18/07/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Matagumpay na isinagawa noong Hulyo 9, 2026 ang 2๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na mapalakas ang pagpaplano, koordinasyon, at pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa ating bayan.
Pinangunahan ang pagpupulong ng Municipal Nutrition Committee Chairperson at Punong Bayan ng Pulilan, ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐๐จ ๐. ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐ญ๐, ๐๐ซ., kasama ang Vice Chairperson at Pangalawang Punong Bayan, ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ ๐๐. ๐๐ซ๐ฎ๐ณ. Dumalo rin ang mga kinatawan ng iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan, at iba pang miyembro ng ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐. Ang pagpupulong ay isinagawa sa pamamagitan ng ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ข๐๐ bilang Sekretaryat ng komite.
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng nutrisyon sa Bayan ng Pulilan at ang mga patuloy na programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan upang hindi lang mabawasan kundi hanggat maaari ay mawala ang malnutrisyon at kagutuman, lalo na sa mga pinaka-nangangailangang sektor ng komunidad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng iba't ibang tanggapan at mga katuwang na ahensya upang higit pang mapalakas ang implementasyon ng mga programang pangnutrisyon.
Isa rin sa mga naging pangunahing bahagi ng pulong ang presentasyon ng naging resulta at feedback ng Provincial Nutrition Monitoring and Evaluation Team (PNMET) sa kaugnay ng isinagawang ๐๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐ฅ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ ๐๐ฅ๐๐ง ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ญ๐จ๐๐จ๐ฅ (๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐) noong Hunyo 24, 2026. Sa pamamagitan ng isinagawang monitoring at ebalwasyon, nabigyang-pansin ang mga naging kalakasan ng bayan sa pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon, gayundin ang mga rekomendasyon at oportunidad upang higit pang mapabuti ang kalidad ng mga serbisyong pangnutrisyon para sa bawat Pulilenyo.
Tinalakay rin ng komite ang iba't ibang usapin, obserbasyon, rekomendasyon, at mga susunod na hakbang na mahalaga sa patuloy na pagpapaigting ng koordinasyon at implementasyon ng mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mamamayan.
Ang ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ay nananatiling mahalagang mekanismo sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang matiyak na ang bawat programa at polisiya ay epektibong naipatutupad para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Pulilan.
Sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, koordinasyon, at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang pangnutrisyon, patuloy nating itinataguyod ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon at kapakanan ng bawat Pulilenyo tungo sa isang mas malusog, mas masigla, at mas produktibong Bayan ng Pulilan. Sapagkat sa bawat hakbang na ating ginagawa, ito ay ๐ท๐๐๐ ๐บ๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐! ๐