Angels in Red Vests

Angels in Red Vests Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Angels in Red Vests, Government Organization, DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Batasan Road, Quezon City.

Mga bayani sa likod ng "Red Vest" na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa nang may “extra love” at “extra care” para sa bawat Pilipino.

❤️

Simulan ang linggong ito nang may tapang, tiwala sa sarili at paniniwalang kaya mong maging bahagi ng pagbabago. ✨   ❤️
14/09/2026

Simulan ang linggong ito nang may tapang, tiwala sa sarili at paniniwalang kaya mong maging bahagi ng pagbabago. ✨


❤️

CALLING ALL OUR ANGELS IN RED VESTS: YOUR NEXT LEARNING OPPORTUNITY IS HERE! 📚❤️The DSWD is expanding access to learning...
09/09/2026

CALLING ALL OUR ANGELS IN RED VESTS: YOUR NEXT LEARNING OPPORTUNITY IS HERE! 📚❤️

The DSWD is expanding access to learning opportunities that help its workforce build skills, meet professional requirements, and grow in their careers.

For DSWD social workers, the DSWD Academy offers fully funded face-to-face trainings, online learning sessions, and CPD opportunities at no personal cost. Meanwhile, Project ASCEND and academic scholarships provide opportunities for eligible regular and contractual DSWD employees to pursue degree completion and career advancement.

📩 Registration links and guidelines will be sent through your official DSWD email and official memos. Stay tuned!

❤️

Taos-pusong Pasasalamat sa Ating mga Angels in Red Vests! 🫰🏻Sa bawat disaster operation ng DSWD, nakasanayan na nating m...
08/09/2026

Taos-pusong Pasasalamat sa Ating mga Angels in Red Vests! 🫰🏻

Sa bawat disaster operation ng DSWD, nakasanayan na nating makita ang ating mga Angels in Red Vests na nagmamasid, naghahanda ng relief kits at rumeresponde sa mga komunidad. Ngunit higit pa rito, bukas-palad silang nakikibahagi sa anumang gawaing makakatulong sa operasyon, katulad na lamang ng pagiging certified kusinera’t kusinero sa mga Mobile Kitchen.

Sa pamamagitan ng mainit at masustansyang pagkaing kanilang inihahanda, naipapadama nila ang tunay na pagkakaisa at pag-aaruga na nagbibigay ng ginhawa sa ating mga kababayan. Buong puso nilang inilalaan ang kanilang oras, lakas at sarili para sa kapakanan at kapakinabangan ng pamilyang Pilipino.

Kayo ang tunay na lakas ng DSWD sa bawat pagtugon, at ipinagmamalaki namin ang bawat Angel in Red Vest na laging handang maglingkod nang higit pa sa inaasahan. Maraming salamat sa inyong sipag at dedikasyon at sa pagiging maaasahan saanman kayo kailangan. ❤️


✨ARV AFFIRMATION✨Bilang mga Angels in Red Vests, bawat araw ay pagkakataong maging dahilan para gumaan ang araw ng iba.D...
07/09/2026

✨ARV AFFIRMATION✨

Bilang mga Angels in Red Vests, bawat araw ay pagkakataong maging dahilan para gumaan ang araw ng iba.

Dalhin natin ang ganitong pananaw sa bawat serbisyong ating ibinibigay at sa bawat taong ating nakakasalamuha.

❤️

HUSAY SA PAGLILINGKOD, TATAK ANGELS IN RED VESTS! 💪Kinikilala ng DSWD sina Bevelyn Samson at Mila Yapana ng National Res...
02/09/2026

HUSAY SA PAGLILINGKOD, TATAK ANGELS IN RED VESTS! 💪

Kinikilala ng DSWD sina Bevelyn Samson at Mila Yapana ng National Resource and Logistics Management Bureau – Logistics Management Division (NRLMB-LMD) para sa kanilang mahalagang ambag sa paghahanda at maayos na pamamahala ng mga resources na ginagamit ng Kagawaran sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kababayan nating apektado ng kalamidad at sakuna.

Sa kanilang ipinamalas na galing, husay at dedikasyon bilang Angels in Red Vests, ipinapakita nila na ang mahusay na paghahanda ay mahalagang bahagi ng mabilis at maaasahang pagtugon.

