100 Base Command Center

100 Base Command Center Barangay Holy Spirit

Maraming salamat po Vice Mayor Gian Sotto sa pagbisita sa aming Command Center Office. Patuloy po naming isinusulong ang...
11/11/2025

Maraming salamat po Vice Mayor Gian Sotto sa pagbisita sa aming Command Center Office. Patuloy po naming isinusulong ang maagap na komunikasyon at koordinasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng buong barangay. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng aming paglilingkod.

Mas Ligtas, Mas Mabilis, Mas Maasahan!Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong upang lalo pang mapalakas ang seguridad...
02/09/2025

Mas Ligtas, Mas Mabilis, Mas Maasahan!

Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong upang lalo pang mapalakas ang seguridad ng ating barangay sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Mas pinahusay na paggamit ng surveillance cameras upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng buong barangay.

2. Pagsasagawa ng agarang paalala at pagsaway sa pamamagitan ng public address system para sa mas disiplinadong komunidad.

3. Mabilis at maagap na pagtugon sa lahat ng tawag at sumbong na natatanggap sa hotline.

Kasama sa pagpupulong ang ating butihing Punong Barangay Estrella “Star” Valmocina, Station Commander PLTCOL. Jefry Gamboa, at Former DILG Usec. Chito Valmocina kasama ang Command Center Team upang lalo pang paigtingin ang seguridad ng Barangay Holy Spirit.

Sama-sama nating itaguyod ang kapayapaan at kaayusan para sa mas ligtas na Barangay Holy Spirit!

Ngayong buwan ng Setyembre, matagumpay na isinagawa ang unang pagpupulong ng Command Center Team kasama ang ating Punong...
01/09/2025

Ngayong buwan ng Setyembre, matagumpay na isinagawa ang unang pagpupulong ng Command Center Team kasama ang ating Punong Barangay Estrella “Star” Valmocina ng Holy Spirit. Layunin ng pulong na ito na higit pang mapalakas ang komunikasyon, mapaigting ang aksyon, at mapalawig ang mga programang makikinabang ang buong komunidad.

Sa pamamagitan ng mas pinatibay na koordinasyon, masisiguro na ang mga serbisyong hatid ng barangay ay mas mabilis, mas malinaw, at mas epektibong maipararating sa bawat residente.




09/08/2024

"Bayanihan Ng Barangay"

Barangay Holy Spirit Rescue Team with Punong Barangay Star Valmocina and DILG Usec. Chito Valmocina.

11/04/2024

Coordination, Communication, Cooperation, and Commitment.







Mahalagang Anunsiyo:Sa susunod na linggo, Lunes hanggang Miyerkules (January 23-25, 2023) mula 8:00AM hanggang 5:00PM, a...
16/01/2023

Mahalagang Anunsiyo:

Sa susunod na linggo, Lunes hanggang Miyerkules (January 23-25, 2023) mula 8:00AM hanggang 5:00PM, ay babalik ang LTO e-patrol sa ating barangay, narito ang kanilang mga serbisyo:
-TDC seminar with certificate
-Driver's License Renewal
-Medical Certificate
-Student Permit
-Motor Vehicle registration

PAALALA: May cut-off po ng 1:00PM, siguraduhing kumpleto ang mga dokumento para sa mas madali na pag proseso.

Para sa mga requirements ng inyong transakyon na gagawin, pindutin lamang ang link https://lto.gov.ph/

Tingnan: Pagsasaayos ng 100 Base Command Center sa mga CCTV ng Barangay Holy Spirit.Bilang sentro ng komunikasyon sa ati...
14/01/2023

Tingnan: Pagsasaayos ng 100 Base Command Center sa mga CCTV ng Barangay Holy Spirit.

Bilang sentro ng komunikasyon sa ating Barangay, tungkulin din ng Command Center na masiguro ang pagpapanatili ng kapayapaan sa ating barangay kung saan malaki ang tulong na naibibigay ng mga CCTV. Kaya naman, patuloy ang pagpapaganda, pag-iingat, at pagdagdag ng ating mga CCTV sa tulong at suporta ng ating Kapitana at mga Kagawad, katuwang ang head at mga lider ng ating 100 Base.

Tapat ang 100 Base sa pagbibigay ng serbisyo sa lahat ng residente ng Barangay Holy Spirit.

