Zandro Cuevo Hipolito

Zandro Cuevo Hipolito Official page of Zandro Hipolito

01/09/2026

Isang pagpupugay at Maligayang Araw ng mga Barangay Tanod sa buong Bayan ng Pulilan!

Taus-pusong pasasalamat po sa inyong Serbisyong May Puso para sa ating mga kabarangay. Bilang pagkilala sa inyong walang kapantay na sakripisyo ulanin man o arawin, mapanatili lamang ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad marapat lamang na kayo naman ang ating protektahan.

Dahil dito, ikinalulugod ko pong ibahagi na tayo ay nakapag-akda ng isang ordinansa na magkakaloob ng Insurance Protection para sa bawat Barangay Tanod sa Pulilan.Gabay at kalasag ninyo ito habang ginagampanan ang inyong marangal na tungkulin.

Maraming salamat kina Mayor Rj Peralta, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at sa lahat ng miyembro ng 12th Sangguniang Bayan ng Pulilan sa inyong buong-pusong pagsuporta upang maisakatuparan ang ordinansang ito. Mabuhay po kayo!

Pagbati po sa ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagdiriwang ng ika-112 guning taon ng pagkakatatag ng I...
27/07/2026

Pagbati po sa ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa kanilang pagdiriwang ng ika-112 guning taon ng pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo.

29/06/2026

Sa pagdiriwang ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan para sa mga dakilang ama, nagpatawag at nagsagawa ito ng isang seminar na dinaluhan ng 60 kalahok mula sa iba't ibang barangay. Kabilang sa mga dumalo ang mga barangay tanod, barangay representatives, at mga father beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang seminar ay may temang, "Responsible Fatherhood and Positive Parenting: Strengthening Families through Community Leadership."

Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga ama sa kanilang mahalagang papel sa pagpapalaki ng anak, at itaguyod ang positibong pagdidisiplina nang walang karahasan. Nilalayon din nitong iugnay ang pamumuno sa komunidad tungo sa pagiging mabuting ehemplo sa tahanan, paigtingin ang katatagan ng pamilya sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon, at gabayan ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa kanilang mga responsibilidad sa kalusugan at edukasyon ng mga bata.

10/06/2026
08/06/2026

πŸ›οΈ MUNICIPAL ORDINANCE NO. 12-05, s. 2025: ELDERLY ASSISTANCE PROGRAM πŸ›οΈ

May-Akda: Hon. Zandro Cuevo Hipolito
Ka May-Akda: Hon. Lovy Leslie B. Valenzuela
Ka May-Akda: Hon. John J. Nethercott

Isang makasaysayan at makabuluhang araw para sa ating bayan!

Isang taos-pusong pasasalamat ang ating ipinaabot sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Rj Peralta, sa ating Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan. Maraming salamat sa inyong buong-pusong pagsuporta at pagpapatibay sa inihain nating Ordinansa para sa kapakanan ng ating mga minamahal na Senior Citizens.

Gayundin, labis ang ating pasasalamat sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) at sa lahat ng ahensya ng ating pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon, pormal nang naisakatuparan noong ika-4 ng Hunyo, 2025 ang Launching and Payout ng Elderly Assistance Program na ginanap sa SM Center Pulilan.

Ang programang ito ay naglalayong magkaloob ng paunang tulong pinansyal para sa limang daang (500) kwalipikadong benepisyaryong nakatatanda mula sa iba't ibang barangay ng ating bayan.

Bilang inyong lingkod-bayan, asahan ninyo ang ating patuloy na pagsisikap at paggawad ng mga panukalang batas upang mas mapalawak at madagdagan pa ang bilang ng mga senior citizen na mabibigyan ng kalinga sa mga susunod na taon.

Tunay na sa pagkakaisa. Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Poong Maykapal!

26/05/2026

1st agri unlad summit "Empowering Farmers, Nourshing our future"

Maraming salamat Mayor RJ Peralta para sa mga gantong programa na naibabahagi ng Pamahalaang Bayan para sa mga magsasaka sa Bayan ng Pulilan, Gayundin maraming salamat Tita Encar sa pagsupporta sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan.

