30/05/2022
Monday (May 30, 2022) Around 11:24pm
Isa pong paalala muli sa ating mga kapatid na driver, lagi pong paalala kasama po Ng Quirino Two-A Fire Sub-Station BFP QCFD-NCR Station 3 at Ng Brgy. Quirino 2A Community Fire Auxiliary Group na wag po Sana ako nating harangan ang mga Fire Hydrants at laging paalala na Sana po ay ating sundin ang One Side Parking, sapagkat lahat po Ng nabangit ay isa sa mga Kailangan na ating sundin bukod po sa maaring sa hindi pagsasaiyos Ng inyong mga sasakyan at magambala at isa sa mga dahilan na pwede ma delayed ang mga ating Fire Truck sa pag sugpo sa Sunog at pag supply ng Tubig sa mga Fire Truck sa mga oras Ng Sunog sa ating Barangay o Kumunidad Kaya Kami po ay walang sawang nag papaalala na Kung maari wag po nating harangan ang Fire Hydrant natin at gayun din po na sundin natin ang ating iniemplementang One Side Parking, Lubos po ang aming pakikiusap sa mga mahal nating nagmamayari Ng Mga Kotse, Motorsiklo na sundin po natin ang mga na sabing Batas Trapiko, at Kung makikita niyo sa Larawan na Ito na kinuwaan ni CFAG Crew Chief Robick Aaron Angeles sa oras na 11:24 Ng Gabi Araw Ng Lunes May 30, 2022 sa Kalye Ng Chico St, Tapat Ng 7/11 at Fitness Gym Anonas, isang naka balandrang pampasaherong Jeepney ang kanyang nakita agad nya Naman hinanap ang Driver Neto ngunit wala po Ito sa nasabing sasakyang, Kaya agaran po niyang inaksyunan na kuwaan Ng litrato Ito at ipakita sa mga may Ari Ng Mga sasakyan na maging silbing aral sa mga lumalabag sa ating Traffic Violation, Kaya Kami po ay muling nag papaalala at makikisuyo sa lahat Ng mahal nating residente o ka-lugar na Sana po ay respetuhin natin ang ating mga daanan at Fire Hydrant para po din Ito sa ating mabilis na aksyun sa mga oras Ng pangangailangan tulad Ng pagsugpo sa apoy.
Muli po kaming nagpapasalamat sa mga taong nanjan at nakakita Neto. At nagpapasalamat sa walang sawang supporta sa ating Brgy. Quirino 2A Fire Brigade (Community Fire Auxiliary Group CFAG) ElpQuirinians 41's, Lagi pong paalala mula sa ating Konseho At Mahal na Kapitan, Noel R. Agdeppa Na sa Pag-Iwas sa SUNOG HINDI KA PO NAG-IISA.
Magandang Umaga po At Mapagpalang Buhay.