31/05/2026
POOREST DE MAYO 2026 | Nakiisa ang Migrante Caloocan sa Poorest de Mayo sa North Caloocan ngayong araw, Mayo 31. Imbis na nag-gagandahang palamuti at bulaklak, bitbit natin ang mga isyu at panawagan ng migrante at iba't ibang sektor na lumahok sa parada sa komunidad.
Ilan sa mga tinampok nating panawagan ay ang pagpapalaya kay Mary Jane Veloso at pagkakaroon ng trabaho sa Pinas, hindi sa labas. Dagdag dito ang pagbaba ng presyo ng bilihin, pagtaas ng sahod sa nakabubuhay na antas, pag-rollback ng presyo ng gasolina, pagbasura sa oil deregulation law, pagpatupad ng P1200 minimum wage nationwide, at iba pang mga isyu ng taumbayan.