15/04/2016
Kami po ay sumusuporta kay MAYOR RODRIGO DUTERTE sa pagkapangulo at CLASE PARTYLIST para PARTYLIST.
Una,apektado ang ating mga libu-libong nagsipagaral ng BSMT at BSMARe na galing ang karamihan sa angkan ng mahirap. Ngunit hindi makapagtapos sapagkat walang barko silang masakyan para sa “one year na shipboard cadetship training.” Nasayang ang perang pinaghirapan ng mga magulang. Ang ating gobyerno na dapat tumulong ay ngayon pa lang pinagaaralan na obligahin ang mga domestic shipowners para tumanggap ng kadete. Kasama po ang Master and Mates Association of the Philippines, Inc. (MMAP) sa pagbalangkas nito sa pamamahala ni Atty Gloria Banas at Atty. Sonia Malaluan, subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa po kaming nasisimulan na pagpupulong.
Mahal daw ang pagbili ng training ship, ayon sa gobyerno. Ano ang ating pwedeng magawa para matulungan natin sila?
Pangalawa, sa ating mga maritime schools hindi sila makakuha ng mga magagaling na g**o dahil mas malaki ang suweldo na binibigay ng mga training centers. Apektado ang kalidad ng pagaaral ng mga kadete, dahil hindi sila makasunod sa kwalipikasyon ng isang instructor/assessor nahinihingi ng STCW 78’ convention as amended. Wala din pong programa ang gobyerno para sa mga g**o upang dagdagan ang kanilang teknikal na kaalaman at kasanayan sa pagtuturo. Dahil dito, ang MMAP po ay sumulat noong 18 December 2013 sa ANGKLA at sa CHED noong 19 February 2014, subalit wala kaming natanggap na kasagutan.
Ang mga simulators ng maritime schools, maritime training centers at maritime assessment centers na para sa pag-aaral at praktikal na pagsasanay/pagsusulit, karamihan ay kulang sa panuntunan ng SOLAS at sa STCW 78’ convention as amended. Tulad ng “physical/functional fidelity at behavioral realism.” Kailangan na pagtuunan ng prioridad ang bagay na ito.
Pangtatlo, ang sistema ng shipboard cadetship training program ay hindi nakaistraktura sa nakasaad sa Training Record Book (TRB) sa domestic trade at maging sa pang internasyunal. May mga Shipboard Training Officer (STO) na nagsasamantala para ayusin ang nilalaman ng TRB ng mga kadete sa napakalaking halaga upang punan ang mga kakulangan nito. Datapwa’t dahil sa ganito na sistema, mas malaking kawalan ang nararanasan ng mga kadete nakapos sa kaalaman. Kailangan natin na masusing suriin at isaayos ang sistemang Shipboard Training Requirements.
Pangapat, sa kasalukuyan ay may mahigit kumulang na pitumpo ang maritime schools na pinahintulutang mag offer ng programang BSMT at BSmarE na binigyan ng limitadong pagtanggap ng enrollees sang ayon sa patakarang tinawag ng CHED/MARINA na “carrying capacity”. Sa aking pananaw, ang memorandum order ng CHED na may sinasaad na 40 porsiyento sa unang taon, 70 porsiyento sa susunod na taon at 90 porsiyento sa mga susunod pang mga tao nang bilang ng mga kadete na dapat magkaroon ng shipboard training ay hindi tumutugma o naaayon sa isa pa nilang memorandum order na kung saan nakasaad na dapat ay maisakay nila sa barko ang lahat ng kanilang mga kadete. Wala ding malinaw nakaparusahan sa mga iskuwelahang hindi makakatupad nito. Hindi rin inilagay dito kung gaano kahaba ang paghihintay na panahon ng isangkadete para ihanap ng maritime school ng masasakyang barko para sa one year shipboard cadetship training mula ng matapos nya ang “academic requirements” (CAR). Kailangan na po ng malalim na pagaaral sa isyu na ito.
Panglima, ang sistema ng MARINA at CHED sa pagpapatupad ng mga edukasyon at napakaraming training ay hinango sa mga recommended IMO Model Courses 7.01, 7.02, 7.03 at 7.04, etc. Hindi natin kailangan maging parang bulag na susundin ang laman ng IMO Model Courses. Ang kailangan natin ay magtatag ng isang komite na kinabibilangan ng mga experts mula sa “academe at maritime professionals” upang masusing suriin ang isinasaad ng STCW Code 78 as amended sa Knowledge, Understanding at Proficiency (KUP)at makapagbigay ng rekomendasyon para sa review at revision ng kasalukuyang curriculum at syllabus. Kasama din dito ang rekomendasyon para sa angkop na“Method for Demonstrating Competence” na pwedeng maging basehan bago bigyan ang aplikanteng marino ng COC o COP.
Panganim, may area of competence sa Function 1: Navigation at the management level na kailangan baguhin ang umiiral na method for demonstrating competence dito sa ating bansa bago pagkalooban ng COC. May mga pagsang-ayon na tayo galing sa mga kilalalang “stakeholders” sa Amerika at Europa, at personal na pananaw ng taga IMO. Naparating na po natin ang isyu sa MARINA at naghihintay pa po tayo ng kanilang kasagutan.
Pangpito, sa ibang IMO member states ay kakaunti lang ang mga training courses ashore dahil kanilang kinikilala ang “approved in-service experience” bilang basehan para sa “method for demonstrating competence”, at kung tama, sila ay bibigyan ng praktikal na pagsusulit na ayon sa STCW Code at kung ang resulta ay “Competent” ay pagkakalooban na sila ng COC o COP. Kung “Not Yet Competent” ay saka lang sila kukuha ng training courses na angkop upang ihanda ang marino sa muling practical napagsusulit. Napakahalaga na ito ay pag-aralan.
Sa kasalukuyan ay may apat na Partylist na kumakandidato sa darating na eleksiyon. Ang ANGKLA (reeleksyunista), MARINO, AMOR – SEAMAN at CLASE na bawat isa ay may plataporma ng gobyerno para sa industriya maritima.
Ang MMAP po, sampu ng CLASE Partylist ay nag-aanya sa nabanggit na tatlong partylist na tayo ay magkaroon ng isang“exploratory dialogue”upang tayong apat ay makasig**o na nasa kongreso pagkatapos ng eleksyon sa Mayo 9, 2016. Sa dami ng mga dapat gawin sa industriya maritime na kung saan ang sistema sa pagpasa ng isang panukalang batas sa kongreso ay hindi sapat ang isang partylist. Mahalaga ang may apat na siguradong boto ang bawat panukalang batas na nais nating ipatupad.
Ang plataforma ng gobyerno ng CLASE Partylist ay pagtutuunan ang edukasyon at pagsasanay upang pataasin ang antas at kalidad ng ating mga paaralan, g**o at mga opisyal na marino. Ang Masters and Mates Association of the Philippines, Inc. (MMAP) ay kaisa po ninyo na susuporta sa inyong makatao, makatarungan at makadiyos na adhikain na maupo sa kongreso.
Unos sa DAGAT at BAGYO sa lupa ay kayang kaya kung tayo ay MAGKAKASAMA!
Maghihintay po ako ng kasagutan
Maraming salamat po.
MMAP kabalikat ng Marino
Capt. Edwin M. Itable, AFNI
President
MMAP