17/05/2026
HANGGANG SAAN ANG BUHAY MO BILANG ISANG GHOST HUNTER?
Isang American Urban Explorer at Ghost Hunter ang nabisita sa isang abandonadong gusali para gumawa ng isa na namang content para sa kanyang red app channel. Ngunit hindi sa inaasahang pagkakataon, hindi pala multo ang makikita niya dito kundi isang nagwawalang lalaki na tila isang Kastila base sa kanyang pananalita.
Siya si Moe Sargi. Isang content creator na pumapasok sa mga abandonadong gusali upang gumawa ng content na ipopost niya sa kanyang channel na siya ring dahilan bakit siya finafollow ng kanyang mga fans. Ang video na ito ay nakapost sa y0utube at isa ito sa hindi niya pinakamakakalimutang content ng kanyang buhay. Dahil sa content na ito kamuntikan na niyang hindi maiupload sa kanyang channel ang mga nakuhang video sa lakad niya na ito. Habang naglilibot kasi sa naturang gusali, may isang lalaki ang biglang sumigaw sa labas ng gusali na tila pinapalayas siya. Ipinaliwanag naman niya na hindi siya nagpunta doon para makipag away o gumawa ng anumang gulo. Ngunit ang lalaki, patuloy na pumasok sa loob ng gusali habang patuloy ding sumisigaw at galit na galit.
Doon na napansin ni Moe na may dala palang sundang ang lalaki. Maitim ang lalaking ito at tila nagsasalita sa wikang Kastila. Hinabol siya nito ng taga at ilang beses nakipaghabulan. Ilang beses din siyang nacorner ng lalaki at walang ibang daan palabas kundi iisa lang. Mabuti na lamang at nakaiwas siya sa taga nito palabas. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang pagtakas dahil nasa malayo ang kanyang kotse at posibleng nauna nang nagtungo ang lalaki sa kanyang kotse upang bantayan ang kanyang pagdating. Malinaw naman na nakatakas ng ligtas si Moe dahil naipost niya pa ito sa kanyang channel.
Hindi lang ito ang mga pagkakataon na nakunan sa kamera ang mga delikadong sitwasyon nang isang Ghost Hunter. Kahit dito nga sa Pilipinas, may iilang Ghost Hunters ang live na nakakuha ng mga ebidensya sa mga gusaling kanilang pinuntahan nang mga paraph3rnalia na ginagamit ng mga sa kanilang session. Kahit ang content creator na si ay may naencounter na ganito sa isang Abandoned Village sa Cavite. May kakatwang karanasan din si tungkol sa isang "homeless man" na natutulog sa ilalim ng hagdan at nanghingi pa sa kanya ng alak.
Ito ang palagi kong sinasabi sa mga nagcocontent ng paranormal lalo na sa mga Ghost Hunters. Una, alamin ang lugar na inyong pupuntahan. Hangga't maaari, huwag papasok sa isang abandonadong gusali dahil delikado ito. Kung abandonado man, sigurado safe ito at walang mga taong gumagawa ng masama na naroroon. Dahil mas nakakatakot ang buhay kesa mga patay.
Kesa sa maging Ghost Hunter, mas mabuti pang maging Paranormal Investigator ka na lang. Nakakatulong ka na sa iba, naeenjoy mo pa ang buhay sa mundo ng paranormal.
NOTE:
Nasa comment section ang video.