Kagawad Maco

Kagawad Maco Public Servant

18/10/2025

Barangay Sicsican
Barangay Assembly Day
2nd Semester CY 2025

TIGNAN: NINAKAW NA MOTOR!, NAREKOBER SA PUROK ANONANG BARANGAY SICSICAN!!!.Oras: 1801H (6:01 PM, September 26,2026)Lugar...
27/09/2025

TIGNAN: NINAKAW NA MOTOR!, NAREKOBER SA PUROK ANONANG BARANGAY SICSICAN!!!.

Oras: 1801H (6:01 PM, September 26,2026)
Lugar: Purok Anonang
Mga Responder:
Kgd. Mark Ello
Tanod Caabay
Tanod Samelo
Tanod Cagas
PNP Personnel Labrador
PNP Personnel Belen
PPC Anti Crime Task Force

Ulat:

Ganap na ika-6:00 ng hapon ay lumapit sa akin si alyas "Jhong" upang ipagbigay-alam ang kanyang nakita na diumano’y nakaw na motorsiklo na nakaparada sa harap ng isang tindahan sa Purok Anonang. Agad naman pong tumugon ang inyong lingkod upang i-verify ang nasabing report.

Matapos na makumpirma ang impormasyon,agad tayong nakipag usap kay Kgd Mike Escote upang mahingi ang numero ni Sir Richard Ligad, ng maibigay sa inyong lingkod ang numero, ito ay agad na ipinabatid sa Head ng PPCATCTF na si Ginoong Richard Ligad. Agad namang nagpadala ng tropa sa Barangay si G. Ligad.

Habang naghihintay sa Barangay, at upang hindi na magsayang ng oras, agad kaming nagtungo sa lugar kasama ang mga tanod na sina Samelo at Caabay, at dalawang PNP personnel na sina Labrador at Belen, upang masiguro na hindi na magagamit o makukuha pa ang naturang motorsiklo.

Pagdating sa lugar ay nakontak din ang may-ari na nakilalang si Rov Adrian P. Yaparcon, residente ng San Miguel. Dito kami naghintay ng imbestigador, at kalaunan ay dinala ang nasabing motorsiklo sa PNP Station 2 upang magsilbing ebidensiya habang patuloy ang paghahanap sa mga pinaghihinalaang suspek.

Kagawad Maco on duty😎✨





Happy Friday✨     |45th Regular Session      |09|19|2025     |Sangguniang Barangay     |SicsicanKagawad Maco on Duty😎   ...
19/09/2025

Happy Friday✨

|45th Regular Session
|09|19|2025
|Sangguniang Barangay
|Sicsican

Kagawad Maco on Duty😎





Happy Thursday✨Kagawad Maco on Duty😎
18/09/2025

Happy Thursday✨

Kagawad Maco on Duty😎





Isinagawa natin ang paglalagay at pagpapalit ng mga sira o pundi na ilaw sa mga poste sa Purok Mulawin. Ito ay bahagi ng...
17/09/2025

Isinagawa natin ang paglalagay at pagpapalit ng mga sira o pundi na ilaw sa mga poste sa Purok Mulawin. Ito ay bahagi ng layunin ng ating Punong Barangay BOBBY PARANGUE na masiguro ang maliwanag, ligtas, at maayos na daanan para sa lahat ng residente.

Ang maliwanag na kalsada ay may maraming magandang dulot tulad ng:

✅ Mas ligtas na paglalakad sa gabi
✅ Pag-iwas sa mga aksidente
✅ Pagbawas sa posibilidad ng krimen
✅ Mas malinaw na daloy ng trapiko
✅ Mas maayos at komportableng kapaligiran

Ako po ang inyong lingkod ay patuloy na maglilingkod at susuporta para sa kaayusan at kapakanan ng ating barangay. Maraming salamat po! ❤️❤️







28/08/2025

Sa mga Menor de Edad dyan na nasa labas pa at nasa Lansangan, puma*ok na kayo Roving na ako, pag kayo nadaanan ko sama-sama nanaman tayo sa Barangay Hall. Sa mga magulang p**i pauwi na po ang inyong mga anak.

PUBLIC SERVICE:.Kung sino man po ang may ari ng a*o na ito (Husky). Maari niyo pong puntahan dito sa aming bahay.Villa E...
26/08/2025

PUBLIC SERVICE:.

Kung sino man po ang may ari ng a*o na ito (Husky). Maari niyo pong puntahan dito sa aming bahay.
Villa Ello Subd. Purok Mulawin, Barangay Sicsican.

22/08/2025

‼️‼️‼️PABATID SA LAHAT NG KABARANGAY‼️‼️

Mag-ingat po tayong lahat sa kasalukuyang malakas na hangin na may kasamang pag-ulan. Sa ngayon ay wala rin pong supply ng kuryente, kaya’t mas lalo po tayong mag-ingat sa mga oras na ito.

Kung may kailangang ireport o anumang emergency, maaari pong tumawag sa opisyal na numero ng barangay: (0956) 179 0734 o di kaya'y personal na magtungo sa barangay hall.

Maging alerto at ligtas po tayong lahat.

Maraming salamat.❤️

Oras: 2405H (12:05 AM, August 16, 2025)Lugar ng Insidente: Harap ng Wilcon DepotMga Responder:Kgd. Mark ElloChief Tanod ...
15/08/2025

Oras: 2405H (12:05 AM, August 16, 2025)
Lugar ng Insidente: Harap ng Wilcon Depot
Mga Responder:
Kgd. Mark Ello
Chief Tanod Jacinto
Tanod Caabay
Tanod Samelo
Tanod Cajolo
Kasama ring nagresponde:
Mga tauhan mula sa PNP Station 2

Ulat ng Pangyayari:
Noong ika-16 ng Agosto 2025, bandang alas 12:05 ng madaling araw (2405H), isang concerned citizen ang tumawag sa Barangay upang iulat ang isang aksidente sa kalsada sa harap ng Wilcon Depot, kung saan may nabanggang isang pedestrian.
Agad na rumesponde sina Kgd. Mark Ello, Chief Tanod Jacinto, Tanod Caabay, Tanod Samelo, at Tanod Cajolo sa lugar ng insidente. Naabutan nila ang isang pedestrian na sugatan sanhi ng banggaan. Agad na tumawag ang Barangay sa HERO upang masigurado ang agarang pag-asika*o sa nasugatan. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima para sa karampatang lunas.
Dumating din sa lugar ang mga kapulisan mula sa PNP Station 2 upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng insidente.

"A productive day at the Parent Effectiveness Service . Supporting initiatives that help guide parents toward raising re...
12/08/2025

"A productive day at the Parent Effectiveness Service . Supporting initiatives that help guide parents toward raising responsible, respectful, and resilient children. 💙

Thank you to our Excellent Speakers
❤️

Melinda Abolucion, DCW II
Pat Tesorio, DCW II
Venus M. Tadigue, RSW

"

Isang maalab na pagbati ng maligayang ika-111 anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!�Bilang isang lingkod-bayan, ako po ay na...
27/07/2025

Isang maalab na pagbati ng maligayang ika-111 anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!�Bilang isang lingkod-bayan, ako po ay nakikibahagi sa inyong pagdiriwang at nagpapaabot ng aking paghanga sa inyong matatag na pananampalataya, pagkakaisa, at patuloy na pagtulong sa kapwa.�Nawa’y lalo pang pagpalain ang inyong samahan sa mga darating na taon.�Maligayang Anibersaryo!

Address

Villa Ello Subd. Purok Mulawin Barangay Sicsican
Puerto Princesa
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Maco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category