Sangguniang Kabataan - Old Capitol Site

Sangguniang Kabataan - Old Capitol Site SANGGUNIANG KABATAAN NG BARANGAY OLD CAPITOL SITE. FREE SCHOOL SERVICES OPEN MON-FRI 5-9PM.

πŸ“’ ATTENTION, COLLEGE STUDENTS GRADUATING IN 2027! πŸŽ“Are you a college student graduating in 2027 and in need of financial...
29/08/2026

πŸ“’ ATTENTION, COLLEGE STUDENTS GRADUATING IN 2027! πŸŽ“

Are you a college student graduating in 2027 and in need of financial assistance to complete your studies?

The Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholars Program is now calling for qualified applicants!

πŸ’° β‚±20,000 one-time educational assistance
πŸŽ“ Five (5) qualified scholars will be selected

Eligibility Criteria:
βœ… College students graduating in 2027
βœ… Bona fide barangay residents
βœ… Students in good academic standing
βœ… Students from low-income or vulnerable households
βœ… First-generation college graduates
βœ… No Existing Government Scholarship: Must not be an active recipient of other major government or NGO academic scholarship grants at the time of application. Subject to forfeiture.

πŸ“„ Prepare your requirements:
1. Photocopy of proof of enrollment
2. Photocopy of School ID
3. Barangay Indigency
4. Certificate of Barangay Residency

πŸ“Œ SUBMISSION OF REQUIREMENTS:
πŸ—“ Deadline: September 3, 2026
πŸ‘‰ Please look for our Barangay Secretary to submit your requirements.

πŸ” SCREENING OF REQUIREMENTS:
πŸ—“ September 4, 2026
The Barangay Council will evaluate and screen all submitted requirements to determine the qualified applicants.

πŸ—³ SELECTION PROCESS:
During the Regular Session of the Barangay Council, the Council discussed and decided through a voting process on the appropriate and transparent method for selecting the five (5) qualified beneficiaries. It was agreed that the final selection will be conducted through a Draw Lots/Raffle Draw among all qualified applicants.

πŸŽ‰ RAFFLE DRAW / DRAW LOTS:
πŸ—“ September 5, 2026
πŸ“ŒAll qualified applicants must be present during the raffle draw.
πŸ“Œ The raffle draw will be live streamed on the official page of the Brgy.

✨ Don't let financial challenges stop you from reaching your dreams. APPLY NOW!

🏐SK VOLLEYBALL LEAGUE 2026 | WEEK 1 HIGHLIGHTS🏐Matagumpay nating tinapos ang Week 1 ng ating SK Volleyball League 2026! ...
24/08/2026

🏐SK VOLLEYBALL LEAGUE 2026 | WEEK 1 HIGHLIGHTS🏐

Matagumpay nating tinapos ang Week 1 ng ating SK Volleyball League 2026! Mula sa unang laban hanggang sa huling araw, naging puno ng excitement, husay, teamwork, at sportsmanship ang bawat laro.

Sa Men’s at Women’s Division, ipinakita ng ating mga manlalaro ang kanilang determinasyon at talento sa bawat serve, receive, spike, at rally. πŸ‘

Kasama rin sa ating Week 1 highlights ang mga Player of the Game na nagpakita ng kahanga-hangang performance at naging malaking ambag sa kanilang mga koponan.

Maraming salamat sa lahat ng players, coaches, teams, supporters, at spectators na patuloy na nagbibigay ng suporta at saya sa ating liga.

Balikan natin ang mga kaganapan mula sa unang laban hanggang sa huling araw ng Week 1!

Isang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga.

πŸ€π’πŠ ππ€π’πŠπ„π“ππ€π‹π‹ 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 πŸπŸŽπŸπŸ” | π–π„π„πŠ 𝟏 π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“π’πŸ€Matagumpay nating natapos ang Week 1 ng ating liga! Mula sa unang araw ha...
24/08/2026

πŸ€π’πŠ ππ€π’πŠπ„π“ππ€π‹π‹ 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 πŸπŸŽπŸπŸ” | π–π„π„πŠ 𝟏 π‡πˆπ†π‡π‹πˆπ†π‡π“π’πŸ€

Matagumpay nating natapos ang Week 1 ng ating liga! Mula sa unang araw hanggang sa huling laro, ipinakita ng ating Kids, Junior, at Senior Division ang husay, teamwork, disiplina, at sportsmanship sa bawat laban. πŸ’ͺπŸ€

Narito ang mga nagwaging koponan at ating mga Player of the Game na nagpakitang-gilas ngayong Week 1. πŸ‘πŸ”₯

Maraming salamat sa lahat ng players, coaches, supporters, at volunteers na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa ating liga!

Abangan ang mga susunod na laban! πŸ€

Isang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga.

