02/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Mga ka-Distrito!
Hindi nagpatinag sa bangis ng Brgy. Batasan Hills ang mga koponan ng Brgy. Payatas matapos manaig ang Payatas Area A sa Batasan Hills A sa score na 94-85 sa Game 1 habang umarangkada naman sa 113-102 ang score sa pagitan ng Payatas Area B-LP at Batasan Hills B sa Game 2.
Parehong itinanghal na Player of the Game ang mga import ng mga koponan ng Brgy. Payatas na sina Henry Iloka ng Payatas Area A na mayroong 23 Pts, 18 Rebs, 1 Ast, 2 Stl, at 1 Blk, habang nagtala naman ng 30 Pts, 16 Rebs, 5 Ast, 2 Stl, at 3 Blk, si Precious Momowei ng Payatas Area B-LP.
Tuloy-tuloy lamang po ang ating Responsable at Tapat na paglilingkod at suporta sa kakayahan at husay ng ating mga manlalaro tungo sa mas masiglang Distrito Dos!
Kitakits sa susunod na laro, mga ka-Distrito!