16/03/2026
Magandang Araw! Muli po kaming humihingi ng tulong sa inyo para mahanap ang pamilya/kamag-anak nang pasyente na nasa larawan. Nagpakilala siya bilang si Irene Manuel Estrada, may edad na 52 na naninirahan sa tabing kalsada ng St. Mary Street Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.
Kasalukuyang naka-admit ang pasyente at walang bantay na nag aasikaso sa kanyang mga pangangailangan.
Kung mayroon po kayo kahit anong impormasyon o may nakakakilala sa kanya ay makipag-ugnayan po sa aming opisina, Medical Social Work Department ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC). Maaari ninyo din po kaming i-Message or mag-iwan ng Comment sa aming page: https://www.facebook.com/qmmcmss
Maraming salamat po!