DSWD Pag-abot Program

Call Directions Website

DSWD Pag-abot Program This is the official page of DSWD Pag-abot Program

๐‡๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐จ๐ฆ ๐๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง: ๐€๐ง๐  ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐›๐จ๐ญ ๐ง๐ข ๐๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฅSa kanyang pangarap na makapag-ibang bansa, mula Cebu ...
07/10/2026

๐‡๐ข๐ก๐ข๐ฅ๐จ๐ฆ ๐๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐š๐ค๐š๐ซ๐š๐š๐ง: ๐€๐ง๐  ๐Š๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐›๐จ๐ญ ๐ง๐ข ๐๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฅ

Sa kanyang pangarap na makapag-ibang bansa, mula Cebu ay nagtungo si Noriel Basilgo, 36, sa Maynila taong 2023 upang maging OFW sa ibang bansa.

Hindi pinalad sa piniling kapalaran, bumalik ng Pilipinas ngunit tila sinusundan siya ng kamalasan, nawalan ng trabaho at nagkaroon ng karamdaman, si Noriel ay nauwi sa pamamalimos at paninirahan sa lansangan.

Nang lapitan siya ng Pag-abot Team sa Baclaran, takot ang kanyang naramdaman. Kahit may sakit na iniinda sa kanyang sugat sa paa, pinilit niya pa ring tumakbo.

Hanggang nitong ika-9 ng Agosto 2026, siya ay nagtungo sa Walang Gutom Kitchen at nakausap ang Pag-abot Team. Nakumbinsi siyang sumama at pansamantalang nanirahan sa Pag-abot Processing Center.

Sa kanyang pag-uwi nitong 29 ng Setyembre 2026, masaya si Noriel na makitang muli ang kanyang pamilya at laking pasasalamat niya sa lahat ng bumubuo sa Pag-abot Program dahil sa bagong buhay na muling ibinigay sa kanya.

Maaaring marami pang kagaya ni Noriel na namamalagi sa lansangan at nangangailangan ng tulong, magpadala ng mensahe sa aming official page o kaya ay tumawag sa aming hotline: 8-931-9141 (Lunes hanggang Biyernes) at maaari ring mag-email sa [email protected].

โ€ŽI-like at i-follow ang DSWD Pag-abot Program Social Media Accounts:
โ€Ž๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐๐š๐ ๐ž:
โ€Ž๐“๐ฐ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐š๐ ๐ž/๐—:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Ipinagkaloob ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Pag-abot Program ang Livelihood Assistance at Transitory...
07/10/2026

Ipinagkaloob ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Pag-abot Program ang Livelihood Assistance at Transitory Shelter Assistance (TSA) sa tatlong kliyente mula Manaoag, Pangasinan at Bauang, La Union noong Huwebes, September 17.

Isang kliyente mula Manaoag ang nakatanggap ng parehong Livelihood Assistance at TSA, habang tig-isang kliyente naman mula Bauang ang tumanggap ng TSA at Livelihood Assistance.

Sa tulong at paggabay ng DSWD FO 1 Pag-abot Program, personal na nakapamili at nakabili ang mga kliyente ng mga kagamitan at materyales na kailangan para sa kanilang napiling kabuhayan. Para naman sa TSA, nakatanggap ang mga kliyente ng tulong para sa kanilang pansamantalang matutuluyan.

Nilalayon ng programa na mailapit ang angkop na serbisyo sa mga indibidwal at pamilyang nasa lansangan at masuportahan ang kanilang pagbabalik sa komunidad.



Department of Social Welfare and Development - DSWD

06/10/2026

๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐๐Ž๐“ | ๐๐Ž๐’๐„๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐๐† ๐‹๐€๐๐’๐€๐๐†๐€๐

Sinugurado ni DSWD Secretary REX Gatchalian na magiging whole-of-nation approach ang tulong na matatanggap ng mga residente sa Osmena Highway Tunnel Community. Agarang koordinasiyon ang isinagawa ng Pag-abot Program kasama ang National Housing Authority at Department of Human Settlements and Urban Development.

Sa Part 2 ng ating Special Kwentong Pag-abot, tunghayan ang personal na pagbisita ng Kalihim sa Brgy. 738 at 800.

Dahil sa wakas, nadinig na din sila.



"

๐˜ฟ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™˜๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง: Patuloy na itinataas ang kumpiyansya at pinapalakas ang dignidad ng bawat pamilyang ...
05/10/2026

๐˜ฟ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™จ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™˜๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™š๐™ง: Patuloy na itinataas ang kumpiyansya at pinapalakas ang dignidad ng bawat pamilyang Pilipino.

Patuloy na sasamahan at aalalayan ng Pag-abot Program ang mga benepisyaryo nito sa pagkamit tungo sa mas magandang bukas.



