Barangay Balingasa

Barangay Balingasa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Balingasa, Public & Government Service, 101 Balingasa, Quezon City.

18/08/2026

πŸ“’ PAALALA SA LAHAT NG ATING MGA KABARANGAY!

Mangyari po lamang na HUWAG MUNA ILABAS ANG INYONG MGA BASURA ngayong araw, Agosto 18, 2026, partikular sa Tibagan at Sto. Cristo Area, dahil kasalukuyang puno ang garbage collection truck at hindi na muna makapagsasagawa ng karagdagang koleksyon.

Ang pansamantalang abala na ito ay ngayong araw lamang. Bukas, Agosto 19, ay maagang ipagpapatuloy ang pangongolekta ng basura sa nasabing mga lugar.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa upang mapanatili nating malinis at maayos ang ating kapaligiran.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan! πŸ™β™»οΈ

Send a message to learn more

ROAD CLOSURE ADVISORY 🚧 Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 75th Kapistahan ni San Roque, ipinababatid sa lahat ang pansaman...
13/08/2026

ROAD CLOSURE ADVISORY 🚧

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 75th Kapistahan ni San Roque, ipinababatid sa lahat ang pansamantalang pagsasara ng bahagi ng kalsada sa harapan ng San Roque Chapel hanggang sa Magsalin Compound sa mga sumusunod na petsa at oras:

πŸ“… AGOSTO 14, 2026 (BIYERNES)
πŸ•— 8:00 AM – 12:00 MIDNIGHT
πŸŽ‰ UGBO sa San Roque at Street Party

πŸ“… AGOSTO 15, 2026 (SABADO)
πŸ•• 6:00 PM – 12:00 MIDNIGHT
🎀 Karaoke Nights

πŸ“… AGOSTO 16, 2026 (LINGGO)
πŸ•— 8:00 AM – 8:00 PM
β›ͺ San Roque Fiesta

⚠️ PAALALA SA MGA MOTORISTA AT RESIDENTE:
Mangyaring gumamit ng alternatibong ruta at iwasan ang nasabing bahagi ng kalsada upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at kooperasyon sa matagumpay at ligtas na pagdiriwang ng 75th Kapistahan ni San Roque!

09/08/2026

πŸ“’ MAHALAGANG ANUNSYO

Ipinapaalam po na ang Senior Citizen Social Welfare Assistance Validation na nakatakda bukas (Agosto 10,206) sa Barangay Manresa ay ipinagpaliban muna.

Mangyaring hintayin ang panibagong schedule na aming ia-update at ipaaalam dito sa official page ng Barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 🀝

Manatiling ligtas at mag-ingat po tayong lahat! πŸ™

SOCIAL WELFARE ASSISTANCE FOR SENIOR CITIZENS VALIDATION✨ August 10, 2026 - 9:00 A.M.✨ Barangay Manresa Covered CourtMGA...
05/08/2026

SOCIAL WELFARE ASSISTANCE FOR SENIOR CITIZENS VALIDATION

✨ August 10, 2026 - 9:00 A.M.
✨ Barangay Manresa Covered Court

MGA KAILANGAN DALHIN:
✨ Physical QCID
✨ Photocopy QCID with 3 signatures
✨ Barangay Indigency - Purpose : Social Welfare Assistance

** Pwede ang kamag-anak ang magpunta sa nasabing validation basta dalhin lamang po ang lahat ng requirements.

Maraming Salamat po.

05/08/2026

MAHALAGANG ANUNSYO

Sa pagdiriwang ng Family Planning Month, inaanyayahan namin ang lahat ng kababaihan para sa LIBRENG serbisyo para sa inyong kalusugan.

βœ… Free Breast Examination
βœ… Cervical Cancer Screening (HPV DNA Testing) (Para sa mga kababaihang edad 30–65 taong gulang)
βœ… Family Planning Services

πŸ“… Petsa: August 18, 2026(Martes)
πŸ•— Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Lugar: Balingasa Health Center

Maraming Salamat po.

