20/05/2026
π·π«π¨πΆ πΌπ·π«π¨π»π¬πΊ | Bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na mapabuti at makapaghatid ng dekalidad na serbisyo para sa ating mga mamamayan, pinangunahan ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office ang isinagawang Strategic Planning for Disability-Inclusive Development.
Pinagbuklod ng pagpapatibay ng kooordinasyon at kolaborasyon ang mga mga miyembro ng Technical Working Group (TWG), local stakeholders, partner agencies, mga departamento at tanggapan ng pamahalaan, gayundin ng ibaβt ibang organizations of persons with disabilities (OPDs), upang makabuo ng mas matibay, makatao, at inklusibong direksyon para sa mga polisiya, programa, at serbisyong pangkapansanan sa lungsod sa mga susunod na taon.
Magsisilbing gabay ang mga planong mabubuo mula sa aktibidad tungo sa pagsusulong ng isang mas accessible, inclusive, at disability-responsive na Lungsod Quezon.