04/10/2026
ctto
TOP 5 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, TIMBOG SA OPLAN GALUGAD SA CAMILING, TARLAC
Camp General Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Naaresto ng Warrant Personnel at Intelligence Operatives ng Camiling Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence and Detective Management Unit at Provincial Intelligence Unit ng Tarlac PPO, ang 64 taong gulang na Top 5 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang Oplan Galugad dakong alas-8:00 ng umaga nitong Oktubre 3, 2026 sa Camiling, Tarlac.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness, sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inisyu noong Setyembre 29, 2026 ni Hon. Elmira Cruz Caisido, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 68, Camiling, Tarlac, na may inirekomendang piyansa na Php180,000.00.
Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Camiling MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon kay PCOL HARRY R. LORENZO III, Provincial Director, “Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations at koordinasyon sa iba't ibang yunit upang matunton ang mga wanted persons at matiyak na maihaharap sila sa tamang proseso ng batas.” # # #