UP Association of Political Science Majors

UP Association of Political Science Majors Be primus inter pares. Be APSM. UP APSM is a non-profit, non-sectarian, and non-partisan organization.

The University of the Philippines Association of Political Science Majors (UP APSM) is a duly recognized organization in the University of the Philippines, Diliman. It is composed of well—rounded political science students of the university as well as honorary members from other disciplines who share UP APSM’s principles and have contributed to the well-being of the organization. Since its incepti

on in 1983, UP APSM has stood by its purpose of promoting, encouraging, and supporting the objective study of Political Science. Apart from regular discussion groups among its members, UP APSM has been organizing forums and symposiums on relevant topics relating to the discipline and to salient national issues of the day. Recognizing the call to service inherent to being Iskolars ng Bayan, outreach programs are another staple in the organization’s activities. On top of this, UP APSM has been actively participating in various college and university activities.

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!PAX SILICA, TANGGIHAN! IMPERYALISMO, LABANAN!BUDGET CUT? HINDI PAPAYAG!Unang linggo ng pa...
12/08/2026

HUSTISYA PARA KAY ALYSSA ALANO!

PAX SILICA, TANGGIHAN! IMPERYALISMO, LABANAN!

BUDGET CUT? HINDI PAPAYAG!

Unang linggo ng pang-akademikong taong 2026-2027 subalit sakuna at kalamidad ang sumalubong sa mga Iskolar ng Bayan. Hindi man bago ang taunang pag-ulan sa komunidad ng UP, ngunit sa bawat taong lumilipas ay nararanasan natin ang paglala ng mga ito.

Habang patuloy ang pagbaha sa iba’t ibang mga lugar, paglubog ng mga kabahayan sa ating mga komunidad, at pagkawala ng kuryente sa ating mga dormitoryo, nananatiling walang ginagawa ang mga nasa tuktok. Ang mga karanasang ito ay hindi hiwalay sa danas ng buong sambayanang Pilipino.

Katumbas ng bawat patak ng ulan ang katiwalian na nangyayari sa loob ng ating gobyerno. Mula sa mga huwad na flood control projects, sa walang pananagutan ng hari at reyna ng korapsyon na sina Marcos Jr. at Sara Duterte, hanggang sa pandarambong ng imperyalistang US. Ang bawat buhay na nawawala ay hindi bunsod ng kawalan ng kahandaan ng mga Pilipino, kundi dahil sa kanilang kapabayaan.

Nakalipas na ang isang taon mula nang pumutok ang isyu ng korapsyon sa SONA ni Marcos Jr., ngunit wala pa ring napapanagot hanggang ngayon. Kung mayroon mang pag-unlad, ito ang pagdami ng mapanirang proyekto ng gobyerno sa ating kalikasan upang patabain lang lalo ang bulsa ng iilan.

Kung kaya't, bumagyo man o umaraw, may pasok man o wala, buhay ang diwang palaban ng mga Iskolar ng Bayan.

SINGILIN ANG REHIMENG US-MARCOS SA KAPABAYAAN, KALAMIDAD, AT PAGSIRA NG KALIKASAN!



  | Call for Donations and VolunteersIn light of  , the UP Association of Political Science Majors (UP APSM), together w...
10/08/2026

| Call for Donations and Volunteers

In light of , the UP Association of Political Science Majors (UP APSM), together with the UP Diliman University Student Council (UPD USC), are calling for donations for those affected in the Brgy. UP Campus area.

