Commonwealth Medic Rescue213

Commonwealth Medic Rescue213 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Commonwealth Medic Rescue213, Public & Government Service, 1 katuparan Street, Quezon City.

08/09/2021

Ang sakit sa puso! 🥺

Kahapon, nagpunta akong PJG Hospital dito sa Cabanatuan para ayusin ang Death Certificate ng pamangkin ko. Ipit sa dalawang braso ko ang payong at mga forms na dala-dala ko. Magkahawak 'yung dalawang kamay ko - akala mong nasisikipan ako sa paligid, ayaw dumikit ang kamay o braso man lang sa kahit anong bahagi ng pasilyo.

Aminin ko, nakahanda na ako sa makikita ko.

Pero, iba. Ibang-iba.

Pagpasok ko, bumungad sa akin ang tatlong nakabukas na ambulansya at dalawang L300. May mga nurse sa loob at bukas ang mga oxygen tanks.

Sa kaliwa ay ang triage. Puno ng pasyente.
Mayroong babaeng umiiyak tangan ang mukha nung nakahiga. Inaanigan ko, halatang punuan dahil andaming nakaupo sa wheelchairs.

Sa contact tracing section, may buntis na nagfifill-up ng form. Kumikirot na raw 'yung tiyan niya, kaso ang sabi sa naunang hospital na pinanggalingan nila - positive sya. Dagdag nung asawa niya, alas otso pa raw sila ng umaga naghihintay.

Pagpasok ko sa loob, andaming mga tao ang nakasuksok sa bawat gilid-gilid. Mga nagpupunas ng luha. Malalayo ang tingin. Malulungkot ang mukha.

Pagdating ko sa records section,
May isang matanda na kumukuhang death Certificate ng anak niya, medyo nag-aaway na sila noong in-charge dahil "raw" magkaiba sila ng sinasabing detalye.

Paglabas ko..

May sumasalubong na patay sa akin. Takip ang mukha ng itim na tela. Nakakakilabot na eksena.

'Yung babae kaninang may tangan na mukha, malayo na sa triage area. Humahagulgol. Sinilip ko 'yung lugar kung saan ko siya unang nakita - wala na'y pasyente niya.

At ang malala,

Natanaw ko ang dami ng itim na bag.
Alam kong mga bangkay ng mga pasyente ang mga 'yon. Nakasalansan sa gilid, naghihintay ng kukuha.
--
Pagod na ang lahat.

Ang tao.
Ang janitor.
Ang guard.
Ang Nurse.
Ang doktor.
Ang office personel.
Ang driver ng ambulansya.
Ang ospital.
Ang damdamin.
Ang puso.

Nakakatakot. Nakakaawa. Nakakahabag.

Sana gumaling na ang mundo.

Photo and story by: Nathaniel Isaac Sevilla Jose (Facebook)

20/05/2021
AFTER CONTACT TRACE AND TRANSPORT OF PATIENT CLEANING AND DISINFECTION  OF BRGY ISOLATION FACILITY   DeltaCharlie4MedicD...
30/04/2021

AFTER CONTACT TRACE AND TRANSPORT OF PATIENT
CLEANING AND DISINFECTION OF BRGY ISOLATION FACILITY



DeltaCharlie4
MedicDelta2
MedicDelta5
MedicDelta6
MedicDeltaMITZ

patient transport location Novaliches District Hospital for admission to Hope Facility
18/04/2021

patient transport location Novaliches District Hospital for admission to Hope Facility

Address

1 Katuparan Street
Quezon City
1121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Commonwealth Medic Rescue213 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share