01/08/2026
Pakiusap lang po sa mga may-ari ng mga sasakyang naka parada sa may Sagada Court po, makikisuyo lang po na mailipat ng 2pm. Maraming salamat po!
π’ PAUNAWA SA MGA RESIDENTE NA MAY SASAKYAN SA AIB SAGADA STREET π
Magandang araw po!
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 54th Parish Fiesta sa Karangalan ni Amang Sto. Domingo de Guzman, ang Sangguniang Barangay Sto. Domingo ay magsasagawa ng mga sumusunod na programa:
π 4x4 Mosquito Basketball One-Day League
π
Agosto 1, 2026 (Sabado)
π Palarong Pinoy para sa Kabataan
π
Agosto 2, 2026 (Linggo)
π Lugar: Harap ng Senior Citizens Building At AIB Sagada Court Area
β°οΈ Oras: 3:00 PM - 10:00 PM
Kaugnay nito, magalang po naming ipinababatid sa lahat ng mga residente at may-ari ng sasakyan at motorsiklo na iwasan muna ang pagpaparada sa paligid ng lugar ng pagdarausan ng mga aktibidad sa mga nabanggit na petsa upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng programa.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa sa pamamagitan ng paghahanap ng alternatibong paradahan sa mga araw na ito.
Ang inyong kooperasyon ay malaking tulong upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang pagdiriwang ng ating kapistahan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.
Sangguniang Barangay Sto. Domingo
Para sa maayos, ligtas, at masayang pagdiriwang ng ating Kapistahan! πππ΅π