Barangay Council for the Protection of Children - Brgy. Bagong Silangan

Barangay Council for the Protection of Children - Brgy. Bagong Silangan Official FB Page of Barangay Council for the Protection of Children of Brgy. Bagong Silangan, QC

“Kapag ang edukasyon ay inilapit sa komunidad, mas maraming pangarap ang naaabot.”Mula sa isang simpleng pangarap at pag...
01/07/2026

“Kapag ang edukasyon ay inilapit sa komunidad, mas maraming pangarap ang naaabot.”

Mula sa isang simpleng pangarap at pag-iikot sa ating komunidad upang hikayatin ang mga out-of-school youth at kanilang mga magulang, ngayon ay buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang na may napagtapos na tayo sa ALS Junior High School at humantong na Tayo batch 4. Isa itong patunay na ang pangalawang pagkakataon ay maaaring maging bagong simula. Sa lalong madaling panahon, magkakaroon na rin ng ALS Senior High School sa ating Barangay, ganap na libre, kasama ang mga kagamitang kailangan ng ating mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat kina Kapitan W***y Cara, Kagawad Patricia Suarez, sa ating BCPC Focal Person Arn Aguinaldo at BCPC Secretary Lourence Cassie Casiano sa kanilang dedikasyon at walang sawang pagtutulungan upang maisakatuparan ang programang ito.

Dash to 10K Advocates! Patuloy ang pagkilos ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) – Brgy. Bagong Sil...
20/06/2026

Dash to 10K Advocates!

Patuloy ang pagkilos ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) – Brgy. Bagong Silangan tungo sa layunin nating magkaroon ng Zero Child Labor at wakasan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa unang araw ng ating weekly seminar na ginanap sa Sumama Ka Compound. Ang inyong oras, suporta, at pakikilahok ay patunay na kapag tayo ay nagkakaisa, mas napapalakas natin ang proteksyon para sa karapatan, kaligtasan at magandang kinabukasan ng bawat bata.

Ang programang ito ay matagumpay na isinusulong sa pamumuno nina Kagawad Patricia Suarez at Punong Barangay W***y Cara — mga lider na patuloy na kumikilos bilang boses at tagapagtanggol ng mga bata sa ating komunidad.

Maraming salamat din sa lahat ng partners, Kgd Gerry Toledo, volunteers at advocates na patuloy na nakikiisa sa adbokasiyang ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas at makabata na pamayanan.

🔹 Para sa Bata. Para sa Bayan.
🔹 Makibahagi. Makiisa. Makialam.





30/05/2026

"POVERTY"

BSCA - SItio Bakal/Ibayo

Advocacy Video Entry

30/05/2026

BSCA-Low Lying Area

Video Advocacy Entry

30/05/2026

BEST SCREENPLAY

EDUK-AKSYON

A powerful story begins with a powerful script.

Every scene, every dialogue, and every message was carefully written to inspire action through education. Proudly bringing home the Best Screenplay Award for BSCA Proper!

30/05/2026

"DI PA HULI"

Best in Cinematography

Every frame had a purpose. Every shot told a story.

Proudly brought to you by BSCA Sitio Kumunoy.

30/05/2026

Winner of BSCA Advocacy Video – Best Picture Category

Winning Entry: SIKSIKAN

Congratulations to the team from Sitio Veterans for showcasing creativity, advocacy, and impactful storytelling through your outstanding video entry. Your dedication and effort truly stood out, making SIKSIKAN this year's Best Picture winner.

“Ang trabaho ng youth leader ay gumawa ng maraming pag-asa.” — Khylla MenessesBalikan: Noong Abril 22, 2026, matagumpay ...
24/04/2026

“Ang trabaho ng youth leader ay gumawa ng maraming pag-asa.” — Khylla Menesses

Balikan: Noong Abril 22, 2026, matagumpay nating isinagawa ang ikatlong sesyon ng Leadership Academy na may temang “Little Voices, Big Impact: Finding What Matters to You.” Isang makabuluhang talakayan na muling nagpaalala sa atin na ang bawat boses ng kabataan, gaano man kaliit, ay may kakayahang magdulot ng malalim at makabuluhang pagbabago.

Lubos nating ikinararangal ang presensya ng ating resource speaker na si Khylla Menesses, isang SK Chairwoman at kasalukuyang National Chairperson ng Akbayan Youth. Sa kanyang pagbabahagi, pinatibay niya ang diwa ng makabuluhang pamumuno, isang pamumunong nakasandig sa pakikinig, paninindigan, at higit sa lahat, sa paglikha ng pag-asa para sa kapwa kabataan.

Patuloy na pasasalamat sa ating butihing Kapitan W***y Cara, Co-chair on Children Protection and Family Relation, Patricia Suarez, at sa buong Konseho sa kanilang walang sawang suporta at pagtaguyod ng mga MakaBATAng inisyatibo.


Congratulations Orpheus Drum and Lyre Corps !
22/04/2026

Congratulations Orpheus Drum and Lyre Corps !

Hindi lang natapos, pinanday pa natin ang mga Batang Bida ng bagong Silangan sa Session 2 ng Leadership Academy na may t...
21/04/2026

Hindi lang natapos, pinanday pa natin ang mga Batang Bida ng bagong Silangan sa Session 2 ng Leadership Academy na may temang “𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐩𝐞𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬” noong 𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟳.

Sa panahong pilit pinapatahimik ang kabataan, pinili nating magsalita, malinaw, matapang, at may paninindigan. Dahil ang boses ng lider ay hindi para sa papuri, kundi para ipaglaban ang katotohanan at karapatan ng masa.

Ang komunikasyon ay hindi lang kasanayan, ito ay sandata para sa pagbabago.

Patuloy na pasasalamat sa ating butihing Kapitan W***y Cara, Co-chair on Children Protection and Family Relation, Kagawad Patricia Suarez, at sa buong Konseho sa kanilang walang sawang suporta at pagtaguyod ng mga MakaBATAng inisyatibo.



Address

Gen. Geronimo Street Cor. Bonifacio St. , Bagong Silangan, Quezon City District 2
Quezon City
1119

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Council for the Protection of Children - Brgy. Bagong Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share