23/08/2026
2๐ป๐ฑ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐น๐๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐๐ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น ๐ต๐๐บ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ1.7๐ ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐
NAGA CITY โ Bukod sa umabot sa โฑ1,777,073 ang kabuuang benta ng mga lumahok na mga federations of Farmers Cooperative and Associations ay humakot din ng ibaโt-ibang papremyo ang mga exhibitors sa ginanap na 3-day Regional Cluster Summit sa Robinsons Naga.
Top seller ang well milled na bigas ng San Agustin, San Ramon Agrarian Reform Farmers Cooperative (SARFC) mula sa Bula, Cam. Sur kung saan humakot sila ng P205,700 sales. Pumangalawa ang United Farmers Irrigations Agriculture Coop (UFIAC) mula sa Bula, Cam. Sur na may P170,220.00 sales sa mga produktong bigas at pangatlo ang Pilinio Federation of High Value Crops Growers, Inc. ng Pili, Cam. Sur na may P142,216.00 sales sa kanilang sari-saring sariwang gulay at prutas.
Ang tatlong top sellers ay tumanggap ng pare-parehong premyong 1 unit knapsack sprayer, 1 set garden tools, pruning saw, plastic crates at 10 packets of assorted vegetable seeds.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga magsasakang agri-preneur na makapulong ang mga institutional buyers sa ginanap na Market Matching with San Miguel Foods Inc.; Dizon Farms; and Villa Caceres Hotel. Ang market matching ay pinangunahan ni Agribusiness and Marketing Assistance Division OIC Chief Engr. Luisito Baltazar.
Ayon kay Marilene Dimaculangan, F2C2 focal person, may mga cluster members na sa Bicol na kasalukuyang nagdadala na ng kanilang mga produkto sa San Miguel Foods, Inc. tulad ng Maymatan Farmers Multi-purpose Coop sa Goa, Cam. Sur at San Lorenzo Ruiz Farmers Agriculture Coop ng Cam, Norte na patuloy na nagsusuplay ng pinya sa Dizon Farms.
Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni Dr. Mary Grace DP. Rodriguez, RTD for Operations, ang lahat ng mga exhibitors at mga mamimiling tumangkilik sa 3- araw na Regional Cluster Summit. (Lovella P. Guarin) (Photo Credit: RAFIS 5)