18/08/2026
Isang taos-pusong pagsaludo at pasasalamat sa ating mga Almighty Fire And Rescue Volunteer , Barangay Tatalon Responders, at lahat ng katuwang ng ating pamahalaang barangay na walang pagod na kumilos sa panahon ng malakas na ulan at pagbaha.
Mula sa pagre-rescue na mga na stranded nating mga kabarangay, pag-aasikaso sa mga evacuees, hanggang sa pagpapa-flushing ng mga daanan, pagtanggal ng mga bara sa ating mga drainage at kanal, ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng malasakit, serbisyo at bayanihan.
Sa ilalim ng direktiba ng ating Punong Barangay KAP KIKO DEL MUNDO naging organisado at matagumpay ang ating pagtugon sa kabila ng hamon ng panahon. Ang bawat isa ay nagbigay ng oras, lakas at sakripisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay.
Walang unos o kalamidad na magiging mabigat basta't tayo ay nagkakaisa, nagtutulungan at sama-samang kumikilos. ๐คโค๏ธ
Nawa'y magsilbi ring aral sa ating lahat ang nangyariโang kalinisan ng ating kapaligiran ay responsibilidad ng bawat isa. Panatilihin nating malinis ang ating mga kalsada, kanal at drainage. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan upang maiwasan ang pagbabara na maaaring magpalala ng pagbaha lalo na sa panahon ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Patuloy tayong magbayanihan, magmalasakit at maging handa sa anumang hamon.
Muli, maraming salamat sa lahat ng volunteers, responders at kabarangay na naging bahagi ng matagumpay na pagtugon. Saludo kami sa inyong lahat!
Bayanihan. Kahandaan. Serbisyo. Kaligtasan! ๐ต๐ญ๐ช๐โค๏ธ