MakabagongHorseshoe - Brgy. Horseshoe

MakabagongHorseshoe - Brgy. Horseshoe MAKABAGONG HORSESHOE

29/08/2026

📢 PANAWAGAN: NAKAPULOT NG WALLET

Para po sa dalawang taong na nakapayong at nakitang nakapulot ng wallet sa harap ng Jollibee EDSA Arayat (Brgy. San Martin de Porres) ngayong Agosto 29, 2026, bandang alas-5:00 ng hapon.

📌 Mga laman ng wallet:
• PRC ID
• Philippine Coast Guard ID
• National ID
• 4 na cards
• Maliit na halaga ng cash

Nananawagan po kami sa sinumang nakapulot na kahit ang mga IDs na lamang po ay maibalik. Maaari po itong iabot sa guard ng Jollibee o sa mga MRT staff.

May nakalagay din pong contact number sa mga IDs, kaya maaari po kaming tawagan at kami na mismo ang kukuha kung sino man ang nakapulot.

Ang mga cards ay nai-report at na-block na, kaya hindi na rin po ito mapapakinabangan.

📞 Para sa anumang impormasyon, maaaring tumawag sa:
0909 919 1142 or sa kanilang facebook account

Ang insidenteng ito ay nangyari sa kalapit na barangay, kaya nakikiusap po kami sa ating mga kabarangay at sa lahat ng makakakita ng post na makatulong sa pagpapakalat nito.

🙏 Maraming salamat po sa inyong tulong at malasakit. Pagpalain nawa po kayo.

27/08/2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 50-100 mm bukas, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City sa Biyernes, August 28, 2026 para sa:

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

MISSING CATContact Us.
18/08/2026

MISSING CAT

Contact Us.

17/08/2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 50-200mm bukas, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City sa Martes, August 18, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

💚🩺 LIGTAS KIDNEY, IWAS DIALYSIS! 🩺💚Matagumpay na isinagawa ang Free Kidney Check-Up and Screening para sa ating mga kaba...
14/08/2026

💚🩺 LIGTAS KIDNEY, IWAS DIALYSIS! 🩺💚

Matagumpay na isinagawa ang Free Kidney Check-Up and Screening para sa ating mga kabarangay, sa tulong ng Quezon City Health Department.

Layunin ng programang ito na mapalaganap ang kahalagahan ng regular na pagsusuri at maagang pagtukoy ng mga posibleng problema sa bato.

Maraming salamat sa Quezon City Health Department sa kanilang suporta at serbisyo para sa kalusugan ng ating komunidad.

💚 Alagaan ang kidneys, magpa-check nang regular, at kumilos habang maaga!

Ligtas Kidney, Iwas Dialysis!

13/08/2026

Handang tumugon sa inyong pangangailangan, 24/7! 🚨

Sa oras ng emergency, tumawag sa QC Helpline 122. Isang tawag lang, mabilis at maaasahang tulong ang agad na nakaagapay kapag kinakailangan.

📢 Ibahagi ang post na ito upang mas marami ang maging aware.
🛡️ Manatiling ligtas, Quezon City!

13/08/2026

JUST IN:

| Dahil sa inaasahang pagpapatuloy ng malakas na ulan mamayang hapon at sa YELLOW Heavy Rainfall Advisory ng PAGASA, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng AFTERNOON FACE-TO-FACE CLASSES sa mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa Quezon City ngayong araw, Huwebes, August 13, 2026.

• Child Development Centers
• Kindergarten
• Grades 1-12
• Alternative Learning System

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang suspensyon ng klase sa PRIVATE SCHOOLS at HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS ay nakabatay sa pasya ng pamunuan ng eskwelahan. Gayunpaman, para sa kaligtasan ng mga g**o at mag-aaral, hinihikayat ang pagsunod sa national o localized suspension.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

🩸 MATAGUMPAY NA BLOOD DONATION ACTIVITY! ❤️Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation Activity ng Barangay Horseshoe kat...
11/08/2026

🩸 MATAGUMPAY NA BLOOD DONATION ACTIVITY! ❤️

Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation Activity ng Barangay Horseshoe katuwang ang Philippine Red Cross. Maraming salamat sa lahat ng ating mga kabarangay at donors na naglaan ng oras at nagbahagi ng dugo upang makatulong at makapagligtas ng buhay. 🫶🩸

Ang inyong kabutihan at malasakit ay malaking tulong sa mga nangangailangan. Isang donasyon, malaking pag-asa para sa iba!

📅 Magkakaroon muli ng Blood Donation Activity pagkatapos ng 3 buwan para sa lahat ng nais ding maging blood donor.

Abangan ang susunod na schedule at makiisa sa ating layunin na magbigay ng dugo, magbigay ng pag-asa, at magligtas ng buhay! ❤️

Maraming salamat sa Philippine Red Cross at sa lahat ng ating blood donors!

09/08/2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 100-200mm bukas, batay sa PAGASA Weather Advisory #32, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City bukas, Lunes, August 10, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masig**o ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

09/08/2026

🎉 MALIGAYANG KAARAWAN, COUNCILOR ATTY. VINCENT BELMONTE! 🎂🎈

Taos-pusong pagbati mula sa buong Barangay Horseshoe Family para sa ating Number 1 Councilor, Councilor Atty. Vincent Belmonte!💙

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at maraming biyaya upang patuloy ninyong mapaglingkuran at matulungan ang ating mga kabarangay. 🙏✨

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang serbisyo para sa ating komunidad.

Happy Birthday, Councilor Atty. Vincent Belmonte! 🥳🎂
Mabuhay po kayo! 💙

Address

18 Sunset Drive, Brgy. Horseshoe
Quezon City
1112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MakabagongHorseshoe - Brgy. Horseshoe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share