πŸ€πŸ π–π„π„πŠ 𝟐 πŒπ€π“π‚π‡ 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 πŸπŸ€Tuloy-tuloy na ang saya at laban! Narito na ang Week 2 Match Schedule para sa ating SK Basket...
24/08/2026

πŸ€πŸ π–π„π„πŠ 𝟐 πŒπ€π“π‚π‡ 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄 πŸπŸ€

Tuloy-tuloy na ang saya at laban! Narito na ang Week 2 Match Schedule para sa ating SK Basketball & Volleyball League 2026.

Inaanyayahan ang lahat ng players, coaches, supporters, at sports enthusiasts na suportahan ang ating mga kabataan at kanilang mga koponan. Abangan ang mga kapana-panabik na laban at sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa. πŸ’ͺ

πŸ“Œ Tingnan ang poster para sa kumpletong schedule, oras, at match-ups.

Kita-kits sa court! Suportahan natin ang ating mga manlalaro at ipagpatuloy ang positibong samahan sa pamamagitan ng sports. πŸ™Œ

Isang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga.

MATAGUMPAY NA PAGBUBUKAS NG SK BASKETBALL & VOLLEYBALL LEAGUE 2026! Isang masaya, makabuluhan, at matagumpay na araw ang...
15/08/2026

MATAGUMPAY NA PAGBUBUKAS NG SK BASKETBALL & VOLLEYBALL LEAGUE 2026!

Isang masaya, makabuluhan, at matagumpay na araw ang ating naging Opening Ceremony ng SK Basketball & Volleyball League 2026! πŸŽ‰

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng manlalaro, coaches, team officials, supporters, kabataan, at mga residente na naglaan ng kanilang oras upang makiisa at maging bahagi ng espesyal na araw na ito. Ang inyong presensya at suporta ang nagbigay-buhay at saya sa ating Opening.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa ating minamahal na Punong Barangay, Hon. Nitz Mercado, kasama ang kanyang buong Sangguniang Barangay, sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programa at aktibidad para sa ating kabataan. Ang inyong suporta ay malaking tulong upang maisakatuparan ang ganitong mga programa na naglalayong pag-isahin, pasiglahin, at bigyang pagkakataon ang ating mga kabataan na maipakita ang kanilang talento at kakayahan. πŸ™β€οΈ

πŸ”₯ LIGHTING OF THE TORCH
Bilang simbolikong pagsisimula ng ating liga, isinagawa rin ang Lighting of the Torchβ€”isang seremonyang sumisimbolo sa pagsisimula ng kompetisyon, pagkakaisa, determinasyon, at buhay na diwa ng palakasan.

Sa pagsiklab ng sulo, pormal nating sinimulan ang panibagong yugto ng ating liga. Nawa'y ang apoy na ito ay magsilbing inspirasyon sa bawat manlalaro na maglaro nang may puso, disiplina, respeto, at sportsmanship, at ipakita na ang tunay na panalo ay hindi lamang nasusukat sa puntos kundi sa karakter at pakikipagkaibigan na nabubuo sa bawat laban.

🎯 HALF-COURT SHOT CHALLENGE
Isa sa mga naging tampok ng ating Opening ang masayang Half-Court Shot Challenge, kung saan ipinakita ng ating mga kalahok ang kanilang husay, kumpiyansa, at swerte mula sa gitna ng court!

πŸ‘‘ BEST MUSE – JUNIOR DIVISION
Nagkaroon din tayo ng Best Muse sa Junior Division, na nagdagdag ng saya at excitement sa ating Opening Ceremony. Maraming salamat sa lahat ng sumali at nagpakita ng kanilang confidence at suporta para sa kanilang mga koponan! πŸ‘‘βœ¨

AT HIGIT SA LAHAT, NAGSIMULA NA ANG LABAN!

Kasabay ng ating Opening ay ang pagsisimula ng mga unang laro ng ating liga. Muli nating nasaksihan ang husay, determinasyon, teamwork, disiplina, at sportsmanship ng ating mga kabataan sa loob ng court.

Ang bawat puntos, bawat depensa, bawat serve, bawat spike, at bawat laban ay hindi lamang tungkol sa pagkapanaloβ€”ito rin ay tungkol sa pagkakaibigan, respeto, disiplina, at pagkakaisa.

Nawa'y maging daan ang liga na ito upang mas mailapit ang ating mga kabataan sa positibong mga gawain, mapalakas ang kanilang kumpiyansa at kakayahan, at higit sa lahat, magkaroon sila ng isang komunidad na sumusuporta sa kanilang mga pangarap.

Muli, maraming maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating Opening. Ang inyong oras, suporta, at pakikiisa ang naging dahilan upang maging mas makabuluhan at mas espesyal ang araw na ito.

Ito pa lamang ang simula! Abangan ang mga susunod na laro at mga kapana-panabik na laban. πŸ†πŸ”₯

ISANG BOLA, ISANG LAYUNIN: SAMA-SAMA KONTRA DROGA.

