Pulilan Population Office

Directions

Pulilan Population Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pulilan Population Office, Government Official, POBLACION, Pulilan.

Isang malusog na kaisipan at katawan para sa kabataang Pulilenyo! 🧠✨Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang Youth Reprod...
22/09/2026

Isang malusog na kaisipan at katawan para sa kabataang Pulilenyo! 🧠✨

Matagumpay na nagtapos ngayong araw ang Youth Reproductive & Mental Well-being Program sa Bajet Castillo High School na nilahukan ng 180 Grade 10 students!

Ang programang ito ay naging posible sa suporta ng ating Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamumuno nina Mayor Rolando Peralta Jr., Vice Mayor Atty. Imee Cruz, at ng Ika-12 Sangguniang Bayan. Ito ay sa pangangasiwa ng Municipal Population Office sa pangunguna ni Ms. Donna Sampan, katuwang ang ating masipag na SK Chairperson ng Barangay Longos, Joshua "Smith" Mercado.

Maraming salamat din kina Local Youth Development Consultant Rolly Payumo at Local Youth Development Officer Ms. Maureen De Guzman sa kanilang pagbabahagi ng inspirasyon at mahahalagang mensahe para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at malusog na komunidad para sa ating kabataan!

Isang matagumpay na hakbang para sa kinabukasan ng kabataang Pulilenyo! 🌟Noong nakaraang ika-18 ng Setyembre 2026, matag...
19/09/2026

Isang matagumpay na hakbang para sa kinabukasan ng kabataang Pulilenyo! 🌟

Noong nakaraang ika-18 ng Setyembre 2026, matagumpay na naisagawa ang seminar na pinamagatang "Empowered Youth: Informed Choice (Building a future free from Teenage Pregnancy)" sa Pulilan Gymnasium, Poblacion, Pulilan, Bulacan.

Ang mahalagang programang ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamamagitan ng Municipal Population Office sa pamumuno ni Ms. Donna Sampan, katuwang ang Local Youth and Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Ms. Maureen De Guzman.

Naisakatuparan ang gawaing ito sa buong-pusong suporta ng ating Mayor RJ Peralta Jr., na kinatawan ni Mr. Rolly Payumo (LYDO Consultant), at ng ating Vice Mayor Imee De Guzman-Cruz, na kinatawan naman ni Mr. John Roy Mercado.

Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang ating mga kabataan upang makapili ng tamang desisyon para sa kanilang maayos at magandang kinabukasan.

17/09/2026
Matagumpay na naisagawa ngayong araw  ang "Next Gen Nanay: A Responsible Parenthood and Family Planning Session para sa ...
17/09/2026

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang "Next Gen Nanay: A Responsible Parenthood and Family Planning Session para sa mga Young Mothers" sa ating bayan!

Ang programang ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pamamagitan ng Municipal Population Office sa pamumuno ni Ms. Donna Sampan katuwang ang Local Youth and Development Office sa pamumuno ni Ms. Maureen De Guzman . Ito ay naging posible sa buong-pusong suporta ng ating Mayor RJ Peralta Jr., na kinatawan ni Municipal Administrator Lut Navarro, at ng ating Vice Mayor Imee De Guzman-Cruz (Atty. Vice Imee Cruz), na kinatawan naman ni Mr. Pampi Dela Fuente.

Layunin ng aktibidad na ito na gabayan, bigyang-lakas, at maghatid ng tamang kaalaman sa ating mga kabataang ina ukol sa wastong pagpaplano ng pamilya at responsableng pagiging magulang para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang mga tahanan.

Sa pagtutulungan ng ating lokal na pamahalaan at ng bawat pamilyang Pulilenyo, patuloy nating itataguyod ang isang komunidad na may alam, may pananagutan, at may pag-asa. Dahil sa Pulilan, ang responsableng magulang ang pundasyon ng isang matatag at maunlad na kinabukasan!

🎥 SINING NG KWENTO, TATAK PULILEÑO! 📸Matagumpay na idinaos ang Pulilente: “Kwentong Kabataang Pulileño” Two-Day Document...
16/09/2026

🎥 SINING NG KWENTO, TATAK PULILEÑO! 📸

Matagumpay na idinaos ang Pulilente: “Kwentong Kabataang Pulileño” Two-Day Documentary FilmFest Workshop nitong nakaraang Setyembre 15 at 16, 2026, sa Pulilan Central Conference Room!
Sa loob ng dalawang araw, sumailalim sa isang masinsinang pagsasanay ang ating mga kabataang Pulileño upang isalin ang kanilang mga natatanging kwento sa pamamagitan ng sining ng potograpiya at pelikula.

