Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon Program

Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon Program Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon Program, Public & Government Service, DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Constitution Hills, Quezon City.

Reducing hunger, malnutrition, and stunting among children, while supporting pregnant and lactating women and Indigenous Peoples (IPs) across BARMM through nutrition-focused interventions, community participation, and sustainable initiatives.

04/08/2026
๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Kaalaman sa Kalusugan, Pinalalakas ng BangUn-KA Session sa Tawi-TawiMAS pinaigting pa ng Bangsamoro Umpungan s...
03/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Kaalaman sa Kalusugan, Pinalalakas ng BangUn-KA Session sa Tawi-Tawi

MAS pinaigting pa ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) Program ang pagbabahagi ng mga kaalaman ukol sa kalusugan para sa mga benepisyaryo, kasunod ng isinagawang BangUn-KA Session sa Barangay Tongsinah, Bongao, Tawi-Tawi.

Ang nasabing sesyon ay pinangunahan ni BangUn Nutritionist Dietitian Jarmaida T. Alfad, ng PPMO Tawi-Tawi Province, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng breastfeeding at ang mahalagang papel nito sa tamang paglaki, pag-unlad, at kalusugan ng sanggol. Higit lalo na sa 'First 1,000 Days ni Baby', isang kritikal na yugto para sa wastong nutrisyon at paghubog ng isang malusog na kinabukasan.

Samantala, tinalakay naman BangUn Social Welfare Officer Arianne Jane D. Berja, ang Module 1: "Ako Bilang Tao at Bilang Magulang," kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkilala sa sariling kalakasan at kahinaan, ang mga pagpapahalagang nagpapalakas sa pamilya, at ang mahalagang papel ng mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak na malusog, responsible, at may mabuting asal.

Bilang bahagi ng sesyon, isinagawa rin ang "Five Fingers of My Life" activity, kung saan ang bawat daliri ay kumakatawan sa iba't ibang tanong tungkol sa sarili at sa pagiging magulang. Masigla at aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa pagbabahagi ng kanilang mga karanasan at pananaw, na lalong nagbigay saysay at sigla sa buong talakayan.

Sa pamamagitan ng BangUn-KA Sessions, patuloy na pinalalakas ng BangUn Program ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at benepisyaryo upang maisulong ang wastong nutrisyon, responsableng pagiging magulang, at ang pagbuo ng mas malusog at mas matatag na mga pamilya at komunidad sa Bangsamoro.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | BangUn-KA Sessions, Patuloy na Nagpapalakas ng Kaalaman ng mga Pamilya sa Maguindanao del Norte.Matagumpay na ...
31/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | BangUn-KA Sessions, Patuloy na Nagpapalakas ng Kaalaman ng mga Pamilya sa Maguindanao del Norte.

Matagumpay na isinagawa ng BangUn Team sa Maguindanao del Norte ang serye ng BangUn-KA Sessions mula Hulyo 20 hanggang 22, 2026 sa mga Barangay Pura at Kinimi, Munisipalidad ng Datu Blah Sinsuat.

Dinaluhan ito ng 31 benepisyaryo, kabilang ang mga magulang ng mga batang may malnutrisyon at mga Pregnant at Lactating Women na nasa panganib ng undernutrition. Sa pangunguna nina Ms. Jasmin F. Francisco, ND II at Mr. Ali Akbar Engko, SWO I, naging aktibo ang mga kalahok sa mga talakayan, pangkatang gawain, at iba pang learning activities na nakatuon sa nutrisyon at responsableng pagiging magulang.

Sa pamamagitan ng BangUn-KA Sessions, patuloy na pinatatatag ang kaalaman at kakayahan ng mga benepisyaryo tungo sa mas malusog na pamilya at komunidad.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Alamin ang Tatlong Mahahalagang Components ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) ProgramAng BangUn Prog...
31/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Alamin ang Tatlong Mahahalagang Components ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) Program

Ang BangUn Program ay gumagamit ng Three-Pillar Approach for Community Nutrition upang matugunan ang malnutrisyon at mapalakas ang kalusugan at katatagan ng mga pamilya at komunidad.

