QC PESO Migrants Resource Center

QC PESO Migrants Resource Center Welcome to the official page of the Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO) Migrants Resource Center!

This is the Official page of QC PESO Migrants Resource Center.

APPLICATION EXTENDED UP TO SEPTEMBER 21! 🚨Magandang balita ulit, mga Ka-QC OFW! Dahil sa rami ng mga humihingi ng karagd...
14/09/2026

APPLICATION EXTENDED UP TO SEPTEMBER 21! 🚨

Magandang balita ulit, mga Ka-QC OFW! Dahil sa rami ng mga humihingi ng karagdagang oras at para mabigyan pa natin ng tsansa ang iba nating mga kababayan, muling pinalawig ang deadline ng nominasyon at aplikasyon para sa Ka-QC Waging Pamilyang OFW Award 2026!

Huwag nang palampasin ang pagkakataong ito na maipakita ang kwento ng tagumpay at inspirasyon ng inyong pamilya.

🗓 Bagong Deadline: September 21, 2026

Sino ang pwedeng mag-apply?
Mga pamilyang OFW na residente ng Quezon City
May magandang ehemplo ng pagtutulungan, tagumpay, at ambag sa pamayanan

I-submit na ang inyong mga aplikasyon at requirements sa pinakamalapit na QC PESO District Action Office.

​🔗 Application Link: tinyurl.com/KQCWPOAAPPLICATIONFORM

APPLICATION EXTENDED! 🚨Magandang balita, mga Ka-QC OFW! Extended ang pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon para sa Ka-Q...
07/09/2026

APPLICATION EXTENDED! 🚨

Magandang balita, mga Ka-QC OFW! Extended ang pagtanggap ng nominasyon at aplikasyon para sa Ka-QC Waging Pamilyang OFW Award 2026!

Binibigyan pa natin ng pagkakataon ang ating mga bayaning Overseas Filipino Workers at ang kanilang mga pamilya sa Quezon City na makapag-submit ng kanilang mga requirement.

🗓 Bagong Deadline: September 14, 2026

Sino ang pwedeng mag-apply?
Mga pamilyang OFW na residente ng Quezon City
May magandang ehemplo ng pagtutulungan, tagumpay, at ambag sa pamayanan

I-submit na ang inyong mga aplikasyon sa pinakamalapit na QC PESO District Action Office.

🔗 Application Link: tinyurl.com/KQCWPOAAPPLICATIONFORM

"LIVELIHOOD SKILLS TRAINING: BRACELET MAKING"📅 August 6, 2026📍 District 3 Action Office, Brgy. Marilag, Quezon CityNagsa...
27/08/2026

"LIVELIHOOD SKILLS TRAINING: BRACELET MAKING"

📅 August 6, 2026
📍 District 3 Action Office, Brgy. Marilag, Quezon City

Nagsagawa ang QC PESO MRC ng Entrepreneurial Development Training (EDT) para sa mga OFW at kanilang mga pamilya, Ang training na ito ay magbibigay ng kaalaman, kasanayan, at tiwala sa sarili upang makapagsimula o mapaunlad ang kanilang sariling negosyo.

Sa tulong ng OWWA Overseas Workers Welfare Administration, naimbitahan at nagbahagi si Ma. Luisa Gomez ng kaniyang kaalaman sa paggawa ng Bracelet na maaaring makatulong sa mga OFWs at kanilang pamilya sa pagsisimula ng negosyo o hanapbuhay.

Para sa mga karagdagang katarungan ay bisitahin ang aming official page.

