05/08/2026
Ang National Transmission Corporation (TransCo) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may tema: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” ✨
Kung paanong ang mga ari-ariang pang-transmisyon ng TransCo ay nagsisilbing daluyan sa paghahatid ng kuryente para sa pagsusulong ng kaunlaran, ang wikang Filipino naman ay nagsisilbing tulay na nagbubuklod sa ating mga mamamayan at nagpapatibay sa ating pambansang pagkakakilanlan.
Sa patuloy na pag-unlad ng artificial intelligence o AI, gamitin natin ito nang responsable upang mapalawak ang pananaliksik at gawing higit na naaabot ng bawat Pilipino ang yaman ng impormasyon. Kasabay nito, patuloy nating gamitin, payabungin, at pahalagahan ang wikang Filipino bilang saligan ng ating pagkakaisa at pag-unlad.