COMMITTEE HEARING: ANG INYO PONG LINGKOD AY NAGHAIN NG 3 ORDINANSA AT ITO PO ANG MGA NAITALAKAY NA NASA IBABA πŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌπ€π†...
11/05/2026

COMMITTEE HEARING:

ANG INYO PONG LINGKOD AY NAGHAIN NG 3 ORDINANSA AT ITO PO ANG MGA NAITALAKAY NA NASA IBABA πŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌπŸ‘‡πŸΌ

𝐀𝐆𝐄𝐍𝐃𝐀:
MAYO 5, 2025 (MARTES)

MGA LUPON:
π‚πŽπŒπŒπˆπ“π“π„π„ 𝐎𝐍 𝐑𝐔𝐋𝐄𝐒
π‚πŽπŒπŒπˆπ“π“π„π„ 𝐎𝐍 ππ”ππ‹πˆπ‚ π–πŽπ‘πŠπ’
π‚πŽπŒπŒπˆπ“π“π„π„ 𝐎𝐍 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇

PAKSANG TINALAKAY AT NAGING RESULTA:

1. Proposed Ordinance Providing for Minimum Standards on Fire Exits and Means of Egress in Buildings and Establishments in the Municipality of Pulilan and for the Other Purposes.

May akda: IGG. ZANDRO CUEVO HIPOLITO
Ka may Akda: IGG. JOSELITO T. BORLONGAN
Ka may Akda: IGG. JUENE ADRIANNE S. BUQUID

Result βœ…: Isasama po ito sa Fire Code ng Bayan ng Pulilan

2. Proposed Ordinance Requiring All New Buildings to Provide Male, Female, Persons With Disabilities and LGBTQ+ Sanitation Facilities, Integrating the Same as A Mandatory Requirement in the Issuance of Building Permits in the Municipality of Pulilan.

May Akda: IGG. ZANDRO CUEVO HIPOLITO
Ka may Akda: IGG. JOSELITO T. BORLONGAN
Ka may Akda: IGG. JUENE ADRIANNE S. BUQUID

Result βœ…: Isasama po ito sa Building Code ng Bayan ng Pulilan

3. Proposed Ordinance Requiring the Establishment of Breastfeeding (Lactation) Stations in Major and High-Foot-Traffic Business Establishments in the Municipality of Pulilan.

May Akda: IGG. ZANDRO CUEVO HIPOLITO
Ka may Akda: IGG. LOVY LESLIE B. VALENZUELA
Ka may Akda: IGG. RYAN P. ESPIRITU

Result βœ…: Pasado na sa 1st hearing . Schedule for 2nd hearing

05/05/2026

Privileged hour May 04, 2026

Kahilingan sa Punong Bayan Igg. Rolando S. Peralta, JR. na makapag gawa ng isang Executive Order mula sa tanggapan ng Punong Bayan na bawal na mag U-Turn o bumaling ang mga truck sa kahabaan ng Pulilan - Baliuag Bypass Road dahil sa pagkasira ng daan at maging sanhi ng aksidente sa mga motorista.

Ang inyo pong lingkod ay magsasagawa din ng hakbangin sa pamamagitan ng pag gawa ng Ordinansa para sa mga lalabag sa kautusang ito. Maraming salamat po.

25/03/2026

Privilege hour regular session March 23, 2026

Ako po ay humihiling sa Pamahalaang Bayan ng Pulilan na magkaroon ng paunang hakbang ang Pamahalaang Bayan patungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa ating bansa na nakakaapekto sa ating mga kababayan lalo na sa mga taong namamasahe at mga taong namamasada ng Jeep at Tricycle.

Ating hiling na magkaroon ng Subsidy o Tulong Financial ang mga taong namamasada ng Jeep at Tricycle upang makatulong sa kanilang pamamasada sa pagbili ng petrolyo at makatulong din sa mga taong namamasahe upang makaiwas sa pabiglang pagtaas ng presyo ng pamasahe.

Address

Pulilan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zandro Cuevo Hipolito posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Zandro Cuevo Hipolito:

Shortcuts

Share