07/10/2026
Dumalo tayo sa pagpupulong ng Committee on Bicol Economic Development, kung saan mahalaga ang ating mga regular na talakayan upang masubaybayan ang mga programa, polisiya, at usaping may direktang epekto sa pag-unlad ng ating rehiyon.
Sa araw na ito, tinalakay ang mga updates mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), dalawang ahensyang mahalaga ang papel sa pagpapaunlad ng mga lupain, kabuhayan, at mga proyekto sa ating mga lalawigan at distrito.
Kabilang sa mga tinalakay ang paggamit at pamamahala ng ating mga lupain. Ating personal na itinanong at nilinaw ang umiiral na polisiya sa conversion ng irrigated lands na pag-aari ng mga Local Government Units (LGUs), partikular kung paano mapapabilis ang proseso upang magamit ang mga lupang ito para sa kapakanan at pangangailangan ng ating mga kababayan sa distrito.
Patuloy nating dadalhin sa Kongreso ang mga concerns ng distrito upang matalakay at maisulong ang mga hakbang na makatutulong sa ating mga komunidad.