Mula sa mga pangunahing teorya hanggang sa mga advanced production at post-production techniques, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay at pagkamalikhain.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Population Office sa walang-sawang paggabay at suporta ng ating masipag na Municipal Mayor Hon. Rolando "RJ" Peralta Jr., Municipal Vice Mayor Hon. Atty. Imelda "Imee" D.J. Cruz, at ang buong Ika-12 Sangguniang Bayan!

Ang tagumpay ng Workshop na ito ay patunay lamang ng inyong dedikasyon na bigyang-lakas, linangin ang talento, at itaguyod ang mga programa para sa ating mga kabataang Pulileño.

Dahil sa inyong patuloy na pagtitiwala, mas dumarami ang mga kabataang mulat, malikhain, at may boses sa ating komunidad! ✨

Happy Birthday, Atty. Vice Mayor  Imee Cruz! 🎉🎂Thank you for your dedication and heartfelt service to our community. Wis...
11/09/2026

Happy Birthday, Atty. Vice Mayor Imee Cruz! 🎉🎂

Thank you for your dedication and heartfelt service to our community. Wishing you good health, happiness, and continued success in all that you do. May you enjoy a wonderful and memorable birthday! 💐✨

Happy Birthday, Ms. Donna Sampan! 🎉🎂Thank you for your dedication and service to our community through the Population Pr...
10/09/2026

Happy Birthday, Ms. Donna Sampan! 🎉🎂
Thank you for your dedication and service to our community through the Population Program. Wishing you good health, happiness, and continued success. Enjoy your special day!
"Matatag, Maginhawa at Planadong Pamilyang Pulileño"

Ramdam Na Ramdam na Serbisyo sa  Ang Tanggapan ng Populasyon ng Bayan ng Pulilan ay matagumpay na nagsagawa ng 1-araw na...
09/09/2026

Ramdam Na Ramdam na Serbisyo sa
Ang Tanggapan ng Populasyon ng Bayan ng Pulilan ay matagumpay na nagsagawa ng 1-araw na Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) ngayong araw September 09 , 2026 sa Pulilan Teen Center , Bukid Government Center , Peñabatan , Pulilan , Bulacan.
Dumalo rito ang mga magkasintahang naghahanda sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.
Pinangunahan ang programa ng Population and Development Office sa pamumuno ni Ms. Donna Bernardo Sampan, sa suporta nang ating butihing Punong Bayan IGG. RoLando S. Peralta Jr. at ikalawang Punong Bayan Atty. Imee Cruz at ng ikalabing -12 Sanggunian katuwang ang MHO, MSWDO, MCR at MENRO
🌱 Bahagi rin ng gawain ang pagtuturo ng “Food Security” at pangangalaga sa kalikasan sa ilalim ng Kautusang Bayan “Kasal Kasali sa Kalikasan” na akda ni Kgg. Konsehal Zandro Hipolito, katuwang ang Municipal Agriculture Office na pinamumunaan ni Mr. Arnel Cruz na kinatawan ni Mr. Jetro Joson ( Livestock Inspector ) .
🎤Kinatawan naman ni Dating Konsehal Rolie Payumo ( LYDO Sports and Youth Consultant ) ang ating butihing Punong Bayan Mayor RJ Peralta Jr. na nagbigay ng makabuluhang payo tungkol sa buhay mag-asawa at pagpapalaki ng pamilya .
💍 Sa temang:
“Pagbuo ng Matatag na Pundasyon para sa Isang Habambuhay na Pagmamahal”
Naniniwala ang Pamahalaang Bayan na ang matibay na pundasyon ay mahalaga upang makamit ang matagumpay at makabuluhang pagsasama.
👩‍❤️‍👨 Matatag, Maginhawa, at Planadong Pamilyang Pulileño.
📌
📌
📌
📌
📌

Whenever you feel like you aren't enough, remember this: His divine power has already given us everything we need to liv...
03/09/2026

Whenever you feel like you aren't enough, remember this: His divine power has already given us everything we need to live a godly, purposeful life. We don't have to rely on our own strength—just our knowledge of Him. 📖✨

To anyone sitting in a season that feels unfair, heavy, or completely broken: God is still working in the background. Wh...
02/09/2026

To anyone sitting in a season that feels unfair, heavy, or completely broken: God is still working in the background.
What looks like a setback is actually a setup. ✨

Address

POBLACION
Pulilan
3005

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pulilan Population Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share