16/05/2024
PANAWAGAN:
Nanawagan ang Medical POC Medical Social Work Department na mahanap ang kamag-anak ni Tatay Vicente C. Fernandez, na taga Caloocan City. Siya po ay dinala ng taxi sa Philippine Orthopedic Center at walang kasamang kamag-anak. Ayon sa pasyente siya ay nakatira sa 52 Assistio St. Brgy 96, Caloocan City ngunit ayon po sa barangay ay hindi na si tatay nakatira doon.
Sa nakakakilala kay tatay, maari po kayo makipag ugnayan sa opisina ng POC Medical Social Work Department o tumawag sa telepone number 8711-4276 local 320 or 277. Maraming Salamat po.