26/05/2026
MGA DAPAT TANDAAN NG TAGASUBAYBAY NG MB CUP SEASON 2βοΈπ’
Narito ang ilang PAALALA ng komite ng Mikey Belmonte Cup Season 2 sa tamang panunood ng FINALS GAME 3 sa Central Recreation and Fitness Center ngayong May 26!
π« MGA IPINAGBABAWAL SA LOOB NG VENUE
π 1. Mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo at pagva-vape sa loob ng venue.
π« 2. Ipinagbabawal ang pagdadala at paggamit ng ilegal na droga, armas, pagsusugal, at alak.
π 3. Iwasan ang labis na ingay o anumang kaguluhan na maaaring makaabala sa paligid.
πΊ 4. Hindi pinapayagan ang pag-inom ng alak maliban kung may kaukulang pahintulot mula sa organizers.
π₯ 5. Ipinagbabawal ang paggamit o pagdadala ng apoy at anumang delikadong materyales nang walang pahintulot.
π 6. Hindi pinapayagan ang pagkain sa loob ng venue.
π³ 7. Hindi pinapayagan ang mga alagang hayop, skateboard, roller blades, at bisikleta sa loob ng venue.
πΆ 8. Ang mga batang pitong (7) taong gulang pababa ay kinakailangang may kasamang magulang o guardian.
Ang hindi pagsunod sa itinakdang House Rules ay maaaring maging grounds sa hindi pagtanggap o pagpapalabas sa sports venue.
Sundin ang patakaran ng pamunuan para sa MAAYOS, LIGTAS, at MASAYANG PANUNOOD ng HULING BAKBAKAN ng MB CUP SEASON 2!