📢 CALL FOR KA-QC WAGING PAMILYANG OFW CANDIDATES! 📢Ikaw ba ay isang OFW na nagsusumikap para sa pangarap ng iyong pamily...
26/08/2026

📢 CALL FOR KA-QC WAGING PAMILYANG OFW CANDIDATES! 📢

Ikaw ba ay isang OFW na nagsusumikap para sa pangarap ng iyong pamilya? 👪

Ibahagi ang iyong kuwento, dahil maaaring ikaw na ang susunod na Ka-QC Waging Pamilyang OFW! 💫

Opisyal na inilulunsad ng Quezon City Public Employment Service Office (QC PESO), sa pamamagitan ng Migrants Resource Center, ang KA-QC WAGING PAMILYANG OFW AWARD 2026, isang pagkilala sa mga OFW na patuloy na nagtataguyod ng kanilang pamilya at bayan sa kabila ng hamon ng pangingibang-bansa.

📋 PAANO MAG-APPLY:
👉 I-download ang application form dito: tinyurl.com/KQCWPOAAPPLICATIONFORM
👉 Ipasa ang kumpletong dokumento sa pinakamalapit na QC PESO District Action Office

🗓 APPLICATION PERIOD: August 26 to September 7, 2026 (hanggang 5:00 PM)

📌 Tingnan ang kalakip na poster para sa buong detalye.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang inyong QC PESO District Action Office o i-follow ang opisyal na page ng QC PESO at QC PESO Migrants Resource Center para sa mga update at official announcements.

🌟 Sama-sama nating ipagdiwang ang mga pamilyang OFW na lakas ng bayan, at ipagbunyi ang kanilang mga kwento ng sakripisyo, tagumpay, at walang kapantay na pagmamahal! 💖

"Sa Quezon City, walang batang maiiwan!"Sa ilalim ng SMARTCHILD E HABIILIN, patuloy ang mga aktibidad para sa mga anak n...
26/08/2026

"Sa Quezon City, walang batang maiiwan!"

Sa ilalim ng SMARTCHILD E HABIILIN, patuloy ang mga aktibidad para sa mga anak ng OFWs at kanilang mga pamilya.

Isa na diyan ay ang ARTS & CRAFTS na nakatuulong sa kanila upang mahasa, matuklasan, at mapaunlad ang kanilang hilig at talento sa sining, paggawa, at disenyo.

Ang TAEKWONDO TRAINING naman ay nagbibigay sa kanila ng disiplina at tiwala sa sarili, gayundin ang konsentrasyon at kapanatagan ng isip.

At ang panghuli ay ang THEATRICAL ARTS na kung saan ay tumutulong sa mga bata na magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, maging malikhain at maunawain, at mapaunlad ang kanilang memorya, pokus, at kakayahang makipagkomunikasyon.

sa mga nais sumali ay iclick lamang ang link na ito para sa mga requirements:
https://www.facebook.com/quezoncitypesomrc/posts/pfbid02foLDzCRoEGojprphrGi9QaLpcgmZnUcox1GiJpwo97tbNpDU6ognHsTYt6SxsFqZl

At para sa iba pang mga katanungan ay bisitahin lamang ang aming Official page.

Hindi naging hadlang na apektado rin sila ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat upang makatulong sa iba...
21/08/2026

Hindi naging hadlang na apektado rin sila ng sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat upang makatulong sa iba. Gamit ang Social Fund ng kanilang Kapitbahayan Savings (KAPSA), namahagi ng relief goods ang ating mga OFW Family Circles (OFCs) mula sa Brgy. Bagbag at Brgy. Apolonio Samson sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong.

Ang kanilang pagkilos ay bahagi ng KAPSA Model—isang paraan ng sama-samang pag-iimpok at pagtutulungan kung saan ang naipon na pondo ay maaaring magamit upang makatulong sa mga miyembro at sa komunidad, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Sa kabila ng sarili rin nilang pinagdaraanan, pinili ng ating mga OFCs na tumulong at umalalay sa kanilang kapwa QCitizen upang sama-samang makabangon mula sa epekto ng kalamidad. Patunay ito na kapag may pagkakaisa, malasakit, at bayanihan, mas nagiging matatag ang isang komunidad.

Maraming salamat sa ating mga OFW Family Circles at OFW volunteers sa kanilang malasakit at pagkukusa. Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay may malaking halaga sa mga pamilyang nangangailangan.

