09/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐-๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐/๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at sektor ng transportasyon, nagsagawa ng courtesy meeting si LTFRB Region IV-B MIMAROPA Regional Director Enrico Moreno R. Bautista, MNSA kay Municipal Mayor Hon. Aaron James Madrona ng San Agustin, Romblon. Ginanap ang nasabing aktibidad noong ika-05 ng Hunyo 2026 sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Sa isinagawang courtesy meeting, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan at mga pangunahing usapin na kinahaharap ng pampublikong transportasyon sa bayan ng San Agustin. Napag-usapan din ang planong pagtatatag ng LTFRB Extension Office sa San Agustin, Romblon, na inaasahang magbibigay ng mas mabilis at mas accessible na serbisyo para sa mga operator, driver, at iba pang stakeholder sa buong lalawigan ng Romblon.
Kasunod nito, nagsagawa rin ang LTFRB ng Transport Coordination Meeting at Franchise Seminar na dinaluhan ng ibaโt ibang transport groups sa Romblon. Nakibahagi din sa nasabing pagpupulong sina Sangguniang Bayan Member Hon. Darius Gado, LTO San Agustin EO Chief Aiza C. Olivar, TRO II, at mga kinatawan ng LTFRB na sina Mr. Benedict John M. Garing at Mr. Alexander A. Foja na nagsilbing resource speakers. Layunin ng seminar na magbigay ng malinaw na kaalaman at gabay hinggil sa mga proseso, requirements, at umiiral na mga polisiya ng ahensya na may kaugnayan sa prangkisa upang matiyak ang wastong pagsunod sa mga regulasyon.
Naging mahalagang bahagi ng programa ang bukas na talakayan kung saan naipahayag ng mga kalahok ang kanilang mga katanungan, suhestiyon, at mga hamon na kinakaharap sa sektor ng transportasyon. Sa pamamagitan ng aktibong dayalogo, higit na napalalakas ang ugnayan sa pagitan ng ahensya at ng mga operator at stakeholder, tungo sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo publiko.
Patuloy na isinusulong ng LTFRB Region IV-B MIMAROPA ang transparency, maayos na implementasyon ng mga polisiya, at mas malawak na accessibility ng mga serbisyo ng ahensya. Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at mga transport stakeholder, nananatiling katuwang ang LTFRB sa pagsusulong ng ligtas, maayos, at episyenteng sistema ng pampublikong transportasyon para sa mga mamamayan ng Romblon at ng buong MIMAROPA.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, sa gabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Atty. Giovanni Lopez, patuloy na isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pangunguna ni Chairman Atty. Vigor D. Mendoza Il, para sa mas ligtas, maayos, at makataong pampublikong transportasyon.