09/01/2021
Magandang 2021. Bilang alay sa kalikasan, iniaalok ng Veggie Reggie sa mga regular na umoorder ang pagamit ng reusable plastics (mas mahal at mabigat kasi ang glass containers). Sisimulan natin ito sa mga oorder ngayong Biyernes ng pochero. PhP150 ang pagkain. PhP250 ang container. Sa susunod ninyong pag-order, kukunin ng driver ang container para magamit muli sa susunod pa ninyong order. Susukatin na lang natin ang inyong order sa bilang ng gramo.
Sa ganitong paraan, nababawasan natin ang pagtambak ng microwaveable containers. Umaasa kaming kaisa namin kayo sa layuning ito.
Bukod sa pochero, tingnan na lang sa ating link ang mga maaaring ma-order. Hanggang 7 pm lang sa Miyerkoles ng gabi tatanggap ng order para sa delivery sa Biyernes, January 15. Salamat sa inyong pusong mapagkalinga.
Paki-fill up lang po itong form
Please click the link to complete this form.