Irawan, Puerto Princesa City nitong madaling araw ng Lunes, Hunyo 1, 2026.
Ayon sa opisyal na ulat, ikinasa ang operasyon bandang alas-2:30 ng madaling araw sa pakikipagtulungan ng PDEG, 584th Aircraft Control Wing and Warning Group (584AWG), at sa ilalim ng PDEA. Isang poseur-buyer ang matagumpay na nakabili sa mga suspek ng isang (1) sachet ng hinihinalang "shabu" na tumitimbang ng 0.6 gramo na nagkakahalaga ng PHP 4,080 kapalit ng PHP 1,000 buy-bust money.
Matapos ang agarang pag-aresto, hinalughog ang mga suspek kung saan narekober sa posisyon ni βJunjunβ ang labing-apat (14) pang sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 6.8 gramo at nagkakahalaga ng PHP 46,240. Samantala, narekober naman kay βJunelβ ang buy-bust money at labinlimang (15) piraso pa ng sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 7.2 gramo na may halagang PHP 48,960.
Sa kabuuan, nakumpiska mula sa dalawang suspek ang humigit-kumulang 14.6 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang halaga na PHP 99,280.
Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa mismong pinangyarihan ng insidente na sinaksihan nina Barangay Councilor Alberto Q. Guinto Jr. ng Brgy. Irawan at ng kinatawan mula sa media na si Jerald Cesar Gales ng XFM News. Ginamitan din ng body-worn camera ang buong takbo ng operasyon upang matiyak ang dokumentasyon.
Ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa laboratory examination. Inihahanda na ng imbestigador ng kaso na si PSSg Rosemark B. Valdez ang mga kaukulang dokumento para sa pormal na pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga naarestong indibidwal.
"Ang tagumpay na ito ay patunay lamang sa walang-humpay at tapat na serbisyo ng Police Station 2 laban sa kriminalidad. Walang sisinuin ang batasβsinumang magtangkang lumabag at magpalaganap ng ilegal na droga sa ating nasasakupan ay tiyak na pananagutin at ikukulong. Patuloy ang ating kapulisan sa pagbabantay upang masiguro ang kapayapaan sa bawat sulok ng lungsod."