24/12/2022
S’ya si Jess Aquino.
Isa sa napakasipag na volunteer ng QRT.
Sa kabila ng araw-araw na hirap ng operasyon, di mo mariringan ng reklamo. Masipag, matyaga, wala kang masabi.
Happy birthday nya po bukas (Dec. 25)
Ang nakakatuwa pa. Ang lahat ng regalo na binigay ng QRT sa kanya, dinala nya sa matandang ito sa Payatas. Lumpo ang matanda dahil sa isang aksidente ilang taon na ang nakakalipas.
Sabi pa ni Jess, okay lang na walang handa sa Pasko at kaarawan nya, ang importante, nakapag pasaya sya ng kapwa nya taga Payatas. Kahit papaano, sabi pa nya, hindj na kailangang mamalimos sa kalye ang matanda ngayong pasko. May pang handa na sya.
Salamat sa serbisyo mo Jess.
Wala pa mang maipangako ang QRT sayo, basta wag ka lang magbabago.
Hiling namin ang tagumpay mo sa buhay.
Happy birthday JESS AQUINO.
May dahilan kung bakit JESUS ang totoo mong pangalan.