Kung may katanungan o pangangailangan na may kinalaman sa ating Barangay:

100 Base - 09152244744
Alpha Base -09311294693
Bravo Base - 09338285268
Charlie Base - 09338285276

Mabilis na pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong sa ating barangay ang kailangan kaya naman ang ating barangay Comma...
19/07/2022

Mabilis na pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong sa ating barangay ang kailangan kaya naman ang ating barangay Command Center at BDRRMC ay nakipag-ugnayan sa QC Helpline 122.

Ang QC-122 ay ang kauna-unahang “three-digit emergency hotline” ng isang Lokal na Pamahalaan sa Metro Manila. Ang hotline ay naging posible sa pamamagitan ng Radio Communications Service sa ilalim ng Office of the City Mayor sa lungsod.

Upang magkaroon ng malinaw na komunikasyon at agarang aksyon. Pinagkalooban ang 100 Base at BDRRMC ng Radio Base kung saan direkta itong makakahingi ng tulong sa mga oras ng sakuna at pangangailangan.

July 16,2022 (Saturday)Naglabas ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ng thunderstorm advisory ...
19/07/2022

July 16,2022 (Saturday)

Naglabas ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ng thunderstorm advisory #3 kung saan sila ay nagbabala ng pabugso-bugsong malakas na ulan sa ating lungsod kasabay ng paalala sa posibleng baha sa ilang lugar dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Makalipas ang ilang oras ay agad nakatanggap ang ating mga kagawad at BPSO base ng report tungkol sa pagbaha sa ilang lugar at pag bagsak ng ilang puno sa loob ng ating Barangay. Agad umaksyon ang ating mga kagawad sa pangunguna ni kagawad Bunso Valmocina at kagawad Buboy Sabalilag katulong ang ating mga BSDO sa pamumuno ni TL Noel Abecendario, Engineering Department, Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee, Traffic Enforcers at ang Command Center ay nagtungo sa mga lugar na naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Hindi rin nagkulang ang ating Kapitana Ballesteros Lydia sa kanyang pagmomonitor sa kalagayan ng ating Barangay, inalam niya ang mga report sa tulong ng 100 Base Command Center at umaksyon ng naaayon sa pangangailangan ng mamamayan.

Makikita sa mga larawan ang aktwal na mga pangyayari kung saan lumubog ang ilang mabababa na lugar, agad rumesponde ang iba't-ibang departamento ng ating Barangay at inalam ang sitwasyon ng mga residente sa mga naapektuhang tirahan, ang bawat pamilya ay binigyan ng pagkakataon upang lumikas kung kinakailangan. Nagtulong-tulong din ang mga nasabing departamento sa pagmamando ng trapiko upang maiwasan ang posibleng paglala ng trapiko sa Barangay at nanguna din sa pagtanggal ng mga punong natumba upang mapigilan ang posibilidad ng mas matinding pinsala. Sinigurado ng ating mga kawani ng Barangay na maikutan ang lahat ng lugar sa ating Barangay upang protektahan ang buhay at pag-aari ng mga residente.

Hindi nagtapos ang responde sa gabing iyon sapagkat patuloy na binalikan at inalam kinabukasan ng ating engineering department ang mga lugar na naapektuhan kabilang na ang pagtabas sa mga bahagyang tumumbang mga puno upang hindi ito makapinsala sa hinaharap.

Ang Barangay Holy Spirit - BHSQC ay patuloy na nangangako at maninindigan na gagawin nito ang lahat ng makakaya upang pangalagaan ang kapakanan ng bawat isa. Mananatili itong matatag laban sa anumang sakuna na tatama sa ating Barangay bilang pinakamalapit na yunit ng gobyerno sa bawat indibidwal.

Isang pagbisita at panayam ng DWIZ 882 Radio Station patungkol sa sistema ng komunikasyon, at agarang aksyon na isinasag...
18/07/2022

Isang pagbisita at panayam ng DWIZ 882 Radio Station patungkol sa sistema ng komunikasyon, at agarang aksyon na isinasagawa ng ating barangay sa araw-araw. Upang agarang matugunan ang mga residenteng nangangailangan ng tulong. Kasama ang ating konsehala Estrella "Star" Valmocina.

Isang karangalan ang mabisita at mapuri ang barangay ng ating magigiting na opisyales ng LIGA NG MGA BARANGAY sa NCR. Ka...
15/07/2022

Isang karangalan ang mabisita at mapuri ang barangay ng ating magigiting na opisyales ng LIGA NG MGA BARANGAY sa NCR. Kasama ang ating DILG USEC, DILG ASEC, NBOO, at PACS.

Address

Quezon City
1127

Telephone

+639152244744

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 100 Base Command Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to 100 Base Command Center:

Share