❤️

31/08/2026

ANGELS IN RED VESTS: ALWAYS READY TO SERVE🫡❤️

Bago tuluyang matapos ang pagdiriwang ng National Heroes Day, isang mainit na pagpupugay para sa ating mga Angels in Red Vests, mga makabagong bayani na pinipiling magsilbi, kumilos at umalalay sa kapwa Pilipino sa oras ng pangangailangan.

Sa panahon ng sakuna at krisis, dala ninyo hindi lang ang tulong, kundi ang presensya at malasakit na nagbibigay-lakas sa mga pamilyang ating sinusuportahan. Sa bawat pagkilos at serbisyong inyong inihahatid, naipapakita ninyo na ang kabayanihan ay hindi lang nasusukat sa malalaking sakripisyo, kundi sa araw-araw na pagpiling tumulong. Saludo kami sa inyong serbisyo, malasakit at pusong laging handang magsilbi. ❤️


DAILY AFFIRMATION FOR ANGELS IN RED VESTSHindi naman natin kayang ayusin lahat. May mga problema talagang kahit anong ga...
25/08/2026

DAILY AFFIRMATION FOR ANGELS IN RED VESTS

Hindi naman natin kayang ayusin lahat. May mga problema talagang kahit anong gawin natin, hindi agad mawawala. Pero hindi ibig sabihin na wala na tayong magagawa. Minsan, sapat nang piliin nating tumulong kung saan natin kaya, makinig sa taong nangangailangan, o gumawa ng isang maliit na bagay para gumaan kahit kaunti ang bigat na dala ng iba.

Hindi natin kailangang maging bayani sa bawat sitwasyon. Ang mahalaga, hindi tayo nananatiling nakatingin lang. Dahil kahit hindi natin kayang solusyunan ang lahat, may halaga ang bawat pagkakataong pinipili nating maging bahagi ng solusyon. At baka sa simpleng pagtulong natin, mas malaki pala ang naging epekto kaysa sa inaakala natin.

LOWKEY LANGCH, PERO DA is MA! Yohoo Angels In Red Vests!✨Being an Angel in Red Vest is more than just showing up. It’s c...
20/08/2026

LOWKEY LANGCH, PERO DA is MA!

Yohoo Angels In Red Vests!✨

Being an Angel in Red Vest is more than just showing up. It’s choosing to care, even in the little ways.


❤️

❤️ Isang Proud Angel in Red Vest si Jonaliza Batugal mula sa DSWD FO-CAR!Isang Proud Angel in Red Vest si Jonaliza Batug...
18/08/2026

❤️ Isang Proud Angel in Red Vest si Jonaliza Batugal mula sa DSWD FO-CAR!

Isang Proud Angel in Red Vest si Jonaliza Batugal, SLP-SWAD staff ng DSWD Field Office (FO) Cordillera Administrative Region (CAR), na para sa kanya, higit pa sa trabaho ang pagiging bahagi ng DSWD.

Sa bawat pagsusuot ng pulang vest, dala niya ang pagkakataong makinig, umunawa at tumulong sa mga Pilipinong nangangailangan. Mula sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad hanggang sa pagsuporta sa mga pamilyang nagsusumikap para sa mas maayos na buhay, para sa kanya bawat gawain ay may ambag sa mas makabuluhang serbisyo.

Dahil bilang isang Angel in Red Vest, hindi man pare-pareho ang tungkulin, pare-pareho naman ang hangarin: ang maglingkod nang may puso at malasakit.


❤️

07/08/2026

DSWD Trivia Star of the Day!

Para sa huling bahagi ng ating trivia challenge, mas naging matindi ang mga tanong na hinarap ng ating challengers.

Sa bawat sagot at bawat round, napatunayan ng ating mga challengers na hindi lang talino kundi tiyaga, tapang, at pagiging game ang susi para maging tunay na Trivia Star of the Day. Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nakisaya, hanggang sa susunod na trivia challenge!

❤️

Address

DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Batasan Road
Quezon City
1126

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Angels in Red Vests posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share