15/09/2024
SEPTEMBER 14, 2024
COMMUNITY FUMIGATION
Kasama ang ilan sa ating Barangay Staff tayo po ay nagsagawa ng Community Fumigation sa ilang lugar ng ating Barangay na may naitalang kaso ng Dengue.
Ito ay isa sa mga aksyon ng barangay upang masugpo ang sakit na dengue sa ating komunidad.
Isang pasasalamat sa pamahalaan ng Lungsod Quezon sa Pangunguna ng ating butihing Mayor Joy Belmonte upang magkaroon ng gamot pamuksa sa mga lamok na may dalang Dengue.
Maraming salamat din sa ating butihing Kapitan Ric Villalfor sa suporta sa mga proyektong pangkalusugan at iba pa.
Sa mga residente na gustong magkaroon ng community fumigation sa kanilang lugar magbigay lamang po ng request letter upang mabigyan ng schedule ang inyong lugar para sa fumigation, ipinababatid din na ang schedule ay binibigyan prayoridad ang mga lugar kung saan may mga kaso ng dengue.