01/01/2026
Sa nagdaang mga taon, patuloy na nagsikap ang Unibersidad ng Pilipinas sa isports, edukasyon, liderato, at serbisyo, lokal man o internasyonal, kaakibat ang pagpapakumbaba at pananagutan sa sambayanan. Sa 2026, ipagpapatuloy ng UP ang kahusayang nakaugat sa malasakit sa kapuwa.
Tulad sa pagpinta ng kulay ng mga paputok sa madilim na langit, sa pag-iingay ng mga batร gamit ang torotot sa tahimik na gabรญ, sa kulitan at palitan ng ngiti at pagmamahal sa mga kamag-anak sa kabila ng distansya, at sa sabay-sabay na pagtalon sa pagsalubong ng hatinggabi, nawaโy mas makamit pa ng UP ang kulay at liwanag, ang malalakas na sigaw ng pakikibaka, ang marubdob na pag-ibig para sa nagkakaisang bansa, at ang pagdami pa ng mas mataas na layunin para sa Dangal, Husay, at Serbisyo.
Hangad ng UP ang isang masaya, matiwasay, at ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon para sa lahat.