โ€Ž

05/10/2026

Laking pasasalamat ni Threzia Alpasan sa bagong simula na ibinigay ng DSWD Pag-abot Program sa kanyang munting pamilya. Ngayon, sigurado na siyang lalaki ang kanyang mga anak sa isang maayos at ligtas na tahanan.

Patunay na hindi pa huli ang lahat at nandito ang Marcos administration para tulungan ang pinakabulnerableng sektor ng lipunan.



๐™Ž๐™– ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ข, ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™œ๐™ช๐™ง๐™–๐™™๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™œ-๐™ž๐™ž๐™จ๐™–.Ngayong Mental Health Month, kalinga at pakikinig ang ha...
05/10/2026

๐™Ž๐™– ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™—๐™ค๐™ฉ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™œ๐™ง๐™–๐™ข, ๐™จ๐™ž๐™จ๐™ž๐™œ๐™ช๐™ง๐™–๐™™๐™ช๐™๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™œ-๐™ž๐™ž๐™จ๐™–.

Ngayong Mental Health Month, kalinga at pakikinig ang hatid ng Pag-abot Team para sa bawat indibidwal, pamilya na nakaranas ng buhay sa lansangan upang mabigyan sila ng bagong pag-asa tungo sa maayos at ligtas na pamumuhay.



๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—•๐—ข๐—ง ๐—ฅ๐—˜๐—”๐—–๐—› ๐—ข๐—จ๐—ง: Iahon mula sa hirap ng paninirahan sa lansangan at bigyan ng bagong pag-asaโ€”ito ang hangad ng progra...
05/10/2026

๐—ฃ๐—”๐—š-๐—”๐—•๐—ข๐—ง ๐—ฅ๐—˜๐—”๐—–๐—› ๐—ข๐—จ๐—ง: Iahon mula sa hirap ng paninirahan sa lansangan at bigyan ng bagong pag-asaโ€”ito ang hangad ng programa para sa bawat indibidwal at pamilyang nangangailangan ng hindi tinatapakan ang kanilang dignidad.

Tumulong sa aming adbokasiyang mailayo sa kapahamakan ang mga tukoy na benepisyaryo ng programa, magpadala ng mensahe sa aming official page o kaya ay tumawag sa aming hotline: 8-931-9141 (Lunes hanggang Biyernes) at maaari ring mag-email sa [email protected].

โ€ŽI-like at i-follow ang DSWD Pag-abot Program Social Media Accounts:
โ€Ž๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐๐š๐ ๐ž:
โ€Ž๐“๐ฐ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐š๐ ๐ž/๐—:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Sa iyong walang sawang paggabay sa Pag-abot Program upang mas marami pang bata, indibidwal at pamilyang nasa lansangan a...
04/10/2026

Sa iyong walang sawang paggabay sa Pag-abot Program upang mas marami pang bata, indibidwal at pamilyang nasa lansangan ang mabibigyan ng tulong- lubos kaming nagpapasalamat.

Ngayong iyong kaarawan, buong pusong pagbati mula sa amin, Usec Edu Punay, MPA!

Patuloy namin isasapuso ang iyong mga bilin at gabay tungo sa isang Bagong Pilipinas na hindi pinapabayaan ang pinakabulnerableng sektor ng lipunan.



03/10/2026

Fresh start para sa Tunnel Community ng Osmeรฑa Highway! ๐Ÿ โค๏ธ

Nakakatuwang makita na finally, nakalipat na sa kanilang sariling permanenteng tahanan ang mga pamilyang dati ay nagtitiis sa ilalim ng tulay.

Sa tulong ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr., naging posible ang pangarap nilang magkaroon ng bahay na matatawag nilang tunay na kanila, isang lugar na ligtas, at malayo sa kapahamakan.

Pero hindi dito nagtatapos ang ating trabaho. Makakaasa kayo, hindi sila pababayaan ng DSWD. Sasamahan natin sila habang sila ay nagsisimula ng panibagong chapter ng kanilang buhay.

โค๏ธ

03/10/2026

Isang biyaya para kay Nanay Lourdes, isang residente na naninirahan sa Osmeรฑa Highway Tunnel sa San Andres, Bukid ang magkaroon na ng sarili niyang bahay na ligtas, at makakapahinga sila ng maayos...

Dahil sa pamumuno ng ating Pangulong Bongbong Marcos Jr., natupad na ang pangarap ni Nanay... after 40 YEARS na paninirahan sa ilalim ng tulay.

Nagsaboy pa nga si nanay ng mga baryang inipon niya pampaswerte sa kaniyang bahay! ๐Ÿ˜

Next na punta ko sa kanila, we'll do livelihood assistance naman.

โค๏ธ

Address

DSWD Central Office Batasan Complex, Constitution Hills
Quezon City
1126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63289319141

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Pag-abot Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share