08/04/2026
Mga kababayan, pasensya na dahil hindi ko kayang bigyan ang lahat pero batid ko at ng aking pamilya ang bigat na kinakaharap ng lahat ngayong panahon ng krisis lalo na ang ating mga TODA, kaya nagkaloob po tayo kasama ang aking pamilya ng kaunting tulong sa mga TODA members mula sa ibaโt-ibang mga Barangay sa ating bayan.
Hinihikayat ko po ang lahat na magtulungan, dahil malalagpasan po natin ang krisis na ito kung lahat tayo umaagapay sa bawat isa.
Kung may maitutulong po tayo, tumulong po tayo sa ating kapwa lalo na iyong mga sobrang nangangailangan nating mga kababayan.
Ipagdasal din po natin na matapos na ang kaguluhan at bumalik na sa mapayapang kalagayan ang mundo.
Pasensya na po kayo sa maliit nating nakayanan. God bless us all.