For UPD students, you may refer to your local college council for urgent needs, or access the sensing form for organized by the UPD USC: https://tinyurl.com/IskoOpsMaymayPHSensing

For urgent concerns and Volunteers, contact USC CSAW Councilor, Thirdy Tolentino:
📞 (0927) 285 9051
🔗 facebook.com/ekulolewl
🔗 https://tinyurl.com/IskoOpsVolunteersCoordGC

Transparency report for Donations may be accessed through this link:
🔗 https://tinyurl.com/MaymayIskoOpsDonations

📌 Emergency Hotlines:
• Brgy. UP Campus Hotline: 09957219867
• Quezon City: 122, 8988-4242 loc. 8038, 0947 885 9929, 0947 884 7498
• CMO Quick Response Team: 09777841234
• UP Diliman Police: 8928-3615

Hindi makikita sa entablado ng Batasang Pambansa o maririnig sa mabulaklak na talumpati ng nasa kapangyarihan ang tunay ...
01/08/2026

Hindi makikita sa entablado ng Batasang Pambansa o maririnig sa mabulaklak na talumpati ng nasa kapangyarihan ang tunay na estado ng bansa, kundi sa mga lansangan at sa araw-araw na hinaing ng ordinaryong mamamayan.

Para sa ika-limang pagkakataon, muling inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga inulat na nagawa, mga plano at mga pangako ng kanyang administrasyon sa kanyang State of the Nation Address. Tinalakay ang mga usaping ekonomiya, edukasyon, imprastraktura, enerhiya, kapayapaan at kaayusan, hanggang sa ugnayang panlabas—ipinangako ng Pangulo ang isang mas matatag at maunlad na Pilipinas. Subalit higit sa mga datos at pangako, nananatiling mahalagang usisain kung tunay nga bang sumasalamin ito sa pamumuhay ng masang Pilipino.

Bilang mga mamamayan, hindi sapat ang makinig; kailangan nating magtanong.
Para sa pamahalaan, hindi sapat ang mangako; kailangan nitong managot.

Sa huli, ano ang tunay na SONA ng ating bansa?



27/07/2026

| KONSENSYA NG BAYAN, ISULONG ANG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA HUSTISYA, KARAPATAN, AT PAMBANSANG SOBERANYA!

MARCOS SINGILIN, DUTERTE PANAGUTIN! JUNK PAX SILICA NOW!

Isang taon matapos ang huling State of the Nation Address, nananatiling hungkag ang mga ipinangako ng administrasyong Marcos Jr. sa taumbayan. Habang ipinangangalandakan ng estado ang pambansang pag-unlad, lalo namang lumulubog ang sambayanang Pilipino sa kahirapan, panunupil, at pagpapailalim sa dayuhang interes. Hindi mabubura ng isang mabulaklak na SONA ang mga pondong nilustay sa katiwalian, mga buhay na pinaslang ng berdugong militar, at mga komunidad na patuloy na isinasakripisyo alang-alang sa kapangyarihan at tubo.

Mahigpit na kinukondena ng CSSP Student Council, kasama ang mga lumagdang organisasyon ng kolehiyo, ang isa na namang taon ng burukrata-kapitalistang korapsyon, pyudal na pagsasamantala, at imperyalistang paghahari sa ilalim ng rehimeng US-Marcos-Duterte.

Sa nagdaang taon, naging sirko ang Senado sa bangayan ng mga paksyon ng Marcos at Duterte. Tagumpay mang umusad ang paglilitis kay Sara at ang pagpapakulong sa mga kriminal na sina Jinggoy at Marcoleta, nananatiling mailap ang batas para sa mga kaalyado ng administrasyon. Huwad ang ‘selective accountability’ ni Marcos Jr. upang mapagtakpan ang katotohanang siya mismo ang numero unong burukrata-kapitalista sa bayan. Sumambulat din ang bilyon-bilyong pisong flood-control scandal sa gitna ng mga pagbahang sumalanta sa iba’t ibang panig ng bansa. Habang inuna ng estado ang paghugas-kamay sa mukha ng mga panggap na independent investigations, nasadlak naman sa krisis ng langis at inflation ang mga batayang sektor ng lipunan.

Hindi hiwalay ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa krisis na ito. Bunsod ng kawalan ng sapat na pondo para sa edukasyon, hindi natutugunan ang matagal nang pasanin ng bulwagan sa espasyo, pasilidad, at units. Sa isang kolehiyong hinubog upang maging Konsensya ng Bayan, ang pagkakait ng badyet sa agham panlipunan ay hindi lamang pagsikil sa edukasyon, kundi pati na rin sa kapasidad ng pamantasan na magsuri, maglingkod, at manindigan kasama ng malawak na hanay ng masang Pilipino.