25/07/2026

πŸ“’ MAHALAGANG ANUNSYO | ADJUSTMENT SA SCHEDULE NG KOLEKSYON NG BASURA

Magandang araw, mga ka-Barangay!

Inaabisuhan ang lahat na WALANG KOLEKSYON NG BASURA sa Lunes.

πŸ“… Ang koleksyon ay inilipat bukas, Hulyo 26(Linggo).

Kaugnay nito, hinihiling po namin na huwag munang ilabas ang inyong basura sa Lunes upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

LOST & FOUNDMagandang gabi po.Kung sino po ang nag mamay-ari ng bag na ito na naiwan sa tricycle body  #46 ay sinurrende...
24/07/2026

LOST & FOUND

Magandang gabi po.
Kung sino po ang nag mamay-ari ng bag na ito na naiwan sa tricycle body #46 ay sinurrender ng ating Toda Driver sa ating BPSO Outpost.

P**i kuha na lamang po.
Maraming Salamat po

πŸ“’ PAKIUSAP SA PUBLIKO | PAGHAHANAP SA MGA KAANAK NI KUYA CEDI TARTIA MIKARTEHumihingi po ng tulong ang Barangay Balingas...
22/07/2026

πŸ“’ PAKIUSAP SA PUBLIKO | PAGHAHANAP SA MGA KAANAK NI KUYA CEDI TARTIA MIKARTE

Humihingi po ng tulong ang Barangay Balingasa upang mahanap ang pamilya o mga kaanak ni Cedi Tartia Mikarte.

Si Kuya Cedi, na pinaniniwalaang isang homeless individual, ay natagpuan malapit sa isang pawnshop sa Sto. Cristo St. matapos makatanggap ang barangay ng tawag mula sa 911. Agad naman po siyang pinuntahan at binigyan ng agarang atensyon at paunang lunas ng ating mga Barangay Health Workers (BHW) habang patuloy na sinisikap na matunton ang kanyang pamilya.

Dahil sa kanyang kondisyon, siya ay isinugod sa ospital upang mabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon. Sa kasamaang-palad, siya ay pumanaw noong Hulyo 21, 2026.

Kung siya ay inyong nakikilala o may impormasyon tungkol sa kanyang pamilya o mga kaanak, hinihiling po namin na ipagbigay-alam ito sa kanila at makipag-ugnayan sa Barangay Balingasa o sa Social Services Development Department (SSDD) ng Quezon City upang maasikaso ang kanyang labi.

πŸ™ Makikiusap po kami na ibahagi (share) ang post na ito upang mas mabilis nating mahanap ang kanyang mga mahal sa buhay.

Maraming salamat po.

20/07/2026

Social Pension Pay-out for Unclaimed
July 24, 2026
8am-3pm
QC Hall Risen Garden

Send a message to learn more

🦴 LIBRENG BONE SCANNING PARA SA ATING MGA KABARANGAY!Magandang balita!Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang Libreng...
16/07/2026

🦴 LIBRENG BONE SCANNING PARA SA ATING MGA KABARANGAY!

Magandang balita!

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang Libreng Bone Scanning na hatid ni Councilor Charm Ferrer, sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Balingasa at ng Pamunuan ng San Roque.

πŸ“… Petsa: Hulyo 17, 2026 (Biyernes)
πŸ•— Oras: 8:00 AM
πŸ“ Lugar: San Roque Chapel

Alamin ang kalagayan ng inyong mga buto at magkaroon ng mas maagang gabay para sa mas malusog na pamumuhay.

Libre ang serbisyo at bukas para sa ating mga kabarangay!
Mayroon ring Libreng Charmporado para sa magpupunta! :)

Maraming Salamat po!πŸ₯°

Address

101 Balingasa
Quezon City
1115

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Balingasa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share