Quezon City Task Force Disiplina

Quezon City Task Force Disiplina ​​​Ito ang opisyal na pahina ng Quezon City Force Disiplina.

Itinatag ang TF-Disiplina sa bisa ng EO 48, s2019 at pinalakas ng EO 51, s2022 upang ipatupad ang mga ordinansa at regulasyon tungo sa isang ligtas, maayos, at disiplinadong Lungsod Quezon.

𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Batasan Hills, District IIHulyo 14, 2026Upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisa...
14/07/2026

𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Batasan Hills, District II
Hulyo 14, 2026

Upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pamamahagi ng Social Pension para sa mga Senior Citizen ng District II, nagbigay ng suporta ang Task Force Disiplina, katuwang ang QCPD-QCHP Kamuning, sa payout na pinangunahan ng DSWD, SSDD, at Office of the City Mayor sa SB Park, Brgy. Batasan Hills.

Patuloy na nagbigay ng assistance ang mga tauhan sa pamamahala ng pila at pag-alalay sa mga senior citizen upang maging maayos at maginhawa ang buong proseso ng pamamahagi ng benepisyo.





𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Tandang Sora & Culiat, District 6Hulyo 14, 2026Sa ikalawang araw ng Rice Distributi...
14/07/2026

𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Tandang Sora & Culiat, District 6

Hulyo 14, 2026

Sa ikalawang araw ng Rice Distribution Program ng Office of the President para sa mga benepisyaryo ng Brgy. Tandang Sora at Brgy. Culiat, nagbigay ng assistance ang Task Force Disiplina, katuwang ang QCPD-QCHP Kamuning, Office of the City Mayor (OCM), TTMD, at mga opisyal ng barangay, upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pamamahagi ng ayuda.

Sa pamamagitan ng maayos na crowd management at pila, naging mabilis ang daloy ng programa at napanatili ang kaayusan sa buong aktibidad, na nagbigay ng mas maginhawang serbisyo sa mga benepisyaryo.





𝗙𝗢𝗢𝗧 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 | Barangay SocorroHulyo 14, 2026Nagsagawa ng foot patrol ang Task Force Disiplina, katuwang a...
14/07/2026

𝗙𝗢𝗢𝗧 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 | Barangay Socorro

Hulyo 14, 2026

Nagsagawa ng foot patrol ang Task Force Disiplina, katuwang ang QCPD-QCHP Kamuning, sa iba't ibang bahagi ng Brgy. Socorro bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa ng Lungsod Quezon.

Layunin ng operasyon na mapanatili ang kaayusan sa mga pampublikong lugar, mahikayat ang pagsunod sa mga lokal na ordinansa, at matiyak ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa lahat ng QCitizen.





𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | Barangay Sikatuna VillageHulyo 13, 2026Nagsagawa ng traffic management at pedestrian assistance ang...
13/07/2026

𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 | Barangay Sikatuna Village
Hulyo 13, 2026

Nagsagawa ng traffic management at pedestrian assistance ang Task Force Disiplina, katuwang ang QCPD-QCHP Kamuning, sa V. Luna Road cor. Anonas Extension, Brgy. Sikatuna Village.

Nagbigay ng paalala sa mga motorista na sumunod sa mga traffic signs at tumulong sa maayos na daloy ng trapiko, ligtas na pagtawid ng mga pedestrian, at pagbibigay-prayoridad sa mga emergency vehicle.

Naging maayos at mapayapa ang isinagawang operasyon.




𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Bagong Silangan, District 2Hulyo 13, 2026Sa pangunguna ng Department of Social Welfare...
13/07/2026

𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 | Barangay Bagong Silangan, District 2
Hulyo 13, 2026

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), isinagawa ang Social Pension Payout para sa mga Senior Citizens ng District II sa Evacuation Center ng Brgy. Bagong Silangan, na may tinatayang 786 benepisyaryo.

Nakasuporta ang Task Force Disiplina, katuwang ang QCPD–QCHP Kamuning, sa pagpapanatili ng kaayusan, seguridad, at maayos na daloy ng payout.

Nagbigay rin ng assistance ang mga awtoridad sa paggabay sa mga senior citizen upang maging ligtas at maayos ang pagtanggap ng kanilang benepisyo.





𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗘 | Barangay Sta. MonicaHulyo 13, 2026Katuwang ang QC Hall Precint Kamuning, nagsagawa ang Task Force Disi...
13/07/2026

𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗗𝗜𝗦𝗖𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗘 | Barangay Sta. Monica
Hulyo 13, 2026

Katuwang ang QC Hall Precint Kamuning, nagsagawa ang Task Force Disiplina ng traffic monitoring, pedestrian assistance, at ordinance enforcement sa kahabaan ng Quirino Highway at Jordan Plains, Brgy. Sta. Monica.

Sa operasyon, ilang motorista ang nasita at inisyuhan ng citation ticket dahil sa mga paglabag tulad ng 𝐍𝐨 𝐌𝐨𝐭𝐨𝐫𝐜𝐲𝐜𝐥𝐞 𝐇𝐞𝐥𝐦𝐞𝐭, 𝐃𝐞𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐒𝐢𝐝𝐞 𝐌𝐢𝐫𝐫𝐨𝐫, at 𝐎𝐯𝐞𝐫𝐥𝐨𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠.

Patuloy ang pagpapatupad ng mga batas trapiko at lokal na ordinansa upang mapanatili ang ligtas at maayos na daloy ng kalsada.




𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | Quezon City HallHulyo 13, 2026Pinangunahan ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨𝐲 𝐁𝐞𝐥𝐦𝐨𝐧𝐭𝐞, kasama si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐆𝐢𝐚𝐧 𝐒𝐨𝐭𝐭𝐨, ang t...
13/07/2026

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | Quezon City Hall
Hulyo 13, 2026

Pinangunahan ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨𝐲 𝐁𝐞𝐥𝐦𝐨𝐧𝐭𝐞, kasama si 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐆𝐢𝐚𝐧 𝐒𝐨𝐭𝐭𝐨, ang tradisyunal na Flag Raising Ceremony sa Risen Garden, Quezon City Hall Compound, bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo publiko.

Nakiisa sa seremonya ang Task Force Disiplina, sa pangunguna ni 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐑 𝐌𝐑. 𝐃𝐄𝐂𝐊 𝐀. 𝐏𝐄𝐋𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐆𝐎, kasama ang mga department heads, action officers, at iba pang kawani ng Pamahalaang Lungsod bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na dedikasyon sa tapat na paglilingkod sa mga QCitizen.




13/07/2026
🟨 𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 | Brgy. Commonwealth | Hulyo 12, 2026Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City P...
12/07/2026

🟨 𝐉𝐎𝐈𝐍𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒

𝗤𝗨𝗜𝗖𝗞 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 | Brgy. Commonwealth | Hulyo 12, 2026

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Police District at Task Force Disiplina sa ulat ng umano'y pagnanakaw sa isang pribadong compound sa IBP Road, Brgy. Commonwealth habang nagsasagawa ng regular na visibility operation sa lugar.

Naagapan ang sitwasyon at naihatid ang mga sangkot sa barangay para sa kaukulang mediation, na nagresulta sa mapayapang pagresolba ng insidente. Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng TF-DISIPLINA sa mga ahensya upang matiyak ang mabilis na pagtugon at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.




🟥 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 | Barangay Roxas | Hulyo 11, 2026Patuloy na nagsagawa ng monitoring at informatio...
12/07/2026

🟥 𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄

𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 | Barangay Roxas | Hulyo 11, 2026

Patuloy na nagsagawa ng monitoring at information drive ang mga response teams sa Brgy. Roxas bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda ng Quezon City Government sa epekto ng Typhoon Inday. Kabilang sa mga katuwang sa operasyon ang Task Force Disiplina, QCDRRMO, DPOS, USAR, PCG, QCPD, Coast Guard Auxiliary, at iba pang ahensya.
Sa isinagawang pag-iikot, nagbigay ng paalala ang mga awtoridad sa mga residenteng naninirahan sa mga lugar na madaling bahain at pinayuhang maging handa sa agarang paglikas kung kinakailangan. Ayon sa pamunuan ng barangay, 70 pamilya na binubuo ng 249 na indibidwal ang pansamantalang inilikas bilang pag-iingat.
Patuloy ang koordinasyon ng mga response teams upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at ang maagap na pagtugon sa anumang sitwasyong dulot ng masamang panahon.





Address

Novaliches District Center (NDC), F Salvador Street , Jordan Plain Subd. , Brgy Sta. Monica Novaliches
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon City Task Force Disiplina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share