Kaakibat ng malawakang pandarambong ay ang tumitinding pasismo ng estado upang patahimikin ang mga pinipiling lumaban. Nitong Abril, minasaker ng militar sa Negros ang Toboso 19, kabilang ang lider-estudyante at kapwa Konsensya ng Bayan na si Alyssa Alano. Hanggang ngayon, ipinagkakait ang hustisya kina Alyssa, Mau, at sa lahat ng biktima ng militarisasyon habang nagpapatuloy ang pananakot at pandarahas sa mga pinaglingkuran nilang magsasaka at katutubo sa kanayunan. Sa halip na itaguyod ang International Humanitarian Law (IHL), pinili ng estado na bigyang-katwiran ang pamamaslang at dungisan ang alaala ng mga biktima sa pamamagitan ng troll-farming at propaganda.

Patuloy na nire-red-tag ang mga organisasyon, mga pahina sa social media, at maging ang mga estudyanteng nagsasagawa ng fieldwork sa kani-kanilang mga programa. Sa halip na kilalanin ang kritikal na pananaliksik at pakikipamuhay bilang bahagi ng paglilingkod sa kapwa, itinuturing itong banta upang busalan ang akademikong kalayaan at patahimikin ang mga kabataang handang ilantad ang kabulukan ng sistema.

Hindi na bago ang pamamasismo upang pagtakpan ang tunay na pinagsisilbihan ng pamahalaan. Higit pa sa pagtalima ng estado sa dikta ng mga ganid na korporasyon at haciendero, kinakaladkad ngayon ni Marcos Jr. ang Pilipinas sa lalong pagkatali sa imperyalismong US. Sa ilalim ng estratehiyang Pax Silica, pinaiigting ang kontrol ng Estados Unidos sa mahahalagang mineral at semiconductor supply chain ng bansa kalakip ng pagpapalawak ng dayuhang presensya sa pamamagitan ng Balikatan, EDCA, at iba pang kasunduang militar. Habang binabagtas ng estado ang gera at dayuhang agenda, isinasawalang-bahala naman nito ang pinsalang dulot ng A.I. hubs at data centers sa lupa at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Hindi tunay na soberanya ang pagpapagamit ng Pilipinas bilang lunsaran ng dayuhang tubo at digmaan sa ngalan ng huwad na industriyalisasyon at pambansang seguridad.

Bilang mga Konsensya ng Bayan, walang puwang sa ating makasaysayang bulwagan ang pananahimik habang ginagawang normal ng pamahalaan ang korapsyon, militarisasyon, at pagkatuta sa dayuhan. Bigkis-bigkis na sasalubungin ng malawak na hanay ng kabataan sa lansangan ang mapanlinlang na talumpating muling sasambitin ni Marcos Jr.

Hindi mabubura ng anumang State of the Nation Address ang tunay na kalagayan ng lipunan. Hangga’t nananatili ang sistematikong katiwalian, pasismo, at imperyalistang paghahari, magpapatuloy ang militanteng pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa tunay na demokrasya, pambansang soberanya, at panlipunang katarungan.




Signatories:
UP APSM
UP GeogSoc
UP LIKAS
SparkLINGG
POLIS Core Group
SALiGAN sa CSSP
UP PsychSoc
Anthropos Core Group
AngKas Core Group
UP KAPITAS
BUKLOD CSSP
Buklod-Isip
UP AnthroSoc
League of Filipino Students - CSSP
UP Praxis
UP POLSCi

🏅 Dangal, Husay, at Serbisyo ❤️‍🔥Congratulations to our stellar members who have recently graduated and officially donne...
07/07/2026

🏅 Dangal, Husay, at Serbisyo ❤️‍🔥

Congratulations to our stellar members who have recently graduated and officially donned their sablay! 🌻

We commend you for all your efforts of perseverance and the dedication you have put into your time here in UP. We proudly congratulate you for your success!

