31/05/2026
Mula sa puso ng Pambayang Tanggapan ng Turismo,taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta, pakikibahagi, at pagmamahal sa ating bayan.
Ang pag-abot natin sa 14,000 followers ay hindi lamang isang numero ito ay dahilan upang lalo naming pagbutihin ang pagbabahagi ng mga kwento, tradisyon, kultura, at mga natatanging destinasyon na ipinagmamalaki ng ating minamahal na bayan.
Sa bawat like, share, comment, at pagbisita sa ating page, kayo ang naging katuwang namin sa pagpapakilala ng ganda at yaman ng Bayan ng Pulilan.
Patuloy nating ipagmalaki ang ating kasaysayan, kultura, at mga makukulay na pagdiriwang. Sama-sama nating itaguyod ang turismo at pagmamahal sa ating bayan.