07/11/2025
β οΈ Paghahanda sa TROPICAL CYCLONE "UWAN"
Ayon sa PAG-ASA, ang tropical cyclone Uwan ay maaaring maging isang ganap na SUPER TYPHOON sa loob ng 24 oras mula ngayon habang papalapit ito ng papalapit sa kalupaan ng Luzon.
4 TIPS NA DAPAT TANDAAN:
1. MANIGURADO β
οΈ
β’ Siguraduhing matibay ang mga bubong, pinto, bintana, o anumang parte ng bahay na maaring matangay ng hangin at maaaring makadisgrasya sa iba.
β’ Siguraduhing walang tulo o butas ang mga bubong at pader na dahilan upang pumasok ang tubig sa loob na magresulta sa pagkasira ng mga kagamitan
β’ Siguraduhing hindi barado ang mga daluyan ng tubig gaya ng alulod, drainage, kanal, at iba pa.
2. MAGING HANDA β
οΈ
β’ Maging handa sa power, water, at internet interruption.
β’ I-charge ang mga electronic devices at maghanda ng mga baterya, solar power reserves, o powerbank.
β’ Ihanda ang mga emergency kits and essentials gaya ng flashlight, radyo, first aid kits, mga gamot, atbp.
β’ I-save ang mga emergency hotline numbers sa inyong barangay o sa inyong siyudad.
β’ Alamin ang mga evacuation centers sa inyong lugar.
β’ Mag-stock ng sapat na pagkain at inumin na tatagal ng tatlong (3) araw o higit pa.
3. MAGING ALERTO β
οΈ
β’ Kung kayo ay nasa bahaing lugar, lumikas kaagad kung kinakailangan, huwag ng antayin dumating pa ang baha.
β’ Kung nasa mataas na lugar, manatili sa loob ng bahay hangga't maaari.
β’ Tanggalin ang mga nakasaksak na maaaring maging sanhi ng electric shock.
β’ Kung hindi maiiwasang lumabas, umiwas sa mga baha lalo't kung may sugat sa paa.
β’ I-monitor ang lagay ng panahon, baha, o landslide sa inyong lugar.
β’ Tumawag sa mga rescue hotline sa inyong barangay o sa inyong siyudad kung kayo o ang kapit-bahay niyo ay nasa panganib.
4. MAGING POSITIBO β
οΈ
β’ Huwag mataranta, maging kalmado.
β’ Sa paghupa ng bagyo, unahing i-check ang inyong mga pamilya at mga kasama sa bahay maging ang mga alagang hayop. Ipaalam sa mga kamag-anak o kaibigan ang inyong kalagayan at bigyan na sapat na atensyon ang lahat.
β’ Laging tatandaan: Sa anumang unos ng buhay, may bagong pag-asang uusbong. At sa paghupa nito, kasunod ay isang magandang bahaghari na sisilay sa kalangitan.
Isang paalala mula sa Pinagnayun Purok 15 Homeowners Association Incorporated