As you take a step forward in your journey, may you continue to thrive and lead the blaze of honor, excellence, and service! ❤️‍🔥




‘Masaya may bakla’‘Dapat may bakla’ Sa pagdiriwang ng Pride Month, kinikilala natin ang karapatan at paninindigan ng mga...
28/06/2026

‘Masaya may bakla’
‘Dapat may bakla’

Sa pagdiriwang ng Pride Month, kinikilala natin ang karapatan at paninindigan ng mga kasapi ng LGBTQIA+ community. Ang komunidad ay patuloy na humuhubog sa isang lipunang mas makulay, makatarungan, at inklusibo.

Ang Pride ay higit pa sa pagdiriwang ng pagkakaiba-iba sa kasarian, sekswal na oryentasyon, at pagpapahayag ng kasarian. Ito ay tanda ng patuloy na pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatang pantao. Isa itong protesta para isulong ang mga mithiin ng sangkabaklaan: ang proteksyon laban sa anumang uri ng diskriminasyon at agresyon at ligtas at pantay-pantay na pagtrato sa pribado at pampublikong espasyo.

Ang Pride ay isang protesta. Binabalikwas nito hindi lamang ang mga stereotype, pati na rin ang ideya na ang mga miyembro ng rainbow community ay hindi lamang para sa dekorasyon o simbolo ng katatawanan at pagiging iba. Sila rin ay haligi ng lipunan. Sila ay ang mga manggagawa, g**o, lider, artista, magsasaka, mangingisda, tsuper. Sila ay bahagi ng pamilya, komunidad, at mga institusyon. Sa bawat sulok ng lipunan, mayroong parte ng komunidad na, tulad ng lahat ng tao, ay karapat-dapat sa dignidad, paggalang, at pagkakapantay-pantay. Hindi espesyal na pagtrato ang hinihingi ng Pride kung hindi ang pagkilala sa isang payak na katotohanan – na kinakailangan ng lipunan ang patuloy na reporma upang matiyak na ang bawat tao, anuman ang kanilang pagkakakilanlan ay mabuhay at makapagmahal nang ligtas at malaya.

Ang panawagan ng LGBTQIA+ community ay parehas sa panawagan ng sambayanan. Wakasan ang land grabbing na mapaniil sa ating mga kababayan. Panagutin ang nasa likod ng red-tagging, pagpapakalat ng fake news, at mga online na pag-atake na naglalagay sa panganib ng mga mamamayan, lalo na ang mga aktibista, mamamahayag, at tagapagtanggol ng karapatang pantao. Buwagin ang mga sistema na nagiging sanhi ng korupsyon at iba pang isyung patuloy na pumipigil sa pag-unlad ng bawat Pilipino.

Ang laban ng bayan ay laban ng sangkabaklaan. Ang laban sa pagkakapantay-pantay ng LGBTQIA+ community ay bahagi ng mas malawak na laban para sa Pilipinas.

Walang tunay na kalayaan kung may mga taong patuloy na isinasantabi. Walang tunay na demokrasya kung may mga boses na pinatatahimik. At walang tunay na pag-unlad kung may mga sektor na ipinagkakait ang kanilang karapatan.

Isulong ang isang lipunang ligtas sa diskriminasyon, karahasan, at p**t. Tiyakin ang akses sa edukasyon, serbisyon pangkalusugan, nakabubuhay na trabaho, at serbisyong pampubliko nang walang sinuman ang naiiwan dahil sa kanilang pagkakakilanlan.

Sa ating pamahalaan, panahon na para isulong ang unibersal na pagkilala sa rainbow community. Ipasa na ang SOGIESC Bill na kikilala sa identidad ng bawat Pilipino upang matiyak na walang Pilipino ang makararanas ng diskriminasyon batay sa kanilang SOGIESC.

Sa ating mga institusyong pang-edukasyon, pang-kalusugan, at iba pang institusyon, nawa’y gamitin ninyo ang inyong kapangyarihan upang hubugin ang isipan at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng komunidad.

