Department of Social Welfare and Development - DSWD

Department of Social Welfare and Development - DSWD The official account of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) - Central Office

DSWD at DepEd, Tinutukoy ang Angkop na Interbensyon para sa mga Apektado ng Pamamaril sa BangaKasunod ng insidente ng pa...
19/09/2026

DSWD at DepEd, Tinutukoy ang Angkop na Interbensyon para sa mga Apektado ng Pamamaril sa Banga

Kasunod ng insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato nitong Biyernes (Setyembre 18), agad na nakipag-ugnayan ang DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN sa Department of Education (DepEd) FO-12 para matukoy ang kinakailangang psychological support at psychosocial interventions para sa mga apektado.

Sa pangunguna ni DSWD FO-12 Assistant Regional Director for Administration (ARDA) Norhata Benito sa pagpupulong ngayong Sabado (Setyembre 19), tinutukan ng mga ahensya ang pagtukoy sa kalagayan at pangangailangan ng mga mag-aaral, magulang at school personnel para matiyak na ang mga magiging interbensyon ay angkop sa kanilang sitwasyon.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang suporta para sa mga apektado, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga katuwang na ahensya para maibigay ang nararapat na suporta sa mga biktima at kanilang pamilya. (DIMA)

DISASTER RESPONSE UPDATE: Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang disaster response...
19/09/2026

DISASTER RESPONSE UPDATE: Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang disaster response sa mga komunidad na naapektuhan ng masamang panahon, patuloy ang DSWD sa paghatid ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan sa Pakil, Laguna.

Nitong Miyerkules (Setyembre 16), umabot sa 358 family food packs (FFPs) ang naipaabot ng DSWD Field Office (FO) 4A - CALABARZON sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa mga barangay ng Banilan, Burgos, Casa Real, Casinsin, Gonzales, Kabulusan, Matikiw at Taft.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga lokal na pamahalaan para mabilis na matukoy ang pangangailangan at maihatid ang suporta sa mga pamilyang apektado ng kalamidad. (DIMA)

β™₯️

19/09/2026

Alam naman natin na yung mental wellness and mental health is a very big issue ngayon, lalong-lalo na sa mga kabataan.

Kaya ni-launch natin ang 𝙏𝙖𝙧𝙖, 𝙐𝙨𝙖π™₯! π™‹π™§π™€π™œπ™§π™–π™’... isa itong Social Development Program ng DSWD kung saan ite-train ng ating mga in-house Social Workers at Psychologists ang mga volunteer Students na magprovide ng safe space para sa mga kabataang nakakaranas ng mental distress o gusto lang ng kausap.

Naniniwala kami na mas magaan sa loob makipag-usap sa alam mong mas makakaintindi sa'yo, kaya kailangan yung Safe Space ay may Safe Face rin. πŸ™

❀️

DISASTER RESPONSE UPDATE: Sa tatlong bayan ng Pangasinan, muling umabot ang relief assistance ng DSWD sa mga pamilyang p...
19/09/2026

DISASTER RESPONSE UPDATE: Sa tatlong bayan ng Pangasinan, muling umabot ang relief assistance ng DSWD sa mga pamilyang patuloy na nakararanas ng epekto ng mahigit isang buwang pag-ulan at pagbaha dulot ng mga nagdaang bagyo at .

Nitong Huwebes (Setyembre 17), sa mabilis na pagkilos ng DSWD Field Office (FO) 1 - Ilocos Region, umabot sa 13,820 pamilya ang nakatanggap ng family food packs (FFPs) sa Bayambang, habang 1,208 FFPs ang naipamahagi sa Calasiao at 584 FFPs naman sa Infanta.

Lumipas man ng ilang linggo mula nang magsimula ang epekto ng sama ng panahon sa bansa, nagpapatuloy ang DSWD sa pag-abot sa mga komunidad na kailangan pa rin ng suporta habang unti-unting bumabangon mula rito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (AL)

❀️

DISASTER RESPONSE UPDATE: Higit 404 Indigenous families mula sa 28 purok ng Irisan, Baguio City ang tumanggap ng kahun-k...
19/09/2026

DISASTER RESPONSE UPDATE: Higit 404 Indigenous families mula sa 28 purok ng Irisan, Baguio City ang tumanggap ng kahun-kahong family food packs (FFPs) nitong Huwebes (Setyembre 17) matapos direktang maapektuhan ng mga nakalipas na bagyo at .

Magsisilbing dagdag sa kanilang araw-araw na pagkain ang bawat FFP habang patuloy na bumabangon ang mga pamilya mula sa epekto ng kalamidad.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na palakasin ang augmentation support sa mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad, sinisikap ng DSWD na maihatid ang relief assistance kahit sa mga liblib at malalayong lugar, lalo na sa ating mga Indigenous Peoples (IP) communities. (DIMA)

β™₯️

18/09/2026

Pananawagan sa Publiko, Media Practitioners, Vloggers at Content Creators
Setyembre 18, 2026

Nananawagan ang DSWD sa publiko, media practitioners, vloggers at content creators na huwag nang mag-post o mag-share ng mga larawan o video ng pangyayari sa Banga, South Cotabato.

Sama-sama nating pangalagaan ang kapakanan ng mga batang biktima at naulilang pamilyang nagdadalamhati. Manatiling may malasakit sa ating kapwa at irespeto ang kanilang privacy sa gitna ng kinakaharap na trahedya.