QUEZON DAY 2026 🇵🇭 ✨Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-148 na anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Manuel...
18/08/2026

QUEZON DAY 2026 🇵🇭 ✨

Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-148 na anibersaryo ng kapanganakan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa at ang nagtatag ng ating minamahal na Lungsod Quezon.

Sa pagdiriwang ng Quezon Day ngayong 2026, patuloy nating isabuhay ang kanyang mga simulain—ang pagtataguyod ng katarungang panlipunan, pagkakapantay-pantay, at ang paglilingkod nang may katapatan sa bawat mamamayan.

Isang makasaysayan at makabuluhang pagbati sa lahat ng QCitizens at sa buong komunidad!

🎉🥋 CONGRATULATIONS, SMART CHILD EHABILIN TAEKWONDO TEAM! 🥋🎉‎‎QC PESO Migrants Resource Center proudly extends its heartf...
18/08/2026

🎉🥋 CONGRATULATIONS, SMART CHILD EHABILIN TAEKWONDO TEAM! 🥋🎉

‎QC PESO Migrants Resource Center proudly extends its heartfelt congratulations to the SMART CHILD eHabilin Taekwondo Team for earning multiple medals at the 2026 Quezon City Interschool Taekwondo Championships, held on August 16 at the NOVADECI Convention Center, with around 800 participants competing in the championship.

‎GOLD 🏅
‎Kyrie Jeffrey Alcala
‎Prince Dexther Merida
‎Althea Nicole Tampus
‎Prince Eart Lucas Butacan
‎Gavreel Nebre

‎SILVER 🥈
‎Calvin J. Mindajao
‎Anthea Elsa Acuzar
‎Jane Claire Mosqueda
‎Emil de Borja Jr.
‎Codie Boy Saja
‎Chong Andrei Saja
‎Princess angelyn s. Bautista

‎BRONZE 🥉
‎Dan Zhayvier O. Insigne
‎Katrionna McAndrei M Tibor
‎Nigel Jacob nabata
‎Emma Picar
‎Sophia Tan

‎We also express our heartfelt appreciation to the dedicated Coaches for their unwavering guidance, support, and inspiration in helping our young athletes achieve success.

‎The SMART Child eHabilin Program remains committed to its mission of protecting, supporting, and empowering the children of OFWs who are left behind, helping them develop resilience, discipline, confidence, and hope for a brighter future.

Base sa Memorandum Circular No. 127 s. 2026 mula sa Malacañang, ipatutupad ang ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS sa lahat ng...
17/08/2026

Base sa Memorandum Circular No. 127 s. 2026 mula sa Malacañang, ipatutupad ang ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong Metro Manila ngayong Lunes, August 17, 2026, dahil sa patuloy na sama ng panahon dulot ng .

Ipatutupad rin ang ALTERNATIVE DELIVERY MODES OF LEARNING (Synchronous / Asynchronous) sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Metro Manila.

Gayunpaman, tuloy ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na naghahatid ng serbisyong medikal, disaster at emergency response, at iba pang vital services.

Hinihikayat ang lahat na gamitin ang QC e-Services para sa inyong online transactions:
https://qceservices.quezoncity.gov.ph/

Para sa mga katanungan o emergency concerns, tumawag sa QC Helpline 122.

Ipinapaubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang operasyon.

Tumutok lamang sa official page ng Quezon City Government para sa iba pang anunsyo.

Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!

Source: Presidential Communications Office
https://www.facebook.com/pcogovph/posts/1485749816911073

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 17

Pursuant to Memorandum Circular No. 127, government offices are directed to shift to appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces starting 12:00 noon on August 17, 2026:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Pampanga
📍 Tarlac
📍 Nueva Ecija
📍 Cavite
📍 Batangas
📍 Rizal
📍 Laguna
📍 Quezon
📍 Occidental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

Address

6th Floor, Civic Center Building A, Quezon City Hall Compound
Quezon City
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QC PESO Migrants Resource Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share