At, sa bawat Pilipino, huwag na tayong magpakulong sa pananaw na nagtatakda kung sino lamang ang karapat-dapat ng pagkilala. Panahon na para buksan natin ang isipan at puso dahil ang karapatang pantao ay hindi dapat ipinagkakait sa kaninuman.

Ang Pride ay hindi lamang laban ng iilan. Ito ay panawagan para sa isang lipunang tunay na makatarungan, mapagkalinga, at pantay.





14/05/2026

Kaisa ang mga lider-estudyante at partido-politikal ng KAPP, inaanyayahan kayo sa AS Lobby ngayong araw at bukas, mula 4:00 PM hanggang 6:30 PM, para sa paglulunsad ng 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗧𝗵𝗲 𝗖𝗦𝗦𝗣 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗥𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁𝘀.

Hindi natatapos ang halalan sa mismong pagboto. 🗳️ Ito ay isang makabuluhang proseso na naghuhubog ng isang konsehong mapanagot at tapat sa pamantasan.

Tara na’t makibaka, makibahagi, at makiboto para sa pagbabagong nagsisimula sa bawat elektorado!

🧷𝗠𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗻𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗱𝗶𝗱𝗮𝘁𝗼? Ipadala ito gamit ang link sa ibaba: https://tinyurl.com/PSBG26OnlineOpenForum

In partnership with:
SINAG
CSSP Student Council

Co-presented by:
UP Association of Political Science Majors
UP Kabataang Pilosopo Tasyo
UP Geomajie Core Group
UP AngKas Core Group
UP SparkLingg Core Group
UP Samahang Linggwistika

In cooperation with:
Miguela's



Dalubbanwahan 2026 is officially done, but the conversations it sparked continue to resonate beyond the space we shared....
14/05/2026

Dalubbanwahan 2026 is officially done, but the conversations it sparked continue to resonate beyond the space we shared. This year’s event centered on “The Philippine Learning Crisis: How Weak Foundational Literacy Undermines Democratic Governance”.

UP APSM would like to express our gratitude to our esteemed speakers, Mr. Juniesy Martinez Estanislao, MA, LPT, Atty. Noel M. Baga, and Ms. Jornie D. Lumintao, MA, for lending their time, voices, and expertise to a conversation that matters. Your lectures and insights have enriched the dialogue and challenges us to critically think about the issues at hand.

We would also like to thank the DepEd Regional Offices for their support, as well as to each and every participant who listened and participated in the discussions. Your presence made this event meaningful and impactful.

May we carry these conversations forward, and may we continue to advocate for stronger foundations in education.

UP APSM wishes to see you at the next Dalubbanwahan!


05/05/2026

Thank you so much for this wonderful event, alam mo naman na sobrang favorite ko ‘to alam mo ‘yan. Tapos binigay mo pa ngayon… Oh my gosh ka talaga like is this tagalog Lord. 💋’Yan ka sa’kin. Thank you Lord! So ITADAKIMA ES KALEH!

Punta na sa UP ika-6 na Hestia Bazaar ng UP APSM sa Dap-Ayan hanggang 5PM ngayong araw!

🗓️May 5-6, 2026
⏰ 8:00 AM to 5:00 PM
📍 AS Walk, Palma Hall

Ibibigay ang bahagi ng kikitain sa napiling benepisyaryo na Kilusan ng Manggagawang Kababaihan! 💃🏻🏵️




Araw ng Manggagawa 2026: Higit Pa sa Panandaliang Tulong, Hustisya ang KailanganHindi lingid sa atin ang paulit-ulit na ...
01/05/2026

Araw ng Manggagawa 2026: Higit Pa sa Panandaliang Tulong, Hustisya ang Kailangan

Hindi lingid sa atin ang paulit-ulit na siklo: sa tuwing may krisis, may agarang ayuda. Sa tuwing tumataas ang presyo ng langis at bilihin, may pansamantalang subsidiya. Ngunit matapos ang ingay, nananatili ang parehong tanong—nagbago ba ang kalagayan ng manggagawa?

