03/08/2026
Birthday Cake for Senior Citizens 🎂🎂 (Ongoing)
Nagsimula na ang birthday cake giving para sa senior citizen na celebrants simula June 2026. Ito ay programa mula sa pangunguna ni Kapitana Ganda Yap kasama si Co-Chairperson ng Committee on Senior Citizen Affairs na si Kgd. Manoy Letada at ang buong BDI Council.
Layunin ng programang ito na mabigyang-pagbati at maipadama ang pasasalamat sa ating mga senior citizen sa pamamagitan ng munting handog na birthday cake sa kanilang espesyal na araw. 🎂🥳
Patuloy pong sisikapin ng Council na mapuntahan at mapagkalooban ang lahat ng mga senior citizen celebrants. Kaya naman, abangan po ang kanilang pagbisita. ❤️😇