10/06/2025
Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, patuloy ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan na naglalayong wakasan ang diskriminasyon lalo na sa mga sakit tulad ng HIV/AIDS, tuberculosis (TB), at iba pang kondisyon na madalas pinagtutuunan ng hindi pantay na pagtingin, lalo na sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.
Katuwang ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa pagsusulong, pagbalangkas, at pagpapalawig ng mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat, anuman ang kasarian, pagkakakilanlan, o katayuan sa buhay. Layon nitong makamit ang Universal Health Care, isang sistemang tunay na inklusibo at makatao.
Dahil sa Bagong Pilipinas, bawat buhay ay mahalaga.