Maraming salamat sa inyong malasakit at pang-unawa.

Cash Assistance, Ipinaabot sa mga Biktima at Pamilya ng Pamamaril sa Banga, South CotabatoNamahagi ang DSWD Field Office...
18/09/2026

Cash Assistance, Ipinaabot sa mga Biktima at Pamilya ng Pamamaril sa Banga, South Cotabato

Namahagi ang DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN ng cash assistance sa mga biktima ng pamamaril na kasalukuyang nasa ospital. Kasabay nito, nagbigay rin ang mga trained social workers ng Psychological First Aid (PFA) para matulungan silang harapin ang epekto ng insidente sa pangunguna ni DSWD FO-12 Regional Director Loreto Cabaya Jr.

Sa updated na ulat kaninang 5PM, tatlo (3) na mag-aaral ang kumpirmadong nasawi at patuloy pang kinukumpirma ang bilang ng mga sugatan.

Sa gitna ng takot at pangamba, patuloy na nakaagapay ang mga social worker sa mga biktima, hindi lamang sa pagbibigay ng tulong, kundi maging sa pakikinig at pag-unawa sa kanilang kalagayan. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na tutukuyin ng DSWD ang iba pa nilang pangangailangan para maibigay ang angkop na suporta at serbisyo.

Patuloy na Pag-agapay sa mga Pamilyang Apektado ng Pamamaril sa South CotabatoMananatiling nakaagapay ang DSWD para sa m...
18/09/2026

Patuloy na Pag-agapay sa mga Pamilyang Apektado ng Pamamaril sa South Cotabato

Mananatiling nakaagapay ang DSWD para sa mga biktima at pamilyang nangangailangan ng suporta matapos ang insidente ng pamamaril sa Banga, South Cotabato ngayong Biyernes (Setyembre 18).

Tuluy-tuloy ang pag-aasikaso ng ating mga Angels in Red Vests sa mga sugatang mag-aaral at kanilang pamilya, kabilang ang pagbibigay ng psychological first aid, psychosocial support at assessment para sa iba pa nilang kinakailangang serbisyo at interbensyon.

Lubos din ang pakikiramay ng buong Kagawaran sa mga pamilyang naulila at sila ay bibigyan ng burial assistance. Patuloy ang koordinasyon ng DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN sa kinauukulang lokal na pamahalaan at iba pang government agencies para matugunan ang mga kinakailangang suporta ng mga biktima ng pamamaril.

PAALALA: Hinihikayat ang publiko na maging maingat at responsable sa pagbabahagi at pagkokomento tungkol sa insidente.

BREAKING: Isang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato ang naiulat ngayong Biyernes (Setyembr...
18/09/2026

BREAKING: Isang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato ang naiulat ngayong Biyernes (Setyembre 18).

Agad na nagtungo ang mga social workers ng DSWD Field Office (FO) 12 - SOCCSKSARGEN sa ospital kung saan dinala ang mga sugatang mag-aaral para sila ay mabigyan ng psychological first aid, psychosocial support at ma-assess ang iba pa nilang mga kinakailangang interbensyon.

Sa updated na ulat ngayong 5PM, tatlo (3) na mag-aaral ang kumpirmadong nasawi at patuloy pang kinukumpirma ang bilang ng mga sugatan. Magpapatuloy ang koordinasyon ng DSWD sa LGU ng Banga at paaralan para sa kaukulang suporta sa mga bata at pamilyang biktima ng insidente.

Nasa lugar na rin ng pangyayari si DSWD FO 12 - SOCCSKSARGEN Regional Director Loreto Cabaya Jr. kasama si Governor Reynaldo Sucayan Tamayo Jr. para sa patuloy na koordinasyon sa nangyaring insidente.

PAALALA: Hinihikayat ang publiko na maging maingat at responsable sa pagbabahagi at pagkokomento tungkol sa insidente.

Gulay Mula sa Bukid, Kita at Pagkain Para sa Pamilya! 🌱May ani, may pagkain, may dagdag kita! Sa Barangay Gemumua-Agahon...
16/08/2026

Gulay Mula sa Bukid, Kita at Pagkain Para sa Pamilya! 🌱

May ani, may pagkain, may dagdag kita! Sa Barangay Gemumua-Agahon, Passi City, Iloilo, aktibong pinangangalagaan ng 33 partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI ang kanilang vegetable gardens at Small Farm Reservoir, na ngayon ay nagbibigay na ng ani tulad ng upo, papaya, spring onions at iba pang gulay.

Mas naging espesyal ang pagbisita ng DSWD Field Office (FO) 6 - Western Visayas nang mismong ating Angels in Red Vests ang tumangkilik at bumili ng ani ng komunidad. Kasabay nito, nag-turn over din ng vegetable seeds sa LGU ng Passi City para sa pagpapatuloy ng kanilang mga agricultural initiatives.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga hakbang na nagpapalakas sa food security, kabuhayan at kakayahan ng mga komunidad na makaangkop sa mga hamon ng klima.

❀️
🌱

https://www.facebook.com/share/p/14jisDAqycP/?mibextid=wwXIfr

Address

DSWD Central Office, Batasan Complex, Constitution Hills
Quezon City
1126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63289318101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Social Welfare and Development - DSWD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share