๐Ÿฅฃ Direct Nutrition Services
Nagbibigay ng mga direktang serbisyong pangnutrisyon para sa mga batang malnourished at mga pregnant and lactating women upang mapabuti ang kanilang kalagayang nutrisyon.

๐Ÿ“š Nutrition Education and Advocacy
Nagpapalawak ng kaalaman at nagsusulong ng tamang nutrisyon, kalusugan, at responsableng pagiging magulang sa pamamagitan ng BangUn-KA Sessions.

๐ŸŒฑ Building Resilient Communities
Pinalalakas ang kakayahan ng mga komunidad sa pamamagitan ng food security initiatives, community gardening, livelihood support, iba pang interbensyon, at pakikipagtulungan sa iba't ibang partner agencies upang magkaroon ng pangmatagalang solusyon laban sa malnutrisyon.

Sa pamamagitan ng tatlong haliging ito, patuloy na isinusulong ng BangUn Program ang isang holistic at sustainable approach upang mabawasan ang malnutrisyon at makamit ang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na mga komunidad.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | BangUn-KA Sessions, Patuloy na Nagbibigay-Gabay sa mga Pamilya sa Lanao del Sur.Bilang bahagi ng Nutrition Edu...
30/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | BangUn-KA Sessions, Patuloy na Nagbibigay-Gabay sa mga Pamilya sa Lanao del Sur.

Bilang bahagi ng Nutrition Education and Responsible Parenting Activities, naging aktibo, organisado at nakadagdag kaalaman na naman ang ating mga benepisyaryo sa isinagawang BangUn-KA Session 2 sa mga Munisipalidad ng Poona Bayabao at Tamparan, Lanao del Sur noong Hulyo 28, 2026.

Layunin ng sesyon na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga magulang at tagapag-alaga sa wastong nutrisyon, responsableng pagiging magulang, at positibong pag-unlad ng bata (child development) upang maisulong ang mas malusog at mas ligtas na kapaligiran para sa bawat pamilya.

Sa pamamagitan ng BangUn-KA Sessions, patuloy na binibigyang-gabay ang mga benepisyaryo upang maisabuhay ang mga tamang gawi sa nutrisyon at pangangalaga sa mga bata, bilang bahagi ng sama-samang adhikain na mabawasan ang malnutrisyon at makapagtaguyod ng mas matatag at masiglang mga komunidad.



๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐—น๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ฆ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—จ๐—ป ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—š๐—”! ๐ŸชฅโœจKasabay ng patuloy na pagsusulong ng ...
29/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐—น๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ ๐—›๐—ฎ๐—ฝ๐—ฝ๐˜† ๐—ฆ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—จ๐—ป ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—š๐—”! ๐Ÿชฅโœจ

Kasabay ng patuloy na pagsusulong ng wastong nutrisyon at kalusugan, pinaigting na rin ng Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon (BangUn) Program, ang kampanya para sa "Clean Nails and a Happy Smile" sa ating mga batang benepisyaryo sa Barangay Nabundas, Nabalawag, SGA.

Pinangunahan ito ng BangUn SGA Team at katuwang si Dr. Ann Alo, ng Special Geographic Areaโ€“Field Health Office (SGA-FHO), kung saan isinagawa ang demonstrasyon ng wastong pagsisipilyo at pamamahagi ng toothbrush at fluoride toothpaste sa mga batang kalahok upang maisulong ang mabuting kalusugan ng mga ngipin.

Samantala, pinangunahan naman ng ating Nutritionist-Dietitian Anisa Palalisan ang 'Clean Nails Campaign', kung saan isinagawa ang paggupit ng kuko at pagbibigay ng mahahalagang paalala tungkol sa wastong paghuhugas ng kamay at pagpapanatiling malinis ng mga kuko bilang proteksyon laban sa iba't ibang sakit.

Naniniwala ang BangUn Program na ang mabuting kalusugan ay nagsisimula sa mga simpleng pagtuturo ng tamang kalinisan at pangangalaga sa sarili at sama-sama hinuhubog ang mas malusog at mas ligtas na kinabukasan para sa bawat bata.




Address

DSWD Central Office, Batasan Pambansa Complex, Constitution Hills
Quezon City
1126

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon Program:

Shortcuts

Share