22/10/2023
𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧, 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢'𝗬 𝗧𝗨𝗠𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚! ✊
Ako si 𝗥𝗔𝗟𝗣𝗛 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡, Aspiring 𝗦𝗞 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻,
mula sa hanay ng mga kabataan ng VETERANS CLUSTER.
Nagtapos ng pag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP Sta. Mesa, Manila) at nagpakadalubhasa sa larangan ng Broadcast Communication at dating mag-aaral ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School. At sa pagpupursige na mag-aral, nagkamit ng pagkilala bilang 𝗖𝗨𝗠 𝗟𝗔𝗨𝗗𝗘.
Ako ay may malawak na karanasan sa pamumuno bilang dating SSG President ng Judge Feliciano Belmonte Sr. High School (taong 2015) at Student Council President ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts SHS, Quezon City Division Federation of Supreme Student Government, at isa rin sa dating Little Mayor at Quezon City Child Representative sa parehong taon, 2019.
Nagkamit din ng parangal bilang Gerry Roxas Leadership Awardee at Junior Chamber International Leadership Awardee noong taong 2019.
Isa sa aking adhikain ay ang pagtataguyod ng kultura at sining, at bilang Multimedia Department Coordinator sa EL's Place at iba pang mga organisasyon tulad ng DZMC-Young Communicators Guild, English Club, Theatre group at iba't ibang dance troupe, patunay na ang angking husay at dedikasyon sa larangan ng sining at kultura.
Bilang tagapagtatag ng Adlaw Youth Organization, layunin ko rin na manguna sa pagtatayô ng Youth Organization sa iba't ibang lugar sa Barangay Holy Spirit; bigyang SUPORTA at PALALAKASIN ang mga ito, at magiging kasangga ng Brotherhood, Sisterhood at lahat ng Gang sa Barangay.
Naglalayon din akong maipakilala at maipagmamalaki ang galing ng Kabataan ng Barangay Holy Spirit sa lokal o nasyonal mang antas ng patimpalak.
AKO ay TITINDIG upang maitaguyod at mapagyabong ang KULTURA AT SINING sa ating Barangay. Gayundin ang pagsulong ng mga 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗮𝘁 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 para sa ikaaayos at ikabubuti ng mga KABATAAN SA HOLY SPIRIT.
Sama-sama nating muling ibalik ang GANDA at KULAY ng ating Barangay.
Samahan ninyo nawa ako sa aking pagtindig kasama ang buong kagawaran ng dahil isang Team TÁYO!
𝗠𝗮𝘆 𝗽𝘂𝘀𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗼.
𝗠𝗮𝘆 𝗸𝗿𝗲𝗱𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹.
- - -
SK Chairman: 𝗥𝗔𝗟𝗣𝗛 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡
SK Kagawad Aspirants:
𝗠𝗔𝗥𝗞 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗜𝗔
𝗔𝗥𝗚𝗘𝗡𝗘 "𝗙𝗥𝗔𝗡𝗖𝗜𝗦" 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢
𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗡𝗘 𝗕𝗔𝗗𝗜𝗡𝗔𝗦
𝗞𝗟𝗜𝗧𝗭𝗖𝗛 𝗗𝗜𝗢𝗡𝗜𝗦𝗜𝗢
𝗪𝗜𝗡𝗦𝗧𝗢𝗡 𝗜𝗕𝗔Ñ𝗘𝗭
𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘𝗟 "𝗕𝗨𝗕𝗢𝗬" 𝗡𝗘𝗣𝗢𝗠𝗨𝗖𝗘𝗡𝗢
𝗥𝗜𝗖𝗔 𝗩𝗘𝗚𝗔