Sa kasalukuyan, patuloy na sumisikip ang espasyo para sa disenteng pamumuhay. Ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng domino effect sa pamasahe at presyo ng mga batayang bilihin, habang nananatiling hindi sapat ang sahod ng manggagawa. Sa ganitong kalagayan, ang mga panandaliang subsidiya tulad ng ₱5,000 ayuda para sa mga tsuper ay nagsisilbing pansamantalang lunas, ngunit hindi tugon sa ugat ng problema.

Higit pa rito, ipinapakita ng mismong proseso ng pamamahagi ang kakulangan ng sistematikong solusyon. Kamakailan, may mga manggagawang napipilitang pumila nang matagal para sa ayuda ngunit mayroong isang insidente kung saan isang motorista ang nasawi habang naghihintay ng tulong. Samantala, marami pa ring tsuper ang hindi nakasama sa listahan ng mga benepisyaryo. Sa ganitong sistema, ang ayuda ay hindi lamang kulang sapagkat ito rin ay hindi pantay at hindi sapat.

Kasabay nito, may mga manggagawa sa kanayunan, lalo na sa mga komunidad sa Negros, na nahaharap sa matinding kawalang-seguridad sa kabuhayan. Sa gitna ng patuloy na presensya ng militar at mga operasyong pangseguridad sa ilang lugar, naiulat ang dislokasyon ng mga manggagawang bukid at ang pagkaantala ng kanilang hanapbuhay. Sa halip na matiyak ang kanilang proteksyon at kapakanan, marami ang patuloy na naiiwan sa mas lalong bulnerableng kalagayan.

Hindi sapat ang mga panandaliang tugon kung ang mismong istruktura ay nananatiling hindi makatarungan. Ang subsidiya ay hindi kapalit ng nakabubuhay na sahod. Ang ayuda ay hindi kapalit ng seguridad sa trabaho. At ang katahimikan ay hindi kailanman naging sagot sa kawalan ng katarungan.

Ang tunay na pagkilala sa manggagawa ay nangangailangan ng higit pa sa pagresponde sa krisis. Ito ay nangangailangan ng pagbabagong estruktural: makatarungang pasahod, proteksyon sa karapatang mag-organisa, at isang ekonomiyang inuuna ang tao kaysa tubo.

Ngayong Araw ng Manggagawa, hindi lamang natin ginugunita ang kanilang ambag—hinahamon din natin ang umiiral na sistema.

Panahon nang lampasan ang panandaliang solusyon. Panahon na para sa tunay na pagbabago.





Mga Sanggunian:
Co, A. (2026, April 19). Motorcycle taxi rider dies in QC while waiting for fuel subsidy payout. ABS-CBN News. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/4/19/motorcycle-taxi-rider-dies-in-qc-while-waiting-for-fuel-subsidy-payout-1241

Presidential Communications Office. (2026, March 11). Gov't to start giving out ₱5,000 financial aid to members of the transport sector. https://pco.gov.ph/news_releases/govt-to-start-giving-out-p5000-financial-aid-to-members-of-transport-sector/

Department of Social Welfare and Development. (2026, March 23). List of PUV driver-beneficiaries for DSWD’s cash relief assistance to come from LTFRB. https://www.dswd.gov.ph/list-of-puv-driver-beneficiaries-for-dswds-cash-relief-assistance-to-come-from-ltfrb-dswd-spox/

Gutoman, D. (2026, April 24). Rights up: Negros massacre warrants probe on international humanitarian law violations. Bulatlat. https://www.bulatlat.com/2026/04/24/rights-up-negros-massacre-warrants-probe-on-intl-humanitarian-law-violations/

Asean Parliamentarians for Human Rights condemn Negros operation that killed 19. (2026, April 29). Philippine Daily Inquirer. https://globalnation.inquirer.net/320467/asean-parliamentarians-condemn-negros-operation-that-killed-19

Address

1/F, East Wing, Palma Hall, University Of The Philippines, Diliman
Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Association of Political Science Majors posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to UP Association of Political Science Majors:

Shortcuts

Share