Laro para sa pagkakaisa. Laro para sa kabataan. Laro para sa mas magandang kinabukasan. πŸ’ͺ❀️

πŸ“’OFFICIAL ANNOUNCEMENT | RESCHEDULED OPENINGMatapos ang pansamantalang pagpapaliban ng ating Opening, ikinalulugod namin...
10/08/2026

πŸ“’OFFICIAL ANNOUNCEMENT | RESCHEDULED OPENING

Matapos ang pansamantalang pagpapaliban ng ating Opening, ikinalulugod naming ipabatid na ang SK Basketball & Volleyball League 2026 ay opisyal nang magbubukas sa bagong petsa!

πŸ“…August 15, 2026 (Saturday)
⏰9:00 AM
πŸ“Covered Court

Inaanyayahan ang lahat ng players, coaches, team officials, at supporters na makiisa at dumalo sa ating Opening Ceremony. Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pasensya, at patuloy na suporta sa ating liga.

πŸ€πŸIsang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga.

Kita-kits sa August 15! πŸ™Œ

πŸ“’ OFFICIAL ANNOUNCEMENTIpinagpapaliban ang Opening ngayong Agosto 9 dahil sa masamang panahon at posibleng paggamit ng c...
09/08/2026

πŸ“’ OFFICIAL ANNOUNCEMENT

Ipinagpapaliban ang Opening ngayong Agosto 9 dahil sa masamang panahon at posibleng paggamit ng court bilang evacuation center.

πŸ™ Salamat sa lahat ng pumunta at naglaan ng oras. Abangan ang bagong schedule.

Isang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga! πŸ†VOLLEYBALL & BASKETBALL LEAGUE 2026Handa na ba kayo, kabataan ng Old...
07/08/2026

Isang Bola, Isang Layunin: Sama-sama Kontra Droga! πŸ†
VOLLEYBALL & BASKETBALL LEAGUE 2026
Handa na ba kayo, kabataan ng Old Capitol Site? πŸ”₯

Opisyal nang magsisimula ang ating Basketball at Volleyball League 2026 ngayong Agosto 9, 2026, alas- 9:00 ng umaga! πŸŽ‰

πŸ“… AGOSTO 9, 2026 | 9:00 AM
πŸ“ Covered Court, Old Capitol Site

🎊 OPENING DAY HIGHLIGHTS:
πŸƒβ€β™‚οΈ Parade of Teams – Sama-sama nating simulan ang liga sa isang makulay at masiglang parada!
πŸ€ Basketball Teams
🏐 Volleyball Teams
πŸŽ‰ Opening Program & Activities

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA PARA SA JUNIOR DIVISION:
Ang bawat Junior Basketball Team ay REQUIRED na magkaroon ng MUSE para sa ating Opening Program. πŸ‘‘βœ¨

Hinihikayat ang lahat ng koponan na maging kumpleto, maaga, at handa para sa Opening Day. Ipakita natin ang tunay na diwa ng sportsmanship, pagkakaisa, disiplina, at pagkakaibigan! 🀝

πŸ”₯ ISANG BOLA. ISANG LAYUNIN. SAMA-SAMA KONTRA DROGA.
Laro para sa kabataan. Laro para sa komunidad. Laro para sa mas magandang kinabukasan. Kita-kits sa August 9! πŸ™Œ

πŸ€πŸ TEAM PHOTOSHOOT & OFFICIAL JERSEY RELEASING πŸ“ΈMagandang Gabi sa lahat ng Basketball at Volleyball Teams!Inaanyayahan a...
06/08/2026

πŸ€πŸ TEAM PHOTOSHOOT & OFFICIAL JERSEY RELEASING πŸ“Έ

Magandang Gabi sa lahat ng Basketball at Volleyball Teams!

Inaanyayahan ang lahat ng mga manlalaro na dumalo sa ating Official Team Photoshoot at Releasing of Official Jerseys.

πŸ“… Petsa: August 7–8, 2026
πŸ• Oras: Simula 1:00 PM
πŸ“ Venue: Suntay Hall

Ang bawat team ay inaasahang dumating 30 minuto bago ang kanilang nakatakdang schedule upang maiwasan ang pagkaantala. Mahigpit na sundin ang oras na ibibigay dahil hindi maaaring maantala ang iskedyul ng ibang mga team.

πŸ“Œ Mahahalagang Paalala:
βœ… Ang official jersey ay ipamamahagi bago magsimula ang photoshoot.
βœ… Kinakailangang kumpleto ang bawat team para sa group photo.
βœ… Ang bawat manlalaro ay kukunan ng dalawang (2) larawan:
β€’ πŸ“· Simple Shot
β€’ πŸ€ With Ball Shot

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon. Inaasahan namin ang inyong pagsunod upang maging maayos, mabilis, at matagumpay ang ating Official Team Photoshoot & Jersey Releasing.

Kita-kits sa Suntay Hall! πŸ’™πŸ’›

Address

Old Capitol Site
Quezon City
